Kakagising pa lang ni Paige nang bigla siyang makaramdam ng pagsusuka kaya dali-dali siyang tumakbo papunta sa banyo at nagsusuka. "Oh god," nanghihina siyang sumalampak sa sahig ng banyo pagkatapos niyang magsuka. Pangalawang araw na ito na nasuka siya kahit kakagising niya pa lang. Noong una ay sensasyon lang iyon na naramdaman niya pero nitong huli ay tuluyan na talaga siyang nasuka. "I must have eaten something really bad," she said to herself at hinimas ang tiyan niya na biglang nawala ang pananakit nang makasuka siya. 'Wala naman siguro akong amoeba no?' she thought to herself and started to recall of the meals that she ate recently. Siguro sumasama ang pakiramdam niya dahil puro siya street foods nitong huli. Wala naman kasi siyang kasama na kumain. Simula noong huling pag-uusap

