*JACKIE's POV* "Masaya ka ba?" tanong sa akin ni Bruno. Magkasama kaming dalawa ngayon dito sa bahay ko. Hindi ko maunawaan kung ano ang tinutukoy niya tungkol sa masayang iyon kaya napakunot ang noo ko. "Masaya saan?" balik na tanong ko sa kaniya. "Na nalaman na nila Lucas ang tungkol sa ating dalawa," sabi niya. Sa totoo lang ay masaya talaga ako. Sino ba naman ang hindi sasaya? Tanggap kami ng mga taong malapit sa amin. Ang iniisip ko na lang ngayon ay yung tungkol sa magulang ko. Balak ko na kasing ipakilala si Bruno sa pamilya ko kaya yayayain ko pa siyang umuwi sa Probinsya namin. "Siya nga pala, gusto kong makilala ka na ng mga magulang ko. Okay lang ba sayo na uuwi tayo sa Probinsiya para makilala ka nila?" tanong ko kay Bruno. Agad naman itong tumango sakin. Walang pag-aalinl

