Rain "Bestfriend ko 'yon Stolich kaya nagagalit ako sayo! Si Phoebe 'yon hindi lang kung sino!" Hinampas ko ulit ang braso niya. Naiinis na kasi talaga ako. Di ko maiwasang sapakin siya sa braso niya. "I don't think so. Nagseselos ka 'yon iyon. Want a proof?" Ngumisi siya. Yung ngising may naisip siyang kalokohan. May sungay talaga ang dyablo na 'to. "Do I care?" Nagtaas ako ng kilay. "No." Umirap ako sa kanya at naglakad na. Nilagpasan ko siya. Baka mamaya makita na naman kami ni Kuya dito sa may entrance. Tanaw na tanaw pa naman dito ang labas. Baka isipin na naman nun na close kami ng dyablong 'to! Di kaya. Tss. Lumingon ako sa likod ko. Napakurap ako nang hindi ko na matagpuan ang imahe niya. Buti naman at huminto na siya sa kakapeste sakin. Nang makarating ako sa bahay ay bi

