Chapter 2

2504 Words
Maaga akong pumasok kasabay si Huxley at Chase. Bukod sa busy si Huxley sa kanyang intership ay kailangan naman ni Chase pumasok ng maaga para sa kanyang reporting. Samantalang ako ay nakaupo lang dito sa bench at inaantay ang kaibigang si Akiko. " Anong ginagawa mo dito?" Tumabi sakin si Gianna at sumalampak sa bench. " Napaaga ako. Kailangan ko sumabay kila Huxley kesa mag pahatid sa driver." " Loko kasi itong si Winter eh napurnada pa tuloy yung sasakyan natin. " Nguso niya " May event ba na gaganapin sa mansyon?" " Mag papa laro ata si Daddy ng Polo yun ang narinig ko. " Tumango tango naman ako. " Cous cous ayon si Devon oh!" Inalog alog ako ni Gianna at tinuro nga si Devon na naka tayo sa tapat ng Dean's office habang ang paningin ay nasa gawin namin. " His looking at you! My goodness type ka ata! " Tinakpan ko naman ang bibig niya at sinamaan siya ng tingin. " Shhh baka may makarinig sayo Gigi. Mayari pa tayong dalawa." " Sorry sorry! pero sayo talaga kasi naka tingin .. tingnan mo kasi." Pa simple naman akong tumingin sa gawi nito at prente prente siyang naka sandal sa poste habang naka pako ang paningin sa inuupuan namin. Ibinalik ko naman kay Gianna ang paningin. " Oh diba tama ako! " " Manahimik ka diyan at baka tamaan ka sakin." " Did you guys already met?" " Kahapon sa library." " Bakit hindi mo man lang kinwento sakin? Siguro kaya late kana nakauwi dahil sa kanya no?" Nanlaki naman ang mata ko sa akusasyon niya. " Of course not Gianna! Hindi ko namalayan yung oras kaya ako na late." " So paano nga kayo nag meet?" Kinuwento ko naman sa kanya lahat at halos tampalin niya ako sa sobrang kilig. " Omyyyyy Louis hindi mo ba alam na nuknukan daw yan ng sungit." " Masungit? Eh gusto pa nga niya akong pahiramin ng pamasahe gamit ang sarili niyang allowance. Mabait siya" " Mabait kasi tipo ka! Inaasar nga siya ng mga Tourism student dahil probinsyano daw tapos ang lakas pa mag sungit. Nagulat nga ako na ganon siya kabait sayo." Hindi ko alam pero nakaramdaman ako ng inis. " Sino namang nang aasar sa kanya?" " Edi sila Paula. Alam mo... feel ko mabait naman talaga yan sa mabait. " " Is he okay? " Tinusok tusok niya ang tagiliran ko at inasar asar. " Uyyyy concern." " Shut up!!" " Hindi niyo man lang ba ako isasama sa kaharutan niyong dalawa?" Halos mapatalon kami ni Gianna sa presensya ni Winter. " WALA " " WALA YON!!!" Pag dedepensa namin ni Gigi. " Anong wala eh tuwang tuwa nga kayo sa pinag uusapan niyo! No lies and secrets girls." Irap niya Nagka tingginan naman kami ni Gianna tila nag papasya pa kung ibubuking nga namin ang pinag uusapan namin. " Oh come on! Aren't were cousins? sisters? Tayo tayo na lang babae sa pamilyang to pinag kakaitan niyo pa ako ng chismiss ?" " Fine! were gonna spill it but please maki pag participate ka na lang samin." -Gianna " Go!" " Nag meet na pala si Devon at Louis. " " Ow that province boy? He's hot and handsome ..pero masungit."- Winter " Exactly Winter!!! Diba usap usapan na nuknukan daw iyon ng sungit?" -Gianna " Hmm yeah! First day pa lang daw madami ng na basted. " Halos hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Dahil ibang iba ang inakto niya sakin kahapon. " Hindi nga? Baka nag papanggap oh ano." Hindi makapaniwala si Winter ng ikwento sa kanya ni Gianna ang pagkikita namin kahapon. " Tingnan mo cous naka tingin talaga kay Louis. " Sabay sabay naman kami napatingin sa Deans office at halos mabugbog namin si Winter ng tumili ito. " Winter ano ba masyado tayong obvious!" Sumenyas ito na pakawalan na namin ang bibig niya at titigil na siya. " May gusto ata yan sayo!" Nag hihisterya na siya. " Over acting lang kayo! Tigil tigilan niyo yang imagination niyo at huwag niyo ilalabas lahat ng pinag usapan natin." " Eh paano kung tipo ka talaga ng lalaking yan? Alam mong hindi tayo pwede makipag relasyon sa hindi kilalang pamilya." -Winter Sumakit naman ang sintido ko doon. Hindi ko alam kung bakit parang nalungkot ako. " Isa lang naman ang choice mo pag dating sa pinag babawal na pag-ibig. Ilalaban mo yang kagustuhan mo o itatago mo na lang ..  knowing your Dad .. Boom! Welcome to hell."-Winter " Una sa lahat puro assumption lang yon ni Gianna. Pangalawa dinagdagan mo lang ang storya kaya akala niyo may love love na namumuo pero WALA!!. Tigilan niyo na akong dalawa dahil hindi niyo naman alam ang salitang pag ibig. " " Wow expert ka girl?" -Winter " Aba wala kayong utang na loob ahh. Baka nakakalimutan niyong ilang beses akong nag makaawa huwag lang kayong ma fixed marriage." " Konsensya is real " Tawa tawa ni Gianna " Mukang nag kakatuwaan ang mga babae namin ahh." Sulpot ni Austin, kaya sabay sabay naman kaming nag si tayo at kuha ng kanya kanyang bag. " Tara na nga at may epal." -Winter " HOYYYY KUPAL KA AHH!" Sigaw sa kanya ni Austin " Panira ka talaga ng moment kahit kelan ehh." Si Gianna naman ang lumayas. " Oh ikaw ano namang linya mo bago mo ako iwan?" " Mag papaalam ako ng maayos. Aalis na ako at inaantay na ako ni Akiko sa klase. " " Kanino ka sasabay mamaya? Baka mag pa late ka na naman ng uwi yari na talaga tayo." -Austin " Hindi na daw ako kakalimutan ng dalawa kong kapatid! " Nag paalam na ako dito at umakyat na sa klase. Naabutan ko naman si Akiko na nag susuklay ng buhok. " Ang saya mo ngayon ahh. Parang kagabi lang muntikan kana ma three points ni Tito William ahh. " Umupo naman ako sa tabi niya at inagaw ang suklay para suklayin ang mahaba niyang buhok. " As usal nag aasaran na naman kami mag pipinsan. " " Mga pinsan mo ba talaga o si mr. .."Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at pinatahimik ito. " Bakit ba masyado kang guilty? crush mo ba yon? pulang pula yang tenga mo " Ako naman ang pinag diskitahan niyang asarin. " May makarinig sayo. " Natatawa naman itong humarap sakin. " Oo na hindi mo na siya type. Hinding hindi Louis ...sobrang hindi." Sinuway ko naman siya ng dumating na ang lecturer namin sa Financial management. Hindi kami pwedeng mag daldalan dahil naka isa na kami kahapon kapag na ulit na naman iyon paniguradog makakalipad na kay Daddy na puro kadaldalan lang ang ginagawa ko sa klase. Nag pa activity lang ang professor bago kami palabasin. " Wala pa daw tayong professor sa Operation management. Punta muna tayo sa Cafe?" Tumango tango naman ako at hinila na niya ako papunta doon. Umorder siya ng dalawang frappe bago umupo sa harapan ko. " Ano type mo no?" Wala pa naman siyang binabanggit na pangalan ay parang natataranta na agad ako. " Hahahaha para kang tanga Louis nag tatanong lang ako bakit ba ganyan ang reaksyon mo?" " Gusto mo bang ma issue ako doon? Edi nayari ako kay Daddy." " Edi William time Hahahaha" " Kumatok ka nga baka magka totoo. " Pinag tinginan siya ng mga customer ng kumatok katok siya sa lamesa ng ilang beses. " Hoy tama na!" Saway ko dito " Very wrong pala yon. Sorry na! Ayoko din mangyari yon. Dyusko mali yon mali yon. " William time means Daddy will do whatever he wants, whatever it takes. Kahit makaapak o makasakit ng tao wala siyang pakielam. He will do everything by the use of his power and were all knew how ruthless he is when he declaring William time. Maski ang mga kapatid niyang si Tito Allaric, Tito Bale and Tito Yousef ay hindi din alam ang gagawin kapag nag simula na si Daddy. Tiklop kaming lahat. " Huling William time niya sampong negosyo ang nalagas. " Nang maalala ang mga pamilyang nag makaawa at lumuhod sa harapan ng Henderson pero tinawanan lang ni Daddy. " Sorry na mali pala yon." Tinampal tampal niya ang bibig kaya inabot ko na lang ang frappe na inorder niya. Nag kwentuhan lang kami tungkol sa mga family business at kung ano ano pang trending sa brooklyn university bago bumalik sa classroom para sa susunod na klase na Manangement Acconting. Wala kaming ginawa kung hindi makinig dahil isa ito sa pinaka kailangan namin tutukan as a Business Administration student. Kaso ito din ang pinaka nakaka frustrate na subject kailangan ng maiging pag compute hanggang sa ma balanse. Sabay naman kami na pangisi ni Akiko ng mag dismiss ang lecturer. " Ano ihahatid na ba kita? " " Hindi na. May usapan kami ni Chase. Isasabay niya ako" " Anong oras ba ang dismissal niya? " " Five pm. " " Mag aantay kapa ng mahigit dalawang oras. Pwede naman kita ihatid." " I don't break promises" Nag make face naman ito saka nag paalam. Nag simula na akong mag lakad lakad at nag hanap ng matatambayan ng mapadpad ako sa likod ng building namin na kaharap ang building ng mga engineering student. " Anong meron?" Tanong ko sa isang tourism student. " Hi Louis. ahhh binubully lang nila yung transferee na probinsyano. snobber kasi eh hahaha." Hindi kona ito pinatapos at nag lakad na sa tumpok ng mga babae. " Tumabi ka!" " Wow! We didn't even know your family name! Vasquez? Parang nag titinda lang sa palengke ahh." Pinipilit niyang umalis sa grupo ng mga babae pero hinaharangan siya ng mga ito. " What's that Paula? "Mataray kong tanong dito. " Ow Hi Louis .. Ahm wala lang to .." " Stop harassing him or else .. idideretsyo kita sa deans office." " Your friends with him?" Panglalaki niya ng mata. " NO! I DONT KNOW HER. GET OUT!" Nagulat naman ako ng sigawan ng lalaki si Paula. Mabilis siyang nag lakad papunta sa boys locker kaya sinundan ko siya. Nang makita ang malaking sign na BOYS ONLY ay napaatras ako. Nag antay ako ng mga limang minuto ng makita siyang lumabas at bagong palit na ng damit. " Are you okay?" Tanong ko dito. " I'm fine .. stop talking to me. " " B..Bakit naman?" Nagulat ako ng humarap ito sakin ng may malalim na mata tila ba naiirita siya sa presensya ko. " G..Galit kaba?" " Uulitin ko huwag mo na ako sundan o huwag mona ako kausapin pa. " " .. Bakit?" He murmured something and I didn't heard it. " Nakakairita ba ako ?" tanong ko rito dahil naguguluhan sa inaakto niya. Kahapon ay ang bait bait niya saakin at balak pa ako pahiramin ng pang taxi.  " Of course not .." Nagulat ako ng sabunutan niya ang mahahabang buhok tila frustrated sa nangyayari. " Just .. Just go Louissa .. Dont talk to me anymore. " Nanlaki naman ang mata ko ng tawagin niya ako saking pangalan. " Then tell me why Mr. Devon?" Nilingon niya ako at naging maamo na ang paningin. " Saan mo nalaman ang pangalan ko ha?" Pang uusisa ko. Hindi ko alam bakit ang saya saya ko na kilala niya ako. "Sikat ka sa buong campus .. " " Ow same you're popular here hahahah " Tinigil ko ang pag tawa ng makitang seryoso siyang naka tingin sakin. " You should go now .. Baka mayari kapa. " Nagulat siya ng ihakbang ko ang paa at inabot ang kamay. " I'm Louissa Ellianna Henderson .. and you are?" Tinitigan niya ang kamay ko at nilipat ang paningin sa mata ko. " Sorry .. I can't accept that hand shake. " " Bakit naman? Wala naman akong sakit. " " Just .. Just stay away from me. " Akma itong aalis ng humirit pa ako. " Hindi ka man lang ba mag papakilala?" Humarap naman ito sakin at kumunot ang noo tila ba nakukulitan na ito sakin. " Devon " Tumango tango naman ako at nag simula na siyang mag lakad palayo. " Nice to meet you Devon. " Sigaw ko dito pero hindi na siya lumingon pa. " The heck are you doing here in boys locker room ?" Halos mapatalon ako ng sumulpot ang kapatid sa likuran. " Ahm .. " Nag iisip pa ako ng alibi pero umiling iling na lang ito. " Boys hunting huh?" " Hoy hindi ahh!! Kapal mo " " Huwag ka kasing tumambay diyan. Tara na nga at baka ma late pa tayo sa family dinner" Sakay sakay ng kotse ni Chase ay nakauwi kami bago mag alas sais. Umakyat na agad ako para makapag palit at sinaluhan ang pamilya sa pagkain. Hindi ko alam pero feeling ko buong buong ang araw ko. " Baka may ishashare ang anak kong si Louissa at kanina pa naka ngiti. " Nanlaki naman ang mata kong tumingin kay Mommy. " What's with that smile Louis? Mapupunit na ang muka mo. " Kinabahan naman ako ng gatungan pa ni Tito Bale. Napatingin naman ako sa mga pinsan na naka nguso at naka ngisi tila ba wala silang balak isalba ako. " Ahm. Nag eenjoy lang po ako sa mga subject namin ngayon." I lied " Mabuti naman kung ganon." Naka hinga naman ako ng maluwag ng kumagat si Daddy Pinag usapan lang nila ang gaganapin na polo next week. Tinanong din nila kung sasali si Austin pero nag volunteer na si Geon. Pag katapos ng hapunan ay tumakbo na ako sa kwarto at humiga sa kama. Paikot ikot ako at hindi na mapigilang ngumiti ng todo. Hindi man niya tinanggap ang kamay ko at least nag pakilala pa din siya. " LOUISSA " pang gagaya ko sa kanya " Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa .... ayy hayop naman!!"Muntikan na ako mapamura ng tumalon sa kama si Winter at Gianna. " What's wrong with you !!" sigaw ko dito " Pinapain mo talaga ang sarili mo sa harapan ni Tito William ahh. hahaha paniguradong may ganap na naman sila. " -Gianna Wala akong tinago sa dalawa kong pinsan. Lahat lahat kinwento ko wala akong tinira dahil kami kami na lang ang mag kakampi sa bahay na ito. " Gaga talaga yang Paula nayan eh. Ano sinaktan kaba niya?" - Winter " Hindi naman. Na shook lang siguro kasi diba kapag may binubully sila wala naman akong pakielam. " " Sabihin mo lang kapag tinarayan ka iisahan ko talaga yon." -Winter " So friends na kayo?" -Gianna " Ayaw nga sa kanya eh. Stay away nga diba? Biruin mo isang Henderson inaayawan? - Winter Nakibit balikat ako dahil hindi ko din alam ang isasagot. Nag paalam sila na sa kwarto ko na lang muna sila matutulog kaya pinayagan ko na. Habang ako ay iniisip pa din ang conversation namin kanina. Bakit kaya gusto niya akong lumayo? Is it about my status? or he really hates me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD