Chapter 64 Julie Ann Lumipas pa ang isang araw. Nagising ako sa tunog ng mga kutsarang nagkakalansingan sa kusina. Saglit akong napatitig sa kisame. Medyo madilim pa sa labas, pero may bahagyang sinag ng araw na sumisilip sa siwang ng kurtina. Naamoy ko agad ang kape. May halong amoy ng mainit na pandesal na parang iniinit sa kalan. Napangiti ako. Si Mark. Bumaling ako sa bandang sala. Nakalatag pa rin ang banig doon, pero wala na siya. Pansamantala doon siya sa sala kahit bati na kami. Parang naaasiwa kasi ako kapag katabi siya. Pinilit kong hindi bumangon, pero nanalo pa rin ang pagkamausisa ko. “Mark?” tawag ko, medyo paos pa ang boses. Narinig kong sumagot siya mula sa kusina. “Gising ka na? Hintayin mo lang ako d’yan, ‘wag kang gagalaw.” “Nagkakape ka na naman?” “Siyemp

