Chapter 22 Julie Ann "Benjamine, ano ba ang dinadabog-dabog mo?" tanong ni lola kay Mark. "Pasensya na, La. Nagmamadali kasi ako," sagot niya sa tanong ni lola. "Mukhang masama yata ang loob mo. Aalis ka na naman ba? Kahapon hindi mo tinupad ang sinabi mo na hindi aalis tapos gabi ka na pala umuwi kagabi," sabi ni lola sa kanya. "Pasensya na lang nasa hospital kasi si Kristine. Mabuti na riya ng mga magulang niya kaya sila muna ang bahala sa anak nila," sagot ni Mark kay lola. "Bakit kasi hindi mo na lang hiwalayan ang babaeng iyon? Si Anne na lang kasi ang ligawan mo." Muntik na akong nabilaukan sa sarili pong laway dahil sa sinabing iyon ni lola kay Mark. Muling tumingin sa akin si Mark. Subalit malamig ang tingin nito sa akin. "Lola, wala na po akong balak mag-asawa," sagot k

