CHAPTER THIRTY-SEVEN: ••• ••• TUMAWA si Maika, parang hindi naiintindihan ang sitwasyon. "Opo, dati lagi po siyang nang-aasar. Ngayon, parang... hindi na ganun. Masyado na po siyang seryoso." Napabuntong-hininga ako at sinubukang i-shake off ang kaba. "Siguro marami lang siyang iniisip." Pero habang pinilit kong ipagpatuloy ang ginagawa ko, hindi maalis sa isip ko ang mga nangyayari. Lalo pa’t may mga bagay na hindi ko maintindihan tungkol kay Sir Nick—kung ano talaga ang nararamdaman niya, at kung bakit parang lumalayo siya. "Minutes, sigurado ka ba?" tanong bigla ni Loveliz, mukhang may alinlangan sa tono niya. "Oo, Loveliz. Okay lang ako," sagot ko, pilit na ngumiti para itago ang gulo sa isip ko. Pero kahit gano'n, alam kong hindi ito matatapos nang ganoon lang. May mga bagay n

