KAGAT-LABI kong pinagmamasdan siya. Gustong kumawala ng mga ngiti sa labi ko pero pilit ko lang pinipigilan dahil sa nakikita kong kabadong mukha ng lalaking kasama ko. Hindi siya mapakali sa kinauupuan niya. Panay ang buntong hininga niya at paghigpit ng hawak niya sa manibela ng sasakyan. “Chaos, calm down,” I calmed him down. Inangat ko ang kamay ko at ipinatong ito sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa manibela ng sasakyan. Balewala lang sa kanya ang mga salita ko. Bakas pa rin sa mukha ni Chaos ang matinding kaba. Napabuntong hininga ako sa kalagayan niya. “If you’re really nervous, we can go back. Hindi mo naman talaga kailangang gawin ito,” sabi ko. Mabilis siyang lumingon sa akin dahil sa sinabi kong ‘yon. Magkasalubong ang kilay niya at bakas sa mga mata niya ang inis

