Episode 62

2108 Words

Chapter 62 Julie Nagising ako na hindi na nag-iisa. Madaling araw pa lang. Alas-kwatro y media ng umaga. May mainit na bisig na nakayakap sa akin. Hindi mahigpit, pero sapat para maramdaman ko ang init ng balat niya sa balat ko. Marahan ang paghinga niya sa batok ko, parang musika sa tahimik na umaga. Napakiramdaman ko ang sarili ko. Wala na ‘yong tensyon na parang bawat pagdilat ko ay kailangan kong maghanda para sa giyera ng alaala. Wala na rin ‘yong galit na tila bumubulwak tuwing maaalala ko ang sakit. Ang naiwan, tila pagod. Pero hindi na galit. Hindi na rin takot. Pag-ikot ko ng ulo, nakita ko ang mukha ni Mark. Nakatulog pala siyang nakangiti. Ang kapal pa rin talaga ng mukha nito. Parang kahapon lang halos ayaw kong makita siya. 'Yong umiiyak ako dahil labis akong nasaktan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD