*JACKIE's POV* "Uy! Salamat sa paghatid mo sa akin ah?" sabi ko kay Bruno pagkarating namin sa tapat ng bahay. Inabot ko sa kaniya ang helmet niya. "Yun lang? Hindi mo man lang ako papapasukin?" bigla ay tanong niya sakin. Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Gusto nitong pumasok sa loob? Lihim akong napangiti pero ayaw kong makita niya iyon. "Ah sige pasok ka muna sa loob," sagot ko naman sa kaniya. "Sus! Ikaw talaga, kung hindi ko pa sabihin hindi mo man lang ako iimbitahan sa loob ng bahay mo," sabi nito. Wari ay nagtatampo ito habang nakatingin sa akin. Natatawa tuloy ako sa kaniya. Bakit ganoon ka-bigdeal dito ang bagay na iyon? "Bakit parang napaka-big deal naman yata sayo?" tanong ko at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay ko. "Wala lang. Gusto ko lang makita ulit ang bahay

