CHAPTER 25

2061 Words
*Lucas POV* Tumingin ako sa orasan nang maalimpungatan ako. 11:PM na pala. Tulog na ang mga kasama ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng silid namin. Parang biglang kumalam ang tiyan ko kaya naman nagpainit ako ng tubig. Habang nagpapainit ako ng tubig ay sumilip na rin muna ako sa ibaba kung may mga estudyante pang gising. Tahimik na ang paligid pero napakunot ang noo ko nang makita ko na may babaeng nakaupo mula sa mga lumang upuan sa ibaba kung saan ang paboritong tambayan nila Mike. Likod pa lang nya ay kilalang-kilala ko na sya. Ang tindig ng katawan nya kailanman ay hindi ko makakalimutan. "Xyla..." halos hindi kumawala sa labi ko ang mga katagang iyon. Ano bang ginagawa nito sa ibaba? Bakit hindi nito kasama ang nobyo nitong si Mike? Tiningnan ko ang tubig na pinapakulo ko. Hindi ko na iyon pinakulo ng sobra at agad kong isinalin iyon sa tasa ko. Nang makapagtimpla ako ng kape ay nagdesisyon akong bumaba. Dahil sa tahimik ang bawat paghakbang ko sa hagdanan ay hindi iyon agad nadinig ni Xyla. Hindi sya lumilingon kaya naman itinuloy ko lang hanggang sa makarating na ako sa ibaba. Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Dis-oras na ng gabi ah? Bakit gising ka pa?" tanong ko dahilan para mapalingon si Xyla sakin. Nabigla ako nang makita ko ang mukha nya. Namumugto ang mga mata nya. Nababasa ko roon ang labis na kalungkutan. May nangyari bang hindi maganda? "Anong ginagawa mo dito?" mahina ang boses na tanong nya sakin. Humakbang ako at umikot upang umupo sa isang upuan di kalayuan sa kinalalagyan nya. Hawak ko pa rin ang tasa ng kapeng iniinom ko. "Hindi ako makatulog eh. Naalimpungatan ako, sinilip ko lang kung may tao sa ibaba, saktong nandito ka pala at gising pa rin," sagot ko sa kanya. Nagbaba sya ng tingin sakin. Medyo matagal na rin buhat nang maghiwalay kami. Natanggap ko na rin sa sarili ko na ipinagpalit nya ako kay Mike ngunit palagi akong may tanong sa sarili ko kung ano bang naging kulang ko sa relasyon namin noon. Ngayon lang ulit kami nakapag-usap pagkalipas ng ilang buwan. "Kamusta na kayo ni Selena?" malungkot ang mga mata nya habang nakatingin pa rin sakin. Ngumiti ako ng mapakla. Hanggang ngayon pala ay naniniwala pa rin sya na nobya ko si Selena. Hindi ko naman nobya si Selena, ginagamit ko lang si Selena noon para pagselosin sya dahil sa ginawa nya sakin noon. Aaminin kong nasaktan ako ng sobra, pero wala naman na akong magagawa kung si Mike talaga ang mahal nya. Ang masakit lang ay bakit ganoon kadali para sa kanya na itapon ang dalawang taong relasyon namin. Parang wala lang sa kanya yung mga pinagsamahan namin. "Naniniwala ka pala talaga na naging nobya ko si Selena," mapaklang sabi nya at inilapag ang tasa sa lamesita. Tinitigan nya si Xyla sa mga mata. Wala pa ring nagbabago dito. Maganda pa rin ito ngunit tila tumakas na ang kulay sa mga mata nito. Tila wala ng buhay iyon. "A-anong ibig mong sabihin?" halatang nagtaka ito dahil sa sinabi ko. "Hindi ko naman nobya si Selena eh, at kailanman ay hindi ko sya naging nobya," paglilinaw ko sa kanya. Bakas ang pagkagulat sa mukha nya pero kapagkuwan ay nagbaba ito ng tingin. "Ginamit ko lang si Selena noon para ipakitang masaya ako. Ayokong makita mo na mag-isa ako, gusto kong makita mo na pareho na tayong mayroong iba, pero ngayon hindi naman na pala 'yon mahalaga. Wala naman ng rason para lokohin ko pa ang sarili ko para lang ipakita sayo na mayroon na rin akong iba. Tanggap ko na kung ano ang nangyari satin," sabi ko. Tila napahiya ito at pinagsiklop ang mga palad. Naging mailap ang mga mata ni Xyla. "Kayo ni Mike kamusta?" tanong ko sa kanya. "Hindi mo ba nabalitaan 'yung nangyari kanina? Wala kang alam?" tanong nya sakin. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko maunwaan kung ano ang sinasabi nya. May nangyari ba kanina? Medyo maaga kasi akong nakatulog kaya wala talaga akong alam kung ano man ang nangyari. "Wala eh. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, ano ba iyon?" tanong ko sa kanya. "Wala na kami ni Mike. May iba syang nobya bukod sakin," sagot ni Xyla dahilan para umangat ang dalawang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Totoo ba ang sinasabi nya? "T-teka, naguguluhan ako eh. Paanong may ibang nobya, you mean hindi lang ikaw ang nobya nya? How did you knew that?" nagtatakang tanong ko. Si Xyla naman ang mapait na ngumiti dahil sa tanong kong iyon. "Nobya nya si Ma'am Barromeo," sagot nya sakin. Doon ay tuluyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. "Seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yup, sumugod nga sya rito kanina at nag-away kami," Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Nobya ni Mike si Ma'am Barromeo? Pero sa pagkakaalam ko ay bawal na makipagrelasyon ang guro sa estudyante nito. Kunsabagay ay kakaiba naman ang eskwelahang ito, mukhang hindi naman mahalaga ang rule na iyon. Nagkakamatayan nga ang mga estudyante dito at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming ideya kung bakit nangyayari iyon. "I'm sorry to hear that," sambit ko habang nakatingin pa rin kay Xyla. Niloko sya ni Mike. Paanong nagawa ni Mike iyon sa kanya? Nagparaya na nga ako dahil nakikita ko naman sa mga mata ni Xyla na masaya sya kay Mike pero mali pala ako. Niloloko lang pala sya ni Mike. Nakaramdam ako ng awa para kay Xyla at inis naman para kay Mike. "Okay lang iyon, kasalanan ko naman eh. Baka nga karma ko na ito dahil iniwan kita noon," malungkot na sambit nya sakin. "Wag mong sabihin 'yan," sabi ko sa kanya at umiling-iling. "Totoo naman 'di ba Lucas? You loved me pero anong ginawa ko? I cheated on you. Niloko kita at ipinagpalit kay Mike. I'm sorry," Nanggilid ang luha sa mga mata ni Xyla. "Huwag ka na ngang umiyak, masyado ng namumugto ang mga mata mo," sabi ko sa kanya. Tumayo ako at lumapit sa kinauupuan nya. Kumuha ako ng panyo at pinunasan ang luhang umagos sa pisngi nya. Nakatitig lang sya sa mga mata ko habang ginagawa ko iyon. Natigilan ako nang hawakan ni Xyla ang kamay ko. Parang biglang nag-slowmo ang paligid. Napalunok ako nang mapatingin ako sa labi nya. Damn it. I still love her! Hindi ako tanga para itanggi pa ang bagay na iyon. Ang pamilyar na t***k ng puso ko ay muli ko na namang naramdaman. Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng palakpak at papalapit na yabag. It was Mike. Papalapit sya samin habang nakatingin saming dalawa ni Xyla. Ang senaryong naabutan nya ay yung hawak ni Xyla ang kamay ko. Kaagad na binitawan ni Xyla ang kamay ko nang lumingon ito kay Mike. "So mayroon na bang balikan na nangyari?" nang-uuyam na sabi samin ni Mike. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Why did you hurt her?" tanong ko sa kanya. "Wow, superman ikaw ba 'yan?" nakangisi pa si Mike kaya naman nagtagas ang mga ngipin ko habang nakatingin sa kanya pero pinipigilan ko pa rin ang sarili ko. This is not the right time to make a scene. Masyado ng late at maraming estudyante na ang natutulog sa mga oras na ito. "Mike, pwede ba tama na?" sabi ni Xyla. Bumaling ng tingin si Mike kay Xyla. "Bakit Xyla? Nakipagbalikan ka na ba sa ex mong ito?" "Mali ka ng iniisip," agad na sabi ni Xyla pero tumawa lang si Mike. "Go on Xyla, makipagbalikan ka na sa ex mo. Tapos naman na tayo eh. Hindi na kita kailangan," tumalikod na si Mike habang iiling-iling. Naiwan kaming dalawa ni Xyla. Nanliit ako bigla sa mga sinabi ni Mike kay Xyla. Alam kong nasaktan na naman sya dahil doon. "A-are you okay?" alalang tanong ko kay Xyla pero hilam na pala sa luha ang mga mata nya. I hugged her. Wala akong pakialam sa mga sandaling ito at ang tanging nasa isip ko lang ay pawiin ang sakit na nararamdaman nya. Umiyak sya ng umiyak sa balikat ko habang yakap-yakap ko sya. Hinayaan ko lang sya na iiyak nya ang