Chapter 17 Julie Ann Lumipas pa ang mga araw naging magaan ang pamumuhay ko dito kina Lola Gracia. Umalis na si Ma'am Lida at dalawa lang kami ni Lola Gracia ang naiwan dito. Kasalukuyan ginagawa pa rin ang bakery shop namin sa labas ng bahay nila. Dito sa gilid ng gate. Safe naman dahil sa loob pa rin ng bakod ang pwesto ng bakery namin ni Lola Gracia. Naging payapa ang isip at puso ko dahil hindi ko na nakikita si Mark. Mabuti na lang na hindi kami magkikita. Subalit hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Manang Rosmar, tungkol kay Kristine. Parang may saltik na ang babaeng iyon. Parang ang hirap naman yata kapag na obsess sa'yo ang isang tao. Sino ba naman ang hindi mao-obsess kay Mark. Ang gwapo kasi nito. Kahit nga ako sa panaginip ang landi ko pa rin sa kanya. Makita

