CHAPTER TWENTY-EIGHT: ••• ••• NAPABUNTONG-HININGA ako, alam kong wala nang saysay na pilitin pang bumalik sa pagtulog. I shifted under the covers and decided to get up. 'Panaginip lang 'yon, Love.' paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko, pero parang may bigat pa rin sa dibdib ko. Pagbangon ko, bumagsak ang malamig na hangin sa balat ko, pero sanay na ako. Hinatak ko ang simpleng uniporme ng kasambahay mula sa maliit kong aparador at nagsimulang magbihis. Sa Ferrary Mansion, maaga palaging nagsisimula ang araw namin, lalo na kung kailangan kong maghanda ng agahan o linisin ang mga kuwarto. Habang nagsusuot ako ng apron, hindi ko mapigilang balikan ang mga napanaginipan ko kanina. Si Sir McHael at si Minutes, na parang magkasama sa isang mabigat na sitwasyon. Weird talaga—parang masya

