*SELENA's POV* "Ang tagal naman nila Lucas, kinakabahan na naman tuloy ako para sa kanila," sabi ko sa mga kasama ko. Nagdidilim na at nandito pa rin kami sa loob ng classroom. Hindi kami natagpuan ng mga Dayta kaya lihim akong nagpasalamat dahil walang nangyaring masama sa amin habang wala sila Val. "Ayokong isipin na may nangyari ng masama sa kanila," ani Jackie habang iiling-iling. Ayoko rin isipin. Hindi na kaya ng isipan ko ang mga masasaklap na nangyayari. Baka bumigay na ang utak ko. "Kumalma lang kayo, walang mangyayaring masama kila Val at Lucas," sagot naman ni Bruno sa amin. Magkatabi sila ni Jerron sa isang sulok. "Sana nga Bruno. Sana nga ay walang nangyaring masama sa kanila. Sobra na ang mga nangyayari..." iiling-iling na sabi ni Xyla. "Magtiwala lang tayo sa kanila. Al