lahat ng sakit na nararamdaman nya. "Umiyak ka lang sa balikat ko. Iiyak mo lang lahat ng sakit," mahinang sabi ko at hinagod ang likod nya. Sunod-sunod ang paghikbi nya at hinayaan ko lang sya kahit mapuno pa nya ng luha ang damit ko. Ilang minuto din bago sya humiwalay sa yakap ko. "I'm sorry," nahihiyang sabi nya sakin. "It's okay. Wala ka namang dapat ihingi ng sorry. Sinaktan ka nya tapos sya pa ang malakas loob na sabihin sayo yun? Hindi mo sya deserve," sabi ko. Muli kaming naupo sa upuan. "Ang tanga-tanga ko!" "Ano ka ba wag mo ngang sabihin 'yan," "Totoo naman eh. Ang tanga-tanga ko Lucas. Sana hindi na lang kita iniwan, sana hindi kita pinagpalit sa taong 'yon. Ito na ang karma ko——" "Shh! Wag mong sabihin 'yan," "Sana mapatawad mo ako Lucas," Pinilit kong ngumiti sa kanya. Habang magkatabi kami ay hinawakan ko ang kamay nya at pinisil iyon. "Napatawad na kita Xyla. Ayokong magtanim ng galit sayo," sabi ko. Kahit namumugto ang mga mata ay pinilit na ngumiti sakin ni Xyla. "Maraming salamat Lucas," sambit nya. "Wag ka ng umiyak hindi bagay sayo eh, iyakin ka pa rin talaga," sabi ko. Naramdaman ko na mahina nyang hinampas ang braso ko. "At ikaw pa rin palagi ang superhero ko," "Pfft. Ang baduy pakinggan ha? Pero parang kinilig ako ng konti," biro ko sa kanya. Nakita kong napangiti sya. "Naalala mo ba dati? Palagi mo kong pinagtatanggol sa mga umaaway sakin kasi ako ng girlfriend mo tapos maraming ibang nagkakagusto sayo," "Yeah. Feeling ko ang gwapo-gwapo ko sa part na 'yon. Pero hindi naman nila kayang diktahan ang puso ko dahil ikaw lang naman talaga ang mahal ko noon," sabi ko sa kanya. Bigla syang natigilan dahil sa sinabi ko. "Ang swerte ko sayo. Naalala ko pa nga nung lagi kitang dinadalhan ng tubig at towel kapag naglalaro ka ng basketball tapos nilagyan ng mga malditang clown sa school ng ketchup yung upuan ko. Akala mo may period ako that time at alalang-alala ka dahil sobrang daming dugo!" Bigla akong napatawa dahil sa sinabi nya. Naalala ko ang tagpong iyon. Sobrang kabado ako dahil iniisip ko baka may sakit na si Xyla at hindi na normal kung ano man ang dugong iyon. Sobrang dami kasi tapos nalaman namin na ketchup lang pala. Masyadong inis sa kanya ang mga babaeng may gusto sa akin noon dahil sa tindi ng insecurities ng mga ito kay Xyla, pero palagi ko syang pinagtatanggol. Halos ipagsigawan ko pa nga sa buong campus na si Xyla lang ang mahal ko. "Mahal na mahal mo talaga ko nun no?" Tumingin sakin si Xyla at ngumiti ako sa kanya. Tumango ako sa tanong nya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na hanggang ngayon naman ay walang nagbago sa pagtingin ko para sa kanya pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Siguro ay hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko pa sa kanya iyon. "Swerte din naman ako sayo noon ah. Mabait ka at maalaga, ang sweet mo pa kahit minsan sobrang selosa mo," piningot ko ang ilong nya dahilan para ngumiti sya. "Eh kasi naman sobrang dami kong karibal sayo that time. Mahirap ba maging heartrob?" biro nya sakin. "Loko. Kahit naman maraming nagkakagusto sa akin noon sayo lang ako. Sayo lang tumitibok ang puso ko," Nakita kong namula ang mukha ni Xyla at nagbaba ito ng tingin. Natigilan din tuloy ako sa kung ano ang nasabi ko sa kanya. Ilang sandali pa ay nagdesisyon na kaming magpahinga. Hinatid ko sya sa silid nila sa ibaba. Puro babae naman ang kasama nya sa silid nila kaya naging kampante na rin ako. "Salamat Lucas, magpahinga ka na rin," sabi nya sakin. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. "Sige, magpapahinga na rin ako. Akyat na ako sa itaas. Goodnight!" Ngumiti sya sakin bago sumagot. "Goodnight Lucas!" sambit nya. Tumalikod na ako sa kanya at pumanhik na sa silid namin sa itaas. Alas dose na ng gabi at kailangan ko na rin magpahinga dahil may pasok pa kami bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD