KAHIT kinakabahan ay nagpatuloy si Jewel. Hindi dapat masayang ang gabing 'yon. Marahan siyang nagsimulang sumayaw, gaya ng itinuro sa kanya ni Rochelle. Napilitan siyang magsuot ng damit na halos makita pati ang kanyang kaluluwa. Dahil kailangan niyang maging kaakit-akit sa paningin ng lalaki para magtagumpay sa kanyang misyon. Jewel, started the ‘show’ ang ‘laro sa apoy’ that she was being paid for, na lingid sa mga lalaking kausap ni Rochelle. Pabor sa kanya ang anumang magaganap sa kanila ng lalaki ngayon, kung mayroon man. Wala siyang dapat aksayahing sandali. Mabini siyang gumiling, ramdam niya ang panginginig ng kanyang kalamnan. “M-miss…” usal ng lalaki na ang pangalan ay Red. Narinig niya kanina habang kausap pa nito ang mga kaibigan. Red... usal niya sa sarili. Hindi

