Mabilis ang kabog ng dibdib ni Qarinah sa bawat hakbang na tinatahak niya. Hawak-hawak ang tiyan niya na may namumuong munting buhay at pag-asa sa puso niya na sa wakas ay malapit na niyang makamtan ang kalayaan na matagal na niyang inaasam. 'Kaunti na lang!' Sumilay ang ngiti sa labi ni Qarinah nang isang hakbang na lamang ay nasa taas na siya. Nasa ganoon siyang tagpo nang bigla na lamang may humawak sa kaniyang paa. Ang panandaliang saya na naramdaman ni Qarinah ay agarang nawala at napalitan ng takot nang matagpuan niya ang sarili niyang nahuhulog pagkatapos niyang mawalan ng balanse. "HINDI KA MAKAKAWALA SA AKIN! QARINAH! AKIN KA LANG!" puno ng galit ng sigaw ni Jenuz na agad naka-recover mula sa pagkakahulog nito sa hagdan. Ngunit wala kay Jenuz ang atensyon ni Qarinah. 'Ang an

