TAHIMIK kami ni Tita Nicole sa biyahe pauwi. Gusto ko siyang kausapin. Pero tulad noong nasa Singapore kami.. ramdam at pansin kong ayaw niyang pag-usapan ang bagay na 'yon. Umiiwas siya sa tuwing sinusubukan kong hulihin ang kaniyang tingin. Kapag ibubuka ko naman ang aking bibig para magsalita kaagad niyang itinataas ang isang kamay niya para pigilan ako sa anumang sasabihin ko. I want to help her, to comfort her.. pero paano? Kung siya mismo ay ayaw humingi ng tulong.. "Friday, ayokong may makakaalam ng tungkol rito lalo na ang mga kapatid at magulang mo," sabi ni Tita Nicole pagpasok namin sa loob ng bahay. "Pero.. Tita.." Nahinto sa pag-akyat ng hagdanan si Tita Nicole at lumingon sa'kin. "Please. Friday, ito lang ang hiniling ko sa'yong pabor sa tagal nang pag-alalaga ko sa inyo.

