Chapter 16

1362 Words

"Got to go, Girl. I will surely miss you," sabi ni Kier habang nakayakap kay Sky. Ngayon kasi ang araw ng alis nito papuntang Amerika pero hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Sky kung bakit pupunta ang kaibigan niya roon. Hindi na rin naman niya itinanong.   "Tumawag ka kapag nakarating ka na sa Amerika ha?" Kumalas naman si Sky sa pagkakayakap kay Kier at tiningnan ito sa mata. "Okay?"   "Opo, nay," sagot nito bago nagpakawala ng hagikgik.   "Sira ka talaga kahit kailan, Bakla," sabi niya.   "O tama na 'yang drama niyong dalawa riyan, baka mahuli ka pa, Kier. Pumasok ka na sa loob," sabi ni Ice kapagkuwan ay hinawakan ang kamay ni Sky kasabay ng pag-akbay sa balikat.   "Asus! Selos ka lang e. Gusto mo hug din kita, fafa Ice?" Natawa naman si Sky sa tinuran ng kaibigan. Kahit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD