Inside me Dinala nga ako ni Stolich sa clinic. Hinilot lang nung nurse ang paa ko. Tapos ang sabi niya ipahinga ko lang daw at mawawala rin 'yong kirot. Parang may ugat lang daw na naipit. Di ko gets pinagsasabi niya. Si Stolich naman lumabas tapos bumalik rin yun pala binilhan lang ako ng isang pack ng Milkita. Siya yung pinapabukas ko. Para naman mapakinabangan ko dito total siya itong may kasalanan kung ba't ako nadapa. Hindi pa naman ako matanda pero ba't nanghina yung tuhod ko nang oras na iyon? Sinundo rin ako ni Kuya. At heto na naman siya sa pagbubunganga niya. Rinding rindi na 'yong tenga ko. Pag papatulan ko yan ikukwento na naman yan sa mga pinsan ko! Ako na naman itong susugurin ng mga 'yon para lang pangaralan. "I'm fine na nga kuya. Chill." Pagpapakalma ko sa kanya lalo

