Episode 7

2063 Words
Chapter 7 Julie ann Nakaunan ako sa balikat ni Mark. Pareho kaming pagod at parang walang gana magsalita sa aming dalawa. Parang nawalan din ako ng lakas ng loob na kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Subalit hindi pwedeng manahimik na lang ako. "Bakit dinala mo ako rito? Kailangan nating bumalik doon dahil magbi-bake pa ako ng tinapay," paos na boses kong sabi sa kaniya. Nakahiga kami sa malambot na kama at natakpan lang ng puting comforter ang hubot hubad naming katawan. "Dahil na-miss kita, kaya kita dinala rito." Natawa ako ng pagak sa sagot niyang iyon sa akin. "Na-miss mo ang katawan ko, kaya mo ako dinala rito? Paano ang girlfriend mo? Paano kung malaman niya na nagkikita pa tayo? Ano 'yon, dalawa kami na tinutuhog mo?" Hindi ko maiwasan ang aking sarili na hindi isumbat iyon sa kaniya. Bilang isang babae masakit na dalawa kami sa buhay niya. "Tsss... Wala pang nangyari sa aming dalawa ni Kristine, kaya kang mag-isip ng kung ano-ano." Napalakas ang tawa ko sa sagot niyang iyon sa akin. "Imposible naman na walang nangyari sa inyo? Ano 'yon nagtitigan lang kayo?" mapang-uyam kong tanong sa kaniya. "Dahil nirerespeto ko siya. Kaya kahit maniwala ka man o hindi wala pang nangyayari sa amin ni Kristine!" mariin niyang sabi sa akin. "So, malaki pala ang respeto mo sa kanya, pero sa akin pala wala kang respeto? Kung sabagay sino ba naman ako upang respetuhin mo na sa isang kalabit mo lang ay sumama na sa'yo sa kangkungan!" Nagpupuyos ang damdamin ko habang sinasabi ko iyon sa kanya. "Nirerespeto din kita. Magkaiba nga lang kayo ng posisyon ni Kristine. Nangako ako sa kanya na papakasalan ko siya kapag naka-graduate na siya. Pinaki-" Hindi natapos ni Mark ang sasabihin niya nang magsalita ako. "Wala akong pakialam sa pangako mo sa kaniya! Sana hindi mo na lang ako ginalaw. Hindi mo sana sinamantala ang kahinaan ko. Subalit ano pa nga ba ang magagawa ko dahil nakuha mo na ang katawan ko!" Ganito pala kasakit ang magmahal. Katulad din noong una niya akong inangkin. Masakit kapag first time. "Alam ko nagkamali ako. Akala ko laro lang sa atin ang lahat. Subalit sa isang linggo na hindi kita makita hindi na ako makapagtrabaho ng maayos. Gusto kitang puntahan subalit wala akong lakas ng loob dahil alam kong nasaktan kita. At ayaw ko na awayin ka ni Kristine, kaya mas gusto ko pang lumayo ka sa akin." Napalunok ako ng sarili kong laway sa sinabi niyang iyon. "Mahal mo ba siya, Mark? At ano ang plano mo sa akin? Gawin mo akong kabit?" mahina kong tanong sa kaniya. Bumuntong hininga siya ng malalim. "Hindi, ayaw ko maging involve ka sa personal kong problema. Gusto kong sulitin natin ang gabing ito na magkasama. At ito na rin siguro ang huli nating pagkikita." Parang kinurot na naman ang puso ko sa sinabi niya. "So, gano'n na lang kadali iyon sa'yo? Pagsasawaaan mo ako ngayong gabi tapos iiwanan mo na naman ako?" tanong ko sa kanya na may kasamang panunumbat. "Hindi mo alam kung gaano kabigat sa akin na gawin ito na malayo sa'yo," sagot niya sa sinabi ko. "Hindi mo rin alam kung gaano kasakit sa akin ang ginagawa mong ito! Mahal mo ba ang Kristine na iyon?" Muli kong tanong sa kanya dahil hindi niya sinagot kanina ang tanong ko tungkol sa nararamdaman niya sa babaeng iyon. "Huwag na natin pag-usapan iyan. Ano ba ang gusto mo?" tanong niya sa akin. Bumangon ako at umupo sa kama. Napapahilamos ako ng aking dalawang palad. Pagkatapos ay bumaling ako sa kanya. "Tinatanong mo kung ano ang gusto ko? Maibibigay mo ba iyon sa akin kapag sinabi ko?" balik kong tanong sa kanya habang magkasalubong ang aking mga kilay. "Tell me what you want," mahina niyang tanong sa akin. "I want you! Ayaw kong iwanan mo ako. Hayaan mo na magsawa ako sa pagmamahal ko sa'yo. Hayaan mong mauntog ako sa katangahan ko sa'yo, para kung sakaling magising ako hindi ganoon kasakit ang mararamdaman ko," maluha-luha kong sabi sa kaniya. "So, ayos lang sa'yo na magkikita tayo ng