*LUCAS POV* "So, dito ka na satin naka-destino ngayon?" tanong ko kay Val habang papalabas kami ng pintuan. Hinahanap ko sila Bruno dahil bigla na lamang nawala ang mga ito kanina. Saan ba nagpunta ang mga iyon? "Oo, mabuti na nga lang at hindi na ako mapapalayo ulit. Mas mapapadali para sakin na makita siya ulit madalas," sagot sakin ni Val. Alam kong si Selena ang tinutukoy nito. Mukhang hindi pa rin nagiging okay ang dalawang ito. Mahihirapan yata talaga ito na mapabalik sila sa dati. Kahit ano kasing pagpaparinig ang gawin ko kay Selena eh mukhang wala na itong balak na buksan ulit ang puso nito. Finofocus na lang nito ang sarili sa pagtuturo. "Hanggang ngayon ay malayo pa rin ang loob niya sakin. Ramdam na ramdam ko eh," sabi ni Val. Tinapik ko ang balikat nito habang ang isang kam

