*VALOROUS POV* "Pare, siguraduhin mong makakarating ka sa birthday ko dahil kung hindi, magtatampo talaga ako sayo," ani Lucas sakin mula sa kabilang linya. Ilang araw na rin akong kinukulit ng isang to. Ang sabi ko kasi ay baka busy ako ng araw na iyon pero ayaw talaga tumigil ni Lucas sa pagtawag sakin hangga't hindi ako nakakapagsabi sa kaniya ng oo. Hanggang ngayon ay pinaglihi pa rin pala sa kakulitan itong si Lucas. Napailing na lang ako habang naiiling. Mukhang wala rin naman akong magagawa para tumanggi. Ayaw ko rin naman na magtampo sakin ang isang to. Matagal-tagal na rin buhat noong hulo kaming nagkasama at nagka-bonding. "Oh siya. Oo na, darating ako. Alam ko naman na wala kang balak tumanggap ng hindi," sabi ko kay Lucas. Narinig ko ang paghalakhak nito. "Mabuti naman at a