patago? Kuntento ka na ganito lang tayo? Ayos lang ba sa'yo na hindi kita pwede ipakilala sa lahat dahil alam mo naman na may girlfriend ako?" tanong niya sa akin. "Wala akong pakialam kung pangalawa lang ako sa puso mo. Subalit hindi ko pa kaya na iwanan mo ako, Mark. Ikaw ang unang lalaking minahal ko at unang pinagkatiwalaan ng pagkatao ko. Ang sabi ko sa'yo hayaan mo ako mauntog sa katangahan ko sa'yo. Gano'n kita kamahal," sabi ko sa kaniya. At lahat ng sinabi ko sa kanya ay totoo. Hindi ko pa kaya mawala siya sa buhay ko. Sabihan man akong tanga, subalit uunahin ko o nararamdaman ko dahil masakit kapag bigla na lang kaming maghiwalay. Hindi pa handa ang puso ko na masaktan ng husto. "Hayaan mong makilala pa kita ng husto, upang sa gano'n kapag nalaman ko kung anong makita ko na makapagpa-turn off sa akin tungkol sa'yo madali ko na lang tanggapin na isa kang walang kwentang tao. Na hindi kita dapat mahalin at hindi mo deserve ang pagmamahal ko. Sa ngayon hayaan mo akong mabaliw sa'yo. Kaya hangga't hindi pa ako nagigising sa katotohanan malaya ka na gawin ang gusto mo sa katawan ko. Anong oras na gusto mo kaya kitang paligayahin sa kama hangga't baliw pa ako sa'yo, Mark" walang alinlangan kong sabi kay Mark. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa'yo. Ayaw kitang masaktan ng husto, Julie. Hindi ko inaasahan na darating ang isang tulad mo sa buhay ko. Just give me time to fix everything," sabi niya sa akin habang hinahaplos niya ang aking pisngi. Nakaupo na rin siya sa tabi ko. Hindi ko man alam kung ano ang ibig niyang sabihin subalit sapat na sa akin na pumayag siya na huwag muna naming tapusin ang relasyon namin. At habang narito pa siya sa piling ko gagawin ko ang lahat upang mabaliw siya sa akin at iwanan niya ang girlfriend niya. Hindi ko sinayang ang pagkakataon. Ako na mismo ang humalik sa kaniya. Kailangan mahulog siya sa akin, upang hindi na siya makipaghiwalay pa sa akin. Muli namin pinagsaluhan ni Mark ang langit. Ilang beses niya akong inangkin ng gabing iyon. Kinabukasan maaga kaming nagising upang magbyahe patungo sa Maynila. Habang nasa sasakyan kami wala kaming imik sa isa't isa. "Gusto mo mag-almusal muna tayo?'' tanong niya sa akin nang makarating kami sa Tagaytay. "Sige, at medyo nagugutom na rin ako,'' tugon ko sa kaniya. Dumaan kami sa bulaluhan. Mabuti 24 hours itong bukas. Pumasok kami sa loob at nag-order. Isang bulalo ang order namin na pang-apat na tao na ang pwedeng kumain. At may mga iba pa siyang in-orde. "Damihan mong kumain para bumalik ang lakas mo,'' wika ni Mark sa akin. Nilagyan niya ang sa isang mangkok ng bulalo. Nilagyan niya rin ng kanin ang aking plato. Sino hindi ang mahuhulog sa kaniya kung ganito siya mag-alaga sa akin? Dumating lang ang Kristine na iyon nagbago na ang lahat. "Hindi na siguro ako makapagbukas nito ng bakery dahil hindi ako nakapag-bake ng tinapay,'' sabi ko sa kaniya. "Bayaran ko na lang ang isang araw na kita mo para makapagpahinga ka.'' Napataas ang kilay ko sa offer niyang iyon sa akin. "Huwag na. Babawi na lang ako bukas,'' tanggi ko sa kaniya. Ayaw kung isipin na binabayaran niya ako sa panahon na kasama niya ako. "Pero sayang naman ang kita mo,'' sabi niya sa akin. "Okay, lang. Kasama naman kita,'' sagot ko sa kaniya at tipid na ngumiti. Pagkatapos namin kumain ni Mark ay nagbyahe na kami papuntang Manila. "Paano kapag nalaman ni Kristine na magkasama tayo buong gabi?'' tanong ko sa kaniya habang nagmamaneho siya. "Paano naman niya malalaman kung wala namang magsasabi sa kaniya?'' sagot niya sa tanong ko. "Malay mo, may mga kaibigan siya na nakita tayo at isumbong tayo sa kaniya?'' sabi ko sabay kibit ko ng aking balikat. Gusto ko lang malaman kung ano ang magiging reaksyon niya. "E 'di, magsumbong sila. Wala akong pakialam. Ang mahalaga kasama kita,'' sabi niya sa akin. Ang sarap sana sa puso ang sinabi niya subalit nakakatakot din dahil alam ko kung ano ang posisyon ko sa puso niya. Sa ngayon si Kristine ang mahal niya. Subalit sisisiguraduhin ko na bukas ako na ang gusto niya. Nakarating kami ni Mark, sa bakery. "Magpahinga ka. Tawagan na lang kita mamaya,'' sabi niya sa akin nang huminto kami sa harap ng bakery. "Sige, ikaw ang bahala. Diyan ka lang ba sa shop mo?'' tanong ko sa kaniya. "Oo, mamaya sabay tayo mag-dinner,'' sabi niya pa sa akin. "Titingnan ko,'' tipid kong sagot sa kaniya. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng sasakyan nang kabigin niya ako. "Wala bang kiss bago ka bumaba?'' tanong niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi. "Bakit sa pisngi lang?'' tanong niya sa akin. "Saan naman ang gusto mo?'' tanong ko sa kaniya. Hindi na siya sumagot sa tanong ko at hinalikan niya na ako sa aking labi. Matagal naglapat ang aming mga labi na parang halos ayaw namin maghiwalay sa isa't isa. Maya-maya naghiwalay din ang mga labi namin. "Sige, na. Bumaba ka na at baka hindi ako makapagpigil at makaisa pa tayo rito sa sasakyan ko,'' pilyo niyang sabi sa akin, kaya natawa na lang ako. "Hindi ka pa nakuntinto kagabi?'' nakangiti kong tanong sa kaniya. "Hindi, bitin ang isang gabi na kasama kita.'' Kinilig ako sa sinabi niyang iyon. "Bakit kasi hindi na lang ako ang pakasalan mo? Joke, lang! Sige na, bababa na ako,'' paalam ko sa kanya. Binuksan ko na ang pintuan ng kaniyang sasakyan at bumaba na ako. Bahagya pa akong kumaway sa kaniya bago ko isinara ang pintuan ng kaniyang sasakyan. Hindi joke ang sinabi kong iyon. Bakit hindi na lang ako ang pakasalan niya? Gayong gusto niya rin naman ako makasama? Subalit alam ko na hindi ako ang nilalaman ng kaniyang puso ngunit umaasa pa rin ako na mahalin niya ako. Pumasok na ako sa loob ng aking bakery. Umuwi si Nene, nagpaalam ito sa akin kagabi dahil may sakit ang kaniyang ina. Tumuloy ako sa aking silid at nahiga. Totoong nanghina at napagod ako kagabi sa ginawa namin ni Mark. Wala pang dalawang minuto tumunog naman ang cellphone ko. Nakita ko ang number ni Ma'am Lida, kaya agad kong sinagot ang tawag niya. "Good Morning, Mom! Bakita po napatawag kayo?'' nakangiti kong sabi sa kaniya. "Ikwenento kita sa Mommy ko at excited na siya na makita at makilala ka. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo na huwag mo na lang pansinin ang mga sasabihin niya. Gusto ka kasi niyang ipakilala sa apo niyang si Benjamine. Paano kasi hindi pa rin nag-aasawa ang anak ko. At ayaw naman namin doon sa gusto niyang asawahin.'' Napangiti ako ng mapakla sa sinabi ni Ma'am Lida sa akin. Mukhang gusto pa yata nito na ireto ako sa kaniyang anak. "Ahahaha... Gano'n po ba? Ano po ba ang maitulong ko?'' tanong ko sa kaniya. "Iha, wala ka naman kasintahan sabi mo, hindi ba? Gusto ko sana makipag-date ka sa anak ko kay Benjamine. Gusto ko paghiwalayin sila ng girlfriend niya. Huwag ka mag-alala dahil gwapo ang anak ko,'' pagmamalaki ni Ma'am Lida sa kaniyang anak. Natatawa lang ako sa gusto niya mangyari. "Ang hirap naman yata ng gusto niyo, Ma'am,'' sabi ko sa kaniya. Subalit ang totoo hindi ko lang masabi sa kaniya na may boyfriend na ako. "Pagbigyan mo na ako, Iha. Saka mo na lang ako tanggihan kapag nakita mo na ang anak ko,.'' Napabuntong hininga na lang ako ng malalim sa sinabi ni Ma'am Lida sa akin. Paano kaya kung makipag-date ako sa anak niya at malaman ni Mark? Magseselos kaya si Mark kay Benjamine? "Sige, Ma'am. Susubukan ko po,'' tugon ko na lang sa kaniya para hindi na siya mangulit pa. "Thank you talaga, iha. Sa ganda mong 'yam sigurado ako na magugustuhan ka ni Benjamine,'' tuwang-tuwa na sabi sa akin ni Ma'am Lida. "Walang anuman po. Ano po pala ang gusto ng Mommy ninyo, Ma'am? Para may regalo din ako sa kaarawan niya,'' tanong ko kay Ma'am Lida. "Mahilig mangoliksyon si Mommy ng balabal. Kahit anong kulay masaya na siya kapag iyon ang regalo mo sa kaniya,'' sagot ni Ma'am Lida sa akin. Mababaw lang din pala ang kaligayahan ng Mommy niiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD