Chapter 11

2289 Words
Chapter 11 “Si King? Si King ay si Huss? Hindi! Hindi maari!” bulong sa isip ni Claudia. Tinulak ni Claudia si Mateo pero hindi niya ito natulak dahil nanghihina siya. Hinawakan ni Mateo ang kamay ni Claudia at hinalikan niya ito sa leeg. “Gagawin mo ulit?” naluluhang tanong ni Claudia. Binitawan ni Mateo ang kamay ni Claudia at lumabas ito ng pinto. Pagkalabas ni Mateo ay saka lang nakahinga ng maayos si Claudia. Tiningnan ulit ni Claudia ang hawak niyang nameplate. “Huss? Ikaw ba si King?” tanong sa isip ni Claudia. Tumayo ng dahan dahan si Claudia at nagbihis ito. Pagbaba niya ng kwarto nila ni Mateo ay nakita niyang tulog na si Mateo sa sofa. Hinayaan na ito ni Claudia at umalis, papunta sa SC Inn. Pagkarating niya doon ay nakita niyang nagpapahinga na si Clyde sa lounge. Nilapitan siya agad ni Clyde at inalalayan paupo sa sofa. “Anong oras na ahh..bakit naisipan mong pumunta dito? Nag-away na naman ba kayo?” ani Clyde. “Hindi..pumunta lang ako dito kase may gusto akong itanong sayo,” ani Claudia. “Ano ‘yon?” “Nung gabi ba na lasing ako, sino ang nagdala sakin dito?” “Si Mara!” “Si Mara? Siya lang ba?” Yumuko si Claudia at napaisip, ang naaalala niya lang kase nung gabi na ‘yon ay nang makasalubong niya si Huss sa CR at pinagtanggol siya nito sa mga lalaking nangbastos sa kanya. Hanggang sa narinig ni Clyde ang binulong niya na. “Sino kaya ang nagdala ng kotse? Nag-drive si Mara?” bulong ni Claudia. “Sa kotse mo ba? Kung sino ang nagdala dito sa motel?” tanong ni Clyde. “Oo! Alam mo ba kung sino ang nagdala? Si Mara din ba?” tanong rin ni Claudia. “Si King ang nagdala dito at binigay niya sakin yung susi. Medyo ang weird nga ng suot niya eh! Parang pang gym kase labas yung braso niya at kita na yung katawan niya kase malaki yung butas sa gilid ng damit.” “Si King nga! Siya si Huss!” “Huh?!” “Nasaan si King?” “Wala na siya kanina pa siya nakapag-out.” Tumayo si Claudia sa pagkakaupo niya, pati na rin si Clyde dahil nagulat siya nang biglang tumayo ang ate niya. Binitbit ni Claudia ang bag niya, pero napahinto siya ng biglang hawakan ni Clyde ang kamay niya. “Tama na, magpahinga ka na ate. Pwede mo pa siyang makita bukas,” ani Clyde. “Pero, Gusto ko kasing makita siya mismo sa bar na ‘yon! Gusto ko makita na siya talaga ‘yung lalaking hinahanap ko!” ani Claudia. “Bakit ba nagiging ganyan ka? Importante ba ang lalaking ‘yon?” “Hindi ko rin alam! Gusto ko siyang makita! ‘Yun ang nararamdaman ko ngayon!” “Kapag nakita mo ba siya masasagot mo na ‘yung feelings mo?” “Anong feelings?” “Gusto mo siya ate! Go! Puntahan mo na siya, hindi na kita aawatin.” Pumunta na si Clyde sa kwarto niya at iniwan na nakaupo sa lounge ang ate niya. Nagdadalawang isip si Claudia nung mga oras na ‘yun kung tutuloy ba siya, nang tignan niya ulit ang nameplate ay agad siyang tumayo. Nag-drive si Claudia papunta sa bar at nang makarating siya doon ay maraming tao. Maingay at nagsasayawan ang lahat. Hindi niya makita si King o si Huss doon dahil sa dami ng tao. Pumunta si Claudia sa CR at kahit maraming naghahalikan sa gilid gilid nito ay tumuloy pa rin siya sa CR. Pagkarating doon ni Claudia ay occupied lahat ng cubicle. Para malaman ay kinuha niya ang cellphone niya para iangat ito sa taas ng cubicle at makuhaan niya ang taong nasa loob nito. Sa unang cubicle ay dalawang lalaki ang nakita niyang naglalampungan sa loob at sa pangalawang cubicle naman ay ganun din ang nakita niya. Nang pagkarating sa pangatlo ay nakita niya ang isang lalaking tulog sa loob nito. Dahil tulog naman ang lalaki ay gumapang na si Claudia sa ilalim ng cubicle para makapasok dito. Hindi niya kase makita ang mukha ng lalaki dahil natatakpan ng damit ang mukha nito, kaya naisipan niya nalang na lumusot sa ilalim nito para makita. Nang makapasok na siya sa loob ng cubicle ay dahan dahan niyang tinanggal ang takip sa mukha nito at nang matanggal niya na iyon ay napasigaw si Claudia nang makita niyang nakadilat ang lalaki at nakatingin sa kanya. “AYYYY!!” malakas na sigaw ni Claudia. Rinig na rinig ang sigaw nito hanggang sa labas. Ang mga tao sa loob ng cubicle ay nagrereklamo dahil sa ingay na ginawa ni Claudia. “Pasensya na po!” ani Claudia. “Anong ginagawa niyo dito?” tanong ng lalaki. “Ikaw! Anong ginagawa mo dito? Bakit dito ka natutulog King!” “Umalis na ko sa bahay namin..pinaka-kwarto ko na ang cubicle na ‘to!” “Ano ‘to? (Pinakita nito ang nameplate.) ikaw ba si Huss?” “M-ma’am?” “Sagutin mo ang tanong ko King! Sino ka ba talaga!” “Ako si Huss..” “Bakit? Bakit kailangan mo pang gumamit ng ibang pangalan? Sino ka ba talaga!” “Huss ang tunay kong pangalan, sorry kung niloko kita! Wala akong intensyon na lokohin ka. Hindi ko rin aakalin na hahanapin mo pa ‘yung Huss na nakilala mo sa cybersex!” “Hindi ko rin alam kung bakit pa kita hinahanap! Nasaktan ako nung biglang hindi ka na nag-chat!” Nagtakip ng bag sa mukha si Claudia at lumabas sa cubicle. Dali dali siyang naglakad papunta sa kotse niya dahil alam niyang nakasunod sa kanya si Huss. Nang makalabas na siya sa bar at nang makalapit na siya sa kotse ay naabutan siya ni Huss. Lumapit ito sa kanya at lumuhod. Inabot ni Huss kay Claudia ang nakasobre na pera. “Pinag-ipunan ko talaga ‘yan para mabalik sayo. Nung nalaman ko kay Mara na malapit ka lang sakin at ikaw ang boss ng SC ay sinubukan kong makapasok don para makilala ka at ibalik ang pera na binigay mo sakin,” pagpapaliwanag ni Huss. “Para saan Huss? Bakit mo binabalik sakin yung pera na binigay ko sayo?” tanong ni Claudia. “Dahil pinaghirapan mo ‘yon at nakuha ko ‘yon sayo ng hindi ko pinaghihirapan! Gusto kong ibalik ang pera na binayad mo sakin sa paraang pinaghirapan ko! I’m sorry!” “Anong dahilan bakit nakatira ka sa cubicle ng CR na ‘yan?” “Hindi ko na kayang mag-share ng upa kay Mara. Si Mara umalis na bigla nung binigyan mo siya ng pera. Umupa siya sa maayos na lugar.” “Kinuha pala ni Mara ‘yung binigay ko sakanya. Akala ko tinanggihan niya. Buti pa siya nasa isip niya ang magbago. Ikaw? Hanggang ganyan ka na lang ba?” “Magtatrabaho ako ng maigi sa SC Inn!” “Palitan mo na ang pangalan mo simula bukas!” “T-Tungkol sa nangyari satin! Patawarin mo sana ako dahil nasaktan kita! Hindi ko sinasadya!” “Tama na! Umalis ka na sa putang inang lugar na ‘yan! Gamitin mo ang pera na ‘yan! Bayad ko ‘yan sa video mo eh! Okay na tayo don!” “Nakasave pa rin sayo yung video?” “Oo, ‘yung video na ‘yon ang pinakamahal sa lahat ng nabili ko! 10k!” “C-Claudia?!” Sumakay na si Claudia sa kotse niya at umalis. Si Huss naman ay nakatingin sa pera na nasa harap niya. Dinampot niya ito at bumalik sa loob ng CR para kunin ang gamit niya sa loob ng cubicle. Nagpapahinga nga na si Claudia sa VIP room sa SC Inn. Tinawagan nito ang kaibigan niyang si Mara. Natutuwa kase si Claudia sa pagtanggap sa kanya nito. “Hello? Ma’am Claudia? Bakit po?” ani Mara. “Salamat, kahit ‘wag mo na ko tawagin na Ma’am! Wala naman tayo sa trabaho eh. Kaibigan na kita ngayon!” ani Claudia. “Nako Ma’am! Ako nga po ang dapat magpasalamat sa inyo eh! Kundi dahil sa tulong niyo wala akong maayos na tirahan ngayon. Sorry ah, kase hindi ako nagsabi na tinanggap ko.” “Okay lang Mara! Hindi ako magagalit! Natutuwa pa nga ako eh kase tinanggap mo!” “Natulungan ko din ang nanay ko sa utang niya. Nasaan po ba kayo? At bakit niyo po nalaman na kinuha ko?” “Actually, hindi ko alam na nawawalan ako! Ha Ha! Si Huss ang nagsabi sakin,” “Si Huss? Umamin na siya sayo?” “Oo! Siguro naghahanap na siya ng bahay na titirhan niya ngayon.” “Ma’am? Bukas nalang po ulit! Inaantok na ko! Ha ha,” “Sige, matulog ka na goodnight!” Pagbaba ni Mara ng tawag ay natulog na rin si Claudia. Kinaumagahan, ay maagang makalat ang kwarto ni Claudia. Imbis na maglinis ay mas lalo pa itong nagkalat. Pagtapos magkalat ay pinatawag na nito ang housekeeping. Nang kumatok na si Huss sa kwarto ni Claudia ay dali dali niyang binuksan ang pinto. Nirequest kase ni Claudia na si Huss ang ipadala sa kwarto niya. “Ma’am? Lahat po ‘yan lilinisin?” pagtatakang tanong ni Huss. “Oo! Bakit? Nagrereklamo ka?” galit na sabi ni Claudia. “Hindi. Sige lilinisin ko na.” Inuna muna ni Huss ang mga kalat na damputin bago ito magwalis. Pagtapos niya magwalis ay pinalitan na niya ang kobre-kama na punong-puno nang mantsa. Pagtapos niya palitan iyon ay nagwalis ulit siya bago maglampaso. Habang naglalampaso si Huss ay nagkakalat ng tubig si Claudia galing sa banyo. Habang naglilinis kase si Huss ay nagbikini lang siya at nagswimming sa bathtub. Halos gawin nang resort ni Claudia ang CR. Lampaso lang ng lampaso si Huss at si Claudia naman kalat ng kalat ng tubig galing sa CR. Hinahayaan lang ito ni Huss at hindi nagagalit dahil alam niya na gumaganti nalang ito sa kanya. “Gusto mo magswimming? Tara! Kasya naman tayo sa bathtub eh!” alok ni Claudia kay Huss. “Sige lang, magswimming ka lang. manonood nalang ako,” ani Huss. “Maglalampaso ka lang diyan?” “Oo, baka madulas ka kung hindi ako maglalampaso! Baka isisi pa sakin kapag namatay ka!” “Ha Ha, galit ka na Huss! Napipikon ka na! Nararamdaman ko!” “Tapos na ko maglampaso dito sa labas! Huwag ka na sana lumabas para hindi na magkalat ng tubig dito. Tapos na ‘to ah baka pag nadulas ka diyan isisi pa sakin!” “Hindi na po ako lalabas Sir Huss!” Paglabas ni Huss ng kwarto ni Claudia ay nagulat sila dahil mamuno-muno na ang basurahan, pati ang timba na dala nito. Nagbubulungan na ang mga kasama nito, natigil rin agad nang dumating si Ino. “Tapos ka na? Ikaw rin ang inuutusan ni Ma’am Claudia na magdala ng pagkain sa kanya!” ani Ino. “Sir! Hindi ko na po trabaho ang room service! Kay Mara nalang tutal sa kusina siya nagtatrabaho!” ani Huss. “Assistant Chef si Mara! Ikaw nalang ang magdala dahil nagdeliver yung iba sa third floor! Ikaw na ah!” “Makakatanggi pa ba ko?” Kinuha na ni Huss ang pagkain na idedeliver niya sa kwarto ni Claudia kahit na nandoon lang ang ibang service room. First floor lang ang VIP room kaya hindi na siya mahihirapan na magdeliver nito. Pagkarating sa kwarto ni Claudia ay nakangiti ito sa kanya. Ang ngiting nakakaasar, pero hindi pa rin nagpadala dito si Huss. Sinerve ang pagkain kay Claudia ng maayos at pinakitaan niya pa ito ng skill niya pagdating sa pagiging crew. “Here’s you’re Beef Kare-kare and our soup of the day Crab and Corn! And you’re dessert Ube Caramel ice cream!” ani Huss. “May nakalimutan ba ako Ma’am? Lahat na po ng order niyo ay nandito at tama?” dagdag nito. “Ok na!” ani Claudia. Paglabas ni Huss sa kwarto niya ay may naalala na naman si Claudia. Naalala niya ang lalaking nagserve sa kanila ni Mateo nung kasal nila. Ang lalaki rin kase na ‘yon ang nagpabago ng tuluyan sa imahe ni Claudia. At ang lalaki rin na ‘yon ang unang nakasex ni Claudia. Dahil puro daliri niya lang ang pinapasok niya sa kanya. “Hindi kaya si Huss rin ang lalaking ‘yon?” tanong sa isip ni Claudia. Tumawag ulit si Claudia ng service para sa inumin niya at nirequest pa rin na si Huss ang magdadala nito sa kanya. “Huhulihin kita Huss! Kikilalanin kita kung sino ka talaga!” ani Claudia. Pagdating ni Huss sa kwarto ni Claudia ay nilapag niya lang sa lamesa ang inumin na dineliver sa kanya. “Hindi mo manlang ba ipapakilala sakin yung dineliver mo sakin?” tanong ni Claudia. “Ano ba talagang gusto mo! Nagsosorry na ko sayo bakit pinapagod mo ko! Nasa laundry po ako ma’am! Naglalaba ako! Bakit ako ang pinagdadala niyo ng pagkain!” galit na sabi ni Huss. “Dahil gusto kitang makilala!” “Dahil don lang? Dahil sa gusto mo kong makilala gagawin mo nang all around yung trabaho ko sa motel mo?!” “Dahil hindi ko rin alam!” “Hindi mo lang maamin sa sarili mo na mahal mo na ko!” “Oo! Napamahal na ko sayo! Mahal na kita! Kaya gusto kong makilala ka!” Fb: Migscreations Dreame: Migscreations
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD