CIRCLES OF HELL 2

1964 Words

Ilang segundo ang lumipas pero hindi ko naramdaman ang sarili ko na nahuhulog. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung totoo bang hindi ako nahuhulog o baka naunahan na ako ng takot kaya wala na akong maramdaman, ngunit wala talaga akong maramdaman na kakaiba maliban sa malakas na hangin na tumatama sa mukha ko. Unti-unti akong kumalas mula sa pagtatago at sinilip ang paligid. Namangha ako nang mapansin ko na lumulutang kami sa ere. Lumingon ako at nakita na ang ilog ay dumadaloy pababa. 'Hayy salamat.' Sabi ko sa isip ko at nakahinga ng maluwag. Natigilan ako nang maramdaman ko ang matigas na bagay na hawak-hawak ko. Agad na nanigas ang katawan ko nang maramdaman ko ang matalim na titig na pinupukol sa akin ng katabi ko. Dahan-dahan akong lumingon para lang rin agad na umiwas ng tingin n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD