Chapter 26 Julie Ann Lumipas ang ilang araw hindi na nga umuwi si Mark sa kanilang bahay. Kahit paano nakahinga ako ng maluwag at nakakilos ako ng maayos dito sa bahay nila kasama si Lola Gracia. Tapos na rin ang bakery, kayan nagliligpit na lang ako ng mga kalat dito sa loob. Excited na ako na makapagsimula kami ni Lola sa susunod na linggo. Marami pa kasi kaming bibilhin ng mga kailanganin namin. Mabuti at may standing na ako, kaya bago tinapos ni porman ang bakery ay pinalagay ko na ang dalawang stanty na displihan ng mga tinapay. "Nandito ka lang pala, iha. Kagagaling mo lang sa sakit. Baka mamaya mabinat ka. Hayaan mo na ang mga ligpitin diyan at matawag na lang tayo ng magliligpit," sabi ni Lola sa akin. Dalawa na lang kasi kami rito sa bahay nila. "Ayos lang Lola, exercise

