HEAVEN CLUB. “She’s a virgin?” Nagpasya si Red na sabihin sa kanyang mga kaibigan kung ano ang bumabagabag sa kanya. “I can't believe what you're saying, Red.” Si Akio. Sa kalituhan, walang maapuhap isipin. Ito kasi ang tumawag sa apat na kaibigan para pag-usapan ang gimik na gagawin nila sa shower party ni Red, noong gabing iyon. “Naguguluhan talaga ako.” “Pero iyon ang totoo. Ang babaeng nasa loob ng malaking kahon ay birhen. Kaya naman gusto ko siyang makita at makausap para magkaroon ng solusyon ang lahat. Hindi ako matatahimik. Walang kapayapaan sa aking buhay may-asawa, kung patuloy akong uusigin ng aking konsensya.” “Imposible kasi ang sinasabi mo, Red. Kilalang-kilala ko ang ‘regalo’ naming babae sa iyo nang gabing ‘yon. Baka mali lang ang iniisip mo, pare. Alam namin na iyon

