"Hello and welcome to BBC news! I am Mathew with the latest exclusive news. Siemve pharmaceuticals, was found guilty of health fraud of many types after a report came from an international agency."
Maluwag akong napabuntong hininga at humigip sa tasa ng kape na iniinom ko. I lost track of time dahil sa dami ng pasyente na inaalagan ko ngayong araw. Ang alam ko lang ay gabi na, base na rin sa dilim sa labas.
"Are you not planning to go home?" lumingon ako at nakita si Paige na kakapasok lang sa loob ng pantry namin. Dinner time kasi ng mga pasyente ngayon so we are free dahil pinapakain sila ng mga nurses. Wala naman kaming masyadong gagawin pa ngayong gabi dahil matutulog na ang mga pasyente.
"Ikaw?" tumikwas ang kilay ko nang suriin ko siya ng tingin at napansin ang ilalim ng mga mata niya na nangingitim. "It seems like you need it more than me," natatawang sagot ko.
Paige sighed at lumapit sa akin. She started to make her own coffee. "I can't," tipid na sagot niya na nagkakunot ng noo ko.
"What do you mean you can't?"
Looking at Paige, I realized how much she changed. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin but she looks even more haggard every day. Come to think of it, palagi ko na lang siyang nakikita dito sa hospital. "Umuuwi ka pa ba? baka plano mong gawing bahay itong hospital ah?" pabirong dagdag ko nang hindi niya ako kaagad sinagot.
"I-I-just can't sleep at night. Imbis na humilata lang ako sa kama ko ay dito na lang ako sa hospital." Hindi makatingin na sagot niya and started to sip from her cup of coffee.
Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala para sa kaniya. "Nandito naman ang mga nurses plus the on call doctor. You don't have to stay here the entire night. Go home, Paige. You need rest."
Paige inhaled deeply habang nakatingin sa malayo. Mukhang ang lalim ng iniisip niya bago sumagot. "Let's see kung aantukin ako."
"Eh paano ka aantukin niya kung uminom ka ng kape?" natatawang biro ko. Paige looked at her cup tsaka maliit na ngumiti rin. I am deeply curious kung ano ang bumabagabag kay Paige. I am her friend for years so I know when there is something wrong. Pero mukhang wala siyang planong magkwento kaya hindi ko na lang muna siya pipilitin. I'll just stick by her side until she tell it to me or if I think that the timing is right. I don't want to put pressure on her.
"Congratulations on your new success case," kumento ni Paige habang nakatingin sa telebisyon. The new head news is about the rape case of the son of Siemve pharmaceuticals. Pakiramdam ko ay nawalan ng bigat ang dibdib ko habang pinapanood ang lalaki na nakayuko habang ini-escort ng mga pulis. He looks exactly like the photo I saw from the building kung saan namin nakita si Bryan.
"I was really doubtful at first but I am glad we were able to pull it off," nakangiting sabi ko.
I felt Paige pat my back. "Good job. Tignan mo ngayon, dumadami na ang pasyete natin dito. Pati hindi psychiatric case ay sa atin na pumupunta." Pati ako ay natawa na lang rin. Ilang araw na simula noong nakalabas si Tina but the investigation about the Siemve pharmaceuticals began even before she was released. Hindi pa ngalang dinakip dahil pinoproseso pa at hinihintay na makalabas si Tina to be one of the person to attend during the trial. Pagkatapos na pumutok ang issue ay maraming naglabasan na mga kababaehan, claiming that they were abused and raped by the same man.
Different people came to our hospital. Pati ang iba na hindi naman related sa psychiatric case ay pumupunta sa amin dito after Tina thanked up publicly in one of her post on social media. Doble tuloy ang trabaho na ginagawa namin dahil kailangan naming tignan isa-isa ang mga pasyente bago i-refer sa iba't-ibang doctor kung saan sila dapat pumunta.
