Chapter 2 -Red-

1512 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "So, how's your wife?" Tanong ni Broddy Lexus, ang matalik na kaibigan at kanang kamay ni Red, habang inaayos ang kanyang baril. Walang bahid ng emosyon ang mukha nito, pero sa tono ng boses niya, halata ang panunukso niya sa kanyang kaibigan. Natawa naman si Red, pero hindi niya sinagot si Lexus. Sa halip, inilabas niya ang isang kaha ng sigarilyo mula sa kanyang leather jacket, kinuha ang isa, at inilagay sa pagitan ng kanyang mga labi. Sinindihan niya ito gamit ang kanyang itim na lighter na may nakaukit na insignia ng kanilang organisasyon. Sa sandaling sumiklab ang apoy, kasabay ding kumalat ang matapang na amoy ng nikotina sa hangin. Hinitit niya ito ng sunod-sunod, hinayaan ang usok na dumaan sa kanyang baga, bago niya ito marahang ibinuga. "You didn’t answer my question, mahirap bang sagutin ang tanong ko? "You've been married for six months, pero ni minsan, hindi mo man lang nabanggit ang misis mo. Dude, ako ang best friend mo, huwag kang maglihim sa akin!" Muling sambit ni Lexus, hindi tinatantanan ang kanyang matalik na kaibigan. "Do you love her?" Muli niyang tanong. Ayaw talaga niyang tumigil hangga't hindi niya nakukuha ang kasagutan na gusto niya mula kay Red. Bahagyang tumawa si Red... mahina lang, 'yung parang wala sa mood makipag-usap tungkol sa kanyang asawa. Tinitigan niya ang dulo ng kanyang sigarilyo, pinagmasdan ang unti-unting pagkasunog ng tabako, bago tuluyang nagsalita. "I entered this marriage not out of love, but to solidify the strength and influence of our organization. My decision was purely strategic... love had nothing to do with it, kaya tumigil ka na Broddy at naiinis na ako sa dami ng tanong mo. Pagod ako sa labanang nangyari kaya huwag mo akong kulitin ngayon. Nakuha mo na ang sagot na gusto mo, siguro naman ay okay na 'yan, hindi ba?" Malamig niyang sagot, walang bahid ng alinlangan sa kanyang pananalita. Humugot siya ng malalim na paghinga saka muling hinitit ang sigarilyo. Sa bawat buga ng usok, tila ba isang lihim na damdamin ang pinapakawalan niya sa hangin. Nandito sila ngayon sa hideout... ang safehouse na madalas nilang puntahan pagkatapos ng madudugong operasyon. Katatapos lang nilang sugurin ang kuta ng mga nagnanakaw ng kanilang shipments, at tulad ng dati, wala silang itinira. Kung meron mang nakaligtas, siguradong hindi na magpapakita pa. Alam nilang kapag si Red ang kalaban, mas mabuting mamatay ka na lang kaysa mahuli ng buhay. Malupit na pinuno si Red, walang sinasanto, kapag trineydor mo siya, iisa lang ang hahantungan mo... sa ilalim ng hukay at sisiguraduhin niya na kahit isang kamag-anak mo ay hindi matatagpuan ang katawan mong walang buhay. "Watch your words, hindi ka nakakasigurado sa totoo mong damdamin. Matapang ka ngayon, pero who knows kung ano ang damdamin mo bukas." Malamig na pakli ni Alona, ang isa sa mga babaeng assassin ni Red. Nakaupo ito sa lamesa, pinaglalaruan ang isang combat knife sa pagitan ng kanyang mga daliri. Ang matalim niyang tingin ay nakatutok kay Red, hindi natatakot, hindi nag-aalinlangan. "Fate has a way of turning the tables... you may not love her now, but who knows? Baka balang araw, ikaw na mismo ang habol nang habol sa kanya... gagawin ang lahat para lang mapansin ka niya... gagawin ang lahat mahalin ka lang niya, pero too late dahil iniwanan ka na niya." Dagdag na sabi pa ni Alona. Natawa naman si Red at ibinuga ang usok ng sigarilyo niya sa harapan ni Alona. "Me, maghahabol? Are you out of your mind? You really think I would go after her? There’s no turning the tables here, and I’m not changing my mind. If I said I married her to strengthen our organization, then that’s exactly what it is... nothing more, nothing less." Sagot ni Red, pagkatapos ay tinanggap niya ang iniabot ni Broddy Lexus na beer. Tinungga agad niya ito, nakatitig sa kawalan at tila may kung anong malalim na iniisip. "Well, para sa akin, the way I see it, parang unti-unti ka nang nahuhulog sa kanya kahit hindi mo inaamin. Maybe hindi mo pa napapansin, pero your actions say otherwise. Correct me if I'm wrong, pero kapag itinama mo ako, make sure na nagsasabi ka ng totoo at hindi salitang bahala na ang lalabas sa bibig mo, BOSS." Sabi naman ni Charmz, pinagdiinan pa nito ang salitang boss kaya natawa na ang mga kasama nila. "Why do I have this feeling na pinagkakaisahan ninyo ako? Parang lahat kayo may alam na hindi ko alam. Yes, Jhovel is my wife, but that doesn’t mean I married her out of love. Wala itong kinalaman sa feelings... this was purely an arrangement between me and her brother, Orion. Isang kasunduan na tinatakan ng dugo, isang pangakong binitiwan para sa kapakanan ng aming mga organisasyon. Kaya kung iniisip ninyong may iba pang dahilan kung bakit ko siya pinakasalan, mali kayo. The only reason I kept pushing myself to her before was to make sure that this arrangement would happen, nothing more, nothing less. At ngayong kasal na kami, I’m just doing what I set out to do... palakasin ang organisasyon namin at tiyakin na walang masisira sa kasunduang ito. So, stop assuming things that aren’t even there." Natahimik naman ang mga assassin ni Red, nakatitig lang sa kanya, pero kung inaakala ni Red na tapos na ang mga ito, nagkakamali siya. Gusto nilang alamin ang tunay na damdamin ng kanilang pinuno, lalo na si Lexus dahil alam niya na may itinatago sa kanya si Red. Iniisip ni Lexus na baka itinatago lamang ng matalik niyang kaibigan ang tunay nitong damdamin para kay Jhovel upang mapanatili ang pagkakakilanlan sa kanya na isang walang pusong pinuno ng mafia organization. "What if Jhovel falls for someone else? Ano’ng gagawin mo? Hahayaan mo na lang ba siya? You keep saying na hindi mo siya mahal, so technically, wala kang reason para pigilan siya, ‘di ba? That means she’s free to leave anytime, free to love whoever she wants, and free to live her life without being tied to this so-called marriage. O baka naman iba ang sinasabi mo sa nararamdaman mo? Kasi kung totoong wala kang pakialam, then letting her go shouldn’t be a problem. Pero kung hindi mo siya kayang pakawalan, then maybe... just maybe... hindi mo lang kayang aminin sa sarili mo na nahulog ka na rin sa kanya." Pakli naman ni Hedralyn. Kumunot na ng tuluyan ang noo ni Red, hindi na niya nagugustuhan ang tinatakbo ng usapan nila. "Magsitigil na kayo. Pagod ako at baka mapikon ako sa inyo. Ang mabuti pa ay ihanda ninyo ang kakainin natin, kanina pa ako nagugutom. Malalim na ang gabi, pero isa man sa atin ay wala pang kumakain." Inis na sagot ni Red. Hindi niya sinagot ang tanong ng kanyang assassin, wala din siyang pakialam kung ano ang iisipin ng mga ito. Humugot siya ng malalim na paghinga, pagkatapos ay napapailing na lamang siya ng kanyang ulo. "Ayun si Christian at si Neil, malapit nang matapos sa grill. Bbq lang tayo ngayon, iyan lang ang pwedeng maluto ng madalian." Sabi ni Lexus, pagkatapos ay itinuro niya ang kanyang daliri kila Neil na kumakaway sa kanila ngayon. Natawa naman si Red at tumayo, pagkatapos ay lumapit ito kila Neil. Hindi niya nilingon ang mga kasama niya, ayaw na niyang makipag-usap sa mga ito tungkol sa kanyang asawa. Para sa kanya ay wala namang dahilan upang maging topic nila si Jhovel, at para din sa kaniya ay hindi mangyayari na mahuhulog siya sa kanyang asawa. 'If she falls for someone else, then that's too bad for him. Hindi ko hahayaang may makalapit sa’yo, Jhovel. What’s mine is mine, and I will do everything to make sure it stays that way. Walang sinuman ang magtatangkang humadlang sa akin at makialam sa’yo. You’re mine, and at iyon ang itatak mo sa isipan mo. Kapag nangyari ang sinasabi ni Alona, magtago na ang kung sino man na mamahalin mo. I will make sure they regret it, because no one can take what belongs to me, and no one should have the guts to stand against me.' Bulong ng isipan ni Red. Pagkatapos ay ngumisi ito habang naglalakad palapit kila Neil. "Bigyan mo nga ako ng isa. Kanina pa ako nagugutom." Sabi niya, natawa naman ang matalik niyang kaibigan na nakasunod lang pala sa likuran niya, pagkatapos ay inakbayan siya nito. "Na-hot seat ka ba?" Pagbibiro nito. Sa inis ni Red ay siniko niya sa tagiliran si Lexus kaya nabitawan siya nito, sinapo ang tagiliran niya at saka tumawa. "Tarantado ka kasi. Nananahimik ako, pero ikaw naman sinimulan mo. Ang daming pwedeng pag-usapan, bakit pati ang relasyon namin bilang mag-asawa ni Jhovel? Umayos ka Lexus at baka mapikon ako sa'yo, ikaw ang isalang ko dito sa grill!" Inis na sabi ni Red kaya ang lakas ng pagkakatawa ni Lexus. Hindi na siya pinansin pa ni Red, tinanggap lang nito ang grill steak na nasa disposable plate na inabot ni Christian. Maging si Christian at si Neil ay natatawa na lamang sa magkaibigan na laging nagbabangayan sa tuwing nagkakasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD