Bumalik sila para maka ligo at maka pag ayos dahil isa daw itong formal dinner. Knowing my Dad kahit simpleng dinner gusto niyang magarbo ang mga suot, kailangan mag muka kaming naliligo sa milyong milyong pera.
Ilang minuto na akong nakatitig sa malaki kong salamin, tinitingnan ang sarili kung nararapat ba ang hitsura ko sa lupain ng mga Henderson. Kahit ilang beses kong palakasin ang loob alam ko sa ika ibuturan ng aking puso na mahina pa rin ito basta usapang pamilya. Siguro sa ngayon kailangan ko na lang talaga mag tiwala kay Huxley.
Wearing my black bodycon dress and white balenciaga pumps, I open the door and saw my sexy brother wearing a black long sleeve. Kung hindi kami mag kapatid ay pag kakamalan kaming mag nobyo dahil para kaming mag couple sa suot.
" Are you ready?"
" No "
Hindi ko alam kung saan na naman niya nakuha ang lakas ng loob na ngumisi at asarin ako. Para siyang aattend lang ng simpleng dinner samantalang ako ay feeling ko ay papasok ako sa impyerno.
Sakay sakay ng ferrari ni Huxley ay nag tungo kami sa bahay. Pilit nilalakasan ang loob ng makapasok na sa gate ang sasakyan ni Huxley. Nililibot ko ang paningin sa buong hacienda at walang katapusan na ala ala lang ang pumapasok saking isipan.
" Huxley .. "
Natatakot akong iapak ang sandals sa bahay kaya hinawakan ni Huxley ang namamawis kong kamay. Hindi man lang ako na inform na matapang na tao na siya at handang handa na siyang saluhin lahat ng ibabanta sa kanya ng pamilya.
" Were late hahaha" Nag bibiro pa ang loko habang tinatahak namin ang daan papuntang dining area.
" Huxley is here! My goodness anak bakit ba palagi kang late .. and kasama mo ba ang girlfriend mo?"
Hindi ko napigilang sumilip ng marinig ang boses ni Mommy. Halos napatakip naman sila ng bibig ng makita ako at halos atakihin si Daddy ng hawakan ako sa bewang ni Huxley at pinauna.
I saw Gianna teary eyes, Hindi na napigilan ang sariling mapatayo at hinabol ako ng yakap.
" Louisa is that really you? "
I wipe her tears and give her a tight hug. Hindi ko inexpect na hahagulgol ito, parang siyang si Chase nung nakita ako. Inilipat ko kay Winter ang paningin na ngayon ay naka nganga habang naka taas ang kilay hindi malaman kung totoo ang nasa harapan niya kaya nginitian ko na lang ito.
Lumapit si Mommy at hinawakan ako saking braso. Kahit anong pag papanggap ko na matapang ako lumalambot talaga ako sa harapan ng pamilya ko. She cupped my face and kissed my cheeks.
" Is that really you Louissa? Omy .. I can't believed you're here"
Hindi niya matapos ang sasabihin at nanatiling nakayakap sakin. I saw my uncles eyes .. they're all surprised.
" I missed you so bad mommy."
I kissed my mom and she do the same. Ayaw niya akong bitawan. Lumapit na rin si Tita Aurora na kanina pa umiiyak.
" Long time no see Tita Aurora."
Hindi na niya ako pinatapos at niyakap na ng sobrang higpit. Tinitigan niya pa ako sa muka bago pakawalan.
" Ang ganda ganda mo Louissa."
Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Isang malaking karangalan palagi sakin pag sinasabihan ako ni Tita Aurora ng maganda dahil para sakin ito ang pinaka maganda kong Tita. Nilakasan ko ang loob at lumapit sa mga Tito, Niyakap naman nila ako at naki pag beso pa. Daddy looking at me intently kaya matapang ko itong nilapitan.
" S-Sorry for what I've done .."
Nagulat ako ng hilain ako ni Daddy at yinakap . Doble doble ang tahip ng puso ko sa hindi inaasahang pangyayari.
" No Louissa .. I'm sorry "
For the moment I heard his apology, I let my self cry again, Wala na akong pakielam kung humagulgol man ako sa harapan nila, sa loob ng isang taon na pagkawalay sa kanila kinimkim ko lahat ng sakit at iyak at feeling ko ngayon lang lumabas lahat, dahil dalawa lang naman ang gusto kong marinig.
Pag hingi ng tawad at sabihing parte pa rin ako ng pamilyang ito.
