Nataranta ako nang makita ko ang kasama ko na nakaalis na ng bangka at naglalakad sa malawak na entrance sa harap ng pinto ng palasyo. "Excuse me," kabadong sabi ko sa walang mukha na nilalang. Napaigtad ako nang agad ako nitong nilingon. "Dadaan lang ako. Hehe," agad na akong umiwas ng tingin sa kaniya at dali-daling dumaan sa tabi niya. Para akong bata na naliligaw habang nililibot ko ang tingin sa paligid. May dalawang malaking daan sa magkabilang gilid ng palasyo habang sa gitna naman ay may malaking fountain. Oh diba? sosyal! "Woah!" manghang bulalas ko nang makita ko ang malawak na garden sa hindi kalayuan. Meron pa nga doong parang maze. I followed the demon who owned me closely behind him. Umawang ang labi ko nang makarating kami sa pinakatuktok ng mataas na hagdan nang bumuk