"Sana mahal mo pa rin ako kahit ako ang isa sa mga stress mo," pa-cute na sabi ko kay Paige na naiiling na ngumiti na lamang.
"I'll head out first. I still have a treatment to give to a patient." Paalam ni Paige and put down her cup of coffee.
"Paige," tawag ko sa kaniya bago pa man siya tuluyang makalabas ng pantry. She paused and looked back at me. "Go home if you can. Nag-aalala na ako sa iyo. Please magpahinga ka rin from time to time." Nag-aalalang sabi ko sa kaniya.
"I will. Ikaw rin, umuwi ka na." Tipid na sabi niya at nauna nang umalis habang kumakaway sa akin nang nakatalikod.
I swear, I saw hesitancy from her face before she answered me. It was obvious that she wants to tell me something but she ended up not telling me.
Malalim akong napabuntong hininga at naisipan hugasan na lang ang ginamit namin bago lumabas na ng pantry. I did a final rounds to all of my patients para tignan kung maayos ba ang lagay nila at kung meron pa ba akong kailangang ibigay na order bago ko napagdesisyunan na umuwi na.
Dala ang gamit ko ay lumabas na ako ng office ko. "Doc!" I heard someone called. Agad akong napangiti nang makilala ko ang boses na iyon.
"Nina!" bulalas ko nang makita siya na tumatakbo papunta sa direksyon ko dala ang bag niya. Mukhang kagaya ko ay uuwi na rin siya. "Uuwi ka na?"
"Oo Doc! Ikaw?" tanong niya sa akin at pinagkrus ang braso namin nang tuluyan siyang makalapit sa akin. I barely see Nina kahit nasa isang hospital lang kami. Nasa ibang area kasi siya naka-assign.
"Oo. Kumusta ka na? kumusta ang duty natin? rinig ko merong folk ang may crush sa iyo kaya palaging pabalik-balik dito!" kantayaw ko sa kaniya. Iyon kasi ang usap-usapan sa mga staff nurses kaninang umaga pagkadating ko. Kahit malaki ang hospital namin ay mas mabilis pa kumalat ang chismis kesa sa medical information. Feeling ko nga minsan ay nagtipon talaga lahat ng mga chismosa dito sa hospital.
"Ano ba Doc!" namumulang sagot ni Nina at mahinang hinampas ang balikat ko.
"Asus! Ba't ka namumula? type mo?!" patuloy na pang-aasar ko sa kaniya na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha. Para siyang kamatis na hinog na hinog.
"Hindi ah!" defensive na sagot niya. "Tara na nga!" nagpatianod na lang ako sa kaniya nang magsimula siyang maglakad.
"Bakit naman ayaw mo? rinig ko shupaps naman daw iyong lalaki na may gusto sa iyo ah? Ikaw Mare, sa panahon ngayon hindi ka na dapat maarte! Pag ikaw tumandang dalaga ewan ko na lang!" naiiling na sabi ko.
Nina paused at nilingon ang paligid. "Doc naman eh! Natatakot lang ako," nahihiyang sabi niya at kinamot ang noo.
"Na?" kunot noong tanong ko.
"Na..." pabitin sabi niya at kinagat ang ilalim ng labi niya.
"Na?" nakangiwing tanong ko.
"Na baka baliw rin anak namin. Diba hereditary iyon?" nakangiwing sagot niya.
Nakatanggap naman siya ng sapok sa akin na may kasamang panggigigil. "ARAY!" nanghahaba ang ngusong hiyaw niya.
"Bakit ganiyan pinag-iisip mo? ikaw talaga! ang tagal mo na dito sa hospital iyan pa rin ang pinag-iisip mo!" naiiling na sabi ko. "Hindi sila mga baliw, okay? alam mo iyan dahil matagal ka nang nagtatrabaho dito. Meron lang talagang pinagdadaanan ang mga pasyente natin na hindi kinayanan ng utak nila."
Nahihiyang tumango si Nina. "I know Doc but-"
"Ay nako! Huwag ka ngang nega diyan. Malay mo siya na pala ang one true love mo tapos hindi mo manlang binigyan ng pagkakataon. Baka magsisi ka niyan kung wala mo siya tapos doon mo pa lang napagtanto ang halaga niya?" muntik nang pumiyok ang boses ko habang sinasabi iyon. Somehow, it came from the heart talaga.
Nina looked at me understandingly before she nodded. "Alright. I'll give him a chance. Pero ipapakilala ko siya sa iyo nang makilatis mo!" bibong sabi niya at hinila na ako palakad.
"Aba't binigyan mo pa ako ng trabaho nang wala sa oras! Mahal ang talent fee ko no!" natatawang sagot ko. Masaya lang kaming nagkwentuhang dalawa nang bigla akong matigilan nang mapansin ko na nasa harap na kami ng elevator.
"Bakit Doc?" takang tanong ni Nina at nag-aalala akong tinignan nang bigla na lamang akong matigilan.
Nanayo ang balahibo ko nang bigla ko na naman maalala ang nangyari dito sa elevator pero at the same time ay hindi ko magawang seryosohin ang kababalaghang nakita ko dahil sa pinag-usapan nila. Wala pa akong pinagsasabihan ng nakita ko hanggang ngayon dahil natatakot ako na baka isipin nilang baliw ako.
"Wala. May naalala lang ako," tipid na sagot ko at inakay na si Nina papasok ng elevator.
I decided to give Nina a ride home dahil on the way lang naman ang bahay niya before I went to my own place. I immediately took a hot bath at nagtimpla ng gatas para antukin ako. I sat on my bed and drank my milk habang nagbabasa ng novel mula sa ipad ko. Iyon lang ang ginawa ko for almost 3 hours hanggang sa nakaramdam ako ng antok.
I yawned and stretched my body. I was about to turn off the lamp on my bed side nang bigla akong natigilan at nilibot ang tingin ko sa paligid. I used to love my dark and cozy room but now I feel anxious. Napatingin ako sa labas ng glass window at kinilabutan habanag inisiip kung ano ang mga nasa likod ng dilim sa labas ng bahay ko. I shivered with the thought of what might be in the dark.
I shook and head and decided to sleep habang nakaandar ang lamp sa tabi ko. Dala ng pagod mula sa buong araw na trabaho ay agad akong nakatulog. I was having a good dream at first when my dream suddenly turned into a nightmare. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulog nang bigla akong makaramdam ng bigat. It's like someone is sitting on top of my chest.
Nanlalaki ang matang nagmulat ako ng mata at nilibot ang tingin ko sa paligid. Nahintakutan ako nang makita na madilim ang kwarto ko at nakapatay na ang ilaw ng lamp sa tabi ko. Sinubukan kong galawan ang katawan ko para bumangon pero hindi ko magawa. I can't even move even the tip of my fingers!
'Help! Help me!' I screamed on my mind kahit wala naman akong kasama dito sa bahay na makakatulong sa akin. Then reality hit me. I am alone in his this place with no one else to call for help.
I felt my head spinning with the lack of oxygen in my lungs. Hindi ko alam kung nananaginip pa rin ba ako o totoo itong nangyayari sa akin ngayon. All I could think of is to survive.
I choked while trying to gasp for air. Unti-unting nanilim ang paningin ko along with the shadows crawling on my wall and the voices that's chanting unrecognizable language. Patagal ng patagal ay palakas iyon ng palakas.
"H-H-He-e-elp" I manage to whisper. From the corner of my eyes, I saw a man suddenly appeared. I can't really comprehend what he looks like dahil naduduling na ako sa kulang ng hangin sa baga ko. He slowly came close to me while observing me. For the first time for a while, I was able to raise my hand and grasp his arm.
"Help me!" I cried and look at him. I was stunned when I saw the man who have the same surprise look on his face while looking at my hand.