" D-Daddy I'm sorry "
Para ako bumalik sa batang Louissa na nag susumbong sa ama. Umiiyak iyak lang ako habang yakap ako ni Daddy.
" I'm sorry for hurting you. I hope you can forgive me .. forgive us"
Siniksik ko ang pagmumuka sa balikat ni Daddy at nag iiyak iyak. Hinayaan nila kami maging ganon ng ilang minuto, inabutan naman ako ni Mommy ng tissue para punasan ang mata na walang tigil sa pag agos. Mabuti na lang at andoon si Austin at may silbi ang pagiging kwela at hindi naging akward ang sitwasyon.
" Mas malala pa nga dyan iyak ko nung nakita ko si Louiss eh." -Austin
" Hindi ka nga umiyak .. sinungaling ka! "
Natawa naman silang lahat maliban kay Winter na seryoso lang ang paningin sa plato. I know she's shocked, siguro mamaya ko na lang siya kakausapin pag tapos namin kumain.
" I have one of your piece Anak. "
Ngumuso naman ako ng malaman na nag pa order si Mommy ng painting ko para lang ilagay sa opisina niya, ganon din si Tita Aurora. Napag usapan namin ang tungkol sa naging buhay ko sa New york, ayoko man mag kwento pero pinipilit pa din nila ako. Wala naman akong nagawa dahil mukang interesado sila.
Hindi ko na naman maiwasang maging emosyonal dahil sa sinabi ni Tito Yousef na proud na proud sila sakin. Nag biro pa si Tito Allaric na may napuntahan naman daw ang katigasan ng ulo ko.
" Saan ka tumutuloy Louissa? You can go back here! Andito pa lahat ng gamit mo. " Mommy
" Meron po akong unit sa cobb suites. I bought it last month. Bibisita na lang po ako dito Mommy, madami pa po kasi akong kailangan ayusin. "
Tumango tango naman si Mommy at panay ang lagay niya ng pagkain sa plato ko, Napatingin naman ako kay Chase na napa nguso at iling.
" Mommy I'm full .. "
" Hindi Louissa ubusin mo iyan at ang payat mo na."
Para akong bata na pinapagalitan ng nanay at walang nagawa kung hindi ubusin ang nasa pinggan. Naunang nag paalam si Winter at umalis ng hapag kaya natahimik sila. Maybe this is the chance to talk to her.
" Excuse me .."
" Where are you going? " Nag aalalang tanong ni Daddy
" I need to talk to her Daddy." Tumango tango naman sila kaya inayos ko muna ang sarili bago tumayo.
" rooftop Louis. " -Austin
Maayos akong nag paalam bago umalis ng hapag. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa mwebles ng bahay. Wala silang binago bukod sa pintura.
Tahimik akong nag lakad papuntang rooftop pero tryador ang sapatos ko at nag ingay pa sa huling baitang, mabilis na lumingon si Winter at kitang kita ang pagka bigla sa mata at hindi na alam ang gagawin.
" Hi "
Nag iwas ito ng tingin at humakbang paatras. Tila ba hindi pa siya handa maki pag usap sakin at gusto na agad akong takasan.
" I missed you Winter."
" I destroyed your life Louissa. "
Ang kaninang matatapang na mata ay ngayon malalambot na. Para bang isang hawak ko sa kanya ay iiyak na siya ng tuluyan.
" I already forgive you Winter."
" No! "
Mabilis akong nag lakad dito at binigyan ng mahigpit na yakap at tama nga ako, Doon na siya humagulgol ng tuluyan, Hinayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak hanggang sa wala na siyang maiyak.
" I'm sorry."
" I already forgive you. "
" Paano mo ako napatawad kung ang laking damage ng ginagawa ko sayo? I destroy your whole life Louis! I destroy your family ..your education .. your love of your life .. I destroy everything Louis .. I destroy you "
Umiyak lang ito ng umiyak. Hindi na kami naka pag usap ng maayos dahil sobrang nanghina siya. Hinatid siya nila Geon sa kanyang kwarto at napag desisyunan na lang namin na maiwan sa rooftop. Naka yakap sakin si Gianna habang nakikinig sa kwento ni Austin tungkol kay Winter.
Nalaman ko na after ko umalis ay nag bago na ito ng ugali, Napapansin nilang ang pag babago sa mood nito hanggang sa hindi na daw ito pumapasok sa school at nag kukulong na lang sa kwarto. She suffers from depression, palagi daw itong umiiyak at hindi na kumakain. Minsan daw nasabi nito kay Gianna na gusto na lang niya matulog habang buhay at huwag na magising.
Nag open daw ito kay Tita Aurora na sinisisi niya ang sarili sa nangyari, Kung hindi daw siya nag sumbong ay hindi masisira ang buhay ko at hindi ako aalis. Natauhan lang daw ito ng puntahan ni Akiko at sermunan ng sermunan.
" Louissa doing well! Huwag kang mag patalo sa kanya dahil ilang buwan na lang magiging milyonaryo na yon kaya huwag ka ng umiyak iyak dyan! Tanggapin mo lahat ng offer mo at mag payaman ka din. "
Ginagaya ni Austin si Akiko nung sumugod daw iyon sa mansyon at nabalitaan na nagka ganoon si Winter. Hindi pinaalam ni Akiko sakin. Bakit?
" Is she well? "
" Okay na yan nag tataray na nga yan eh. Nagulat lang siguro sa pag dating mo, hindi ka man lang kasi nag pasabi hahaha" -Austin
" Dito kana matulog Louis. " -Huxley
" Paaon naman yung damit ko?"
" Ang dami mong damit sa walking closet mo" -Huxley
" Andoon pa yung walking closet ko?"
Hindi sumagot si Huxley at tinungga na lang ang hawak na beer.
" Araw araw binibisita ni Huxley ang kwarto mo, ayaw niyang mag pumapasok doon. Pag lilinisan na naka bantay siya." - Geon
Napalingon naman ako kay Huxley na nag iwas ng tingin.
" Aww ang sweet naman hahahah. "
" I know you hated when someone touching your things. " - Huxley
Tumango tango naman ako dito at tingnan ang kabuan nila. I can't imagined na ganito ang sasalubong sakin. Iniisip ko kasi na baka makita lang nila ang anino ko ay palayasin na kaagad nila ako, Na baka hindi nila ako tanggapin, Na baka hindi pa sila handa makita ako .. pero nag kamali ako.
Niyakap nila ako. Humingi sila ng tawad at iyon na ata ang pinaka masarap na feeling na naramdaman ko sa buong buhay ko. Pag katapos ng sakit at iyakan, saya ang kapalit. Siguro lesson na ito sa buong pamilya, speaking of family?
" Ano pala yung importanteng sasabihin ni Daddy?"
Sasagot na sana si Gianna ng unahan na siya ni Geon.
" Wala yon. Maliit na problema lang sa negosyo kaya naman ayusin diba?"
Siniko niya si Huxley pero parang napilitan lang itong tumango. Maayos ang naging usapan namin, binalikan din namin lahat ng nakakatuwang alalala nung andito pa ako sa Henderson. Nang mag gabi na ay dumiretsyo na ako sa kwarto at hindi ko inaasahan na kung anong hitsura ng iwan ko iyon ay ganon pa din ang hitsura pag balik ko.
" Si Huxley talaga oh. Alam na alam ang taste ko."
Tukoy ko sa bed sheet na minimalistic. Nag ikot ikot pa ako sa kwarto at hindi inasahan ang pag pasok ni Daddy.
" D-Dad."
" Are you about to sleep?"
" Hindi pa daddy. Tinitingnan ko lang yung mga gamit ko."
Sumenyas ito ng yakap kaya nag lakad ako papalapit sa kanya at niyakap ito.
" Alam kong sobrang hirap at sakit ng napag daan mo Louis ng dahil sakin."
" Daddy don't say that .. I already forgive you and ready to forget everything. Ang importante ay yung ngayon. May kasalanan din ako daddy at naiintindihan ko. "
" You did it because you're in love."
Hindi naman ako nakasagot sa kanya. Ayoko na sana isipin ang nangyari pero talagang buntot iyon ng nakaraan.
" I'm sorry dad."
" I've been cruel .. I'm sorry Louissa."
" Without those experienced daddy hindi ako makakarating sa kung nasan ako. I tried to become the best version of my self .."
" I saw it Louissa." I hug him tightly before say my goodnight.
No family is perfect, Darating sa punto na mag aaway kayo, mag kaka pisikalan, Hindi niyo kakausapin ang isat isa pero family is family, The love of the Henderson is always be there and I will never ever regret that I am part of it.
I'M PART OF THE MOST STRONGEST FAMILY .... THE HENDERSON.