"Sometimes, I also dreamed about the moments I missed when I black out. But oftenly ay wala talaga akong ideya kung ano ang anngyari sa akin."
Naalala ko na naman ang kwento sa amin ni Adrian tungkol sa kung ano ang nangyari sa kaniya. Dissociative Personality Disorder shouldn't be a problem if only his other persona is not like this. I am afraid for him and for the process in how we would be of help to him.
"Meow," napunta ang atensyon ko kay Lucky nakakapasok lang sa kwarto ko kung saan ako nagbabasa ng libro tungkol sa dissociative personality disorder. I smiled when Lucky jumped up on my bed at dinikit ang katawan niya sa akin at natulog.
"Thank you for staying with me, Lucky." Mahinang sabi ko at hinimas ang katawan niya.
That man that Adrian said in his dreams, iyong lalaki na bigla na lang nawala, no to be exact ay nag-teleport sa likod niya. Sa tingin ko ay hindi iyon panaginip. At sa tingin ko ang lalaking iyon ay kagaya ng nakikita ko. 'I think he's also a demon.'
Malalim akong napabuntong hininga at inalis na ang libro sa paanan ko at nilagay iyon sa mesa sa gilid ko at nahiga na. Pagod na ako at inaantok na. Lucky snuggled close to me and sleep as well.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas pero bigla na lamang akong nakaamoy na tila may nasusunog. Agad akong napabalikwas ng bangon at nagulat nang makita ko na tinutupok na ng apoy ang paligid. "Oh my god!" Sinubukan kong gumalaw at bumaba ng kama dala ang kumot para sana tumakbo sa banyo at basain iyon nang mapagtanto ko na hindi ko magalaw ang sarili kong katawan.
"What's going on?!" sinubukan kong muling galawin ang sarili ko pero hindi ko magawa. It feels like I don't own my body. The body where I am grabbed the phone beside her bed and dialed a number. Sinubukan kong tignan kung ano ang numero o kung sino ang tinatawagan niya pero sa lakas ng usok dito sa loob ng kwarto ay hindi ko kayang imulat ang mga mata ko nang hindi pumapait ang mata ko.
I heard the dial tone which means the call is going through pero hanggang sa tuluyan nang natapos ay tawag ay hindi pa rin iyon sinasagot ng nasa kabilang linya. "AHHH!" I screamed when the fire started to eat the edge of the bed. Gusto ko mang takpan ang tenga ko mula sa nahuhulog na mga bagay sa kisame ay hindi ko magalaw ang katawan na nasaan ako.
'Am I dreaming again?'
But why does it feels so real? I can even feel the heat of the fire that's roaring in front of me. Whoever is the person I am now, it seems like she already accepted her fate. "Always know I love you, -"
"AGHHH!" habol ang hininga na bumangon ako sa kama habang sapo ang lalamunan ko. Nanlalaki ang matang nilibot ko ang tingin sa paligid at nakita na nandito na ulit ako sa kwarto ko. Wala na ang maitim na usok at malaking apoy na nakita ko.
'So I was really dreaming.' Nanghihina akong sumandal sa backboard ng kama ko. Ramdam ko ang panghihina ng mga laman ko dahil sa sobrang takot na naramdaman ko sa panaginip ko.
'What was that?'
"Krystina?" natigilan ako nang maring ang boses ni Lolo Danilo na sinundan ng mahihinang katok mula sa labas ng kwarto ko. I let out a heavy sigh bago pinilit ang sarili ko na tumayo at lumapit sa pinto.
"Lolo, bakit gising ka pa po?" tanong ko sa kaniya nang mabuksan ko ang pinto.
"Okay ka lang ba, Krystina? narinig ko na sumigaw ka. Agad akong pumunta dito para tignan kung kumusta ka." Nag-aalalang tanong nito at sinuri ako ng tingin mula ulo hanggang paa, sunod ay ang buong kwarto ko. Nakahinga ito ng maluwag nang wala naman itong mapansin na kakaiba.
"Okay lang po ako, Lolo. Masamang panaginip lang ho. Pasensya na at nagising pa po kayo," nahihiyang paliwanag ko.
"Nako! Okay lang. Hindi pa naman kasi malalim ang pagtulog ko kaya narinig kaagad kita. Gusto mo bang timplahan kita ng gatas para makatulog ka ulit?" offer nito sa akin.
I smiled while watching the sincerity in Lolo Danilo's eyes. Sa kabila ng katandaan niya ay hindi mo mapapansin na ganoon na pala ang edad niya. His physical features doesn't reflect his age. Siguro ay dahil sobrang bait niya kaya ganiyan ang mukha niya. He have this kind of look kasi na unang tingin pa lang ay alam mo na kaagad na mabait siya.
"Salamat pero okay lang po talaga ako. Ihahatid na lang ho kita sa silid mo," Inakay ko na si Lolo Danilo na tumanggi pa noong una pero sa huli ay pumayag din. Inalalayan ko siya pabalik sa silid niya.
"Salamat, Krystina. Sana ay makatulog ka ulit ng maayos." Sabi niya habang tinutulungan ko siyang makahiga sa higaan niya. I suddenly remembered about what I learned about his family.
'f**k. What I should do?' I now feel torned kung ano ang gagawin ko. Plano ko sana na tutulungan si Lolo Danilo na makabalik sa kanila as soon as possible pero hindi ko inaasahan na magkakaganito. I can't just leave my job dahil importante iyon. Pero at the same time ay importante rin na makabalik kaagad si Lolo Danilo sa kanila dahil walang pamilya na nagbabantay sa apo niya.
'I should at least tell him.'
Bukas na lang. Paniguradong hindi siya makakatulog buong gabi kung ngayon ko sasabihin sa kaniya ang nangyari.
"Ikaw rin po. Goodnight," walang ingay na lumabas na ako ng kwarto ni Lolo Danilo at maingat na sinara ang pinto pagkatapos ay bumalik na ako sa sarili kong silid.
Pabagsak na nahiga ako sa higaan ko at napabuntong hininga. Pagod na akong mag-isip kung ano ang uunahin ko. I closed my eyes and tried to go back to sleep. Ilang minuto rin ang dumaan bago ko naramdaman ang unti-unting pagkain ng antok sa akin. I was close to really falling asleep nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.
'Oh no, is this another dream?' Iyon kaagad ang naisip ko. Pikit matang inabot ko ang cellphone ko na nakalagay sa gilid ng kama at sinagot iyon nang hindi manlang tintignan kung sino iyon.
"Hello," I said in a groggy voice. Wala na akong pakealam kung hindi pormal ang pagkakasagot ko. In the first place ay sino naman ang nasa tamang isip na tatawag sa akin na ganitong oras na.
"K-Krystina," tuluyan akong napamulat nang marinig ang nanginginig na boses ni Paige mula sa kabilang linya.
"Paige?" I sat up on my bed. Parang hinipan ang antok ko na bigla na lang nawala nang marinig ang boses ni Paige. I know Paige wouldn't just call me for no reason, lalo na at ganitong oras na.
'Does it have something to do with Adrian?'
"K-Krystina. It's all a mess. T-The place is full of blood and dead bodies everywhere. I-I'm scared. I-"
"Calm down, Paige. Where are you?" kalmadong sabi ko sa kaniya kahit ako ay unti-unti na ring nakakaramdam ng panic sa narinig. Base from what I heard, this is nothing simple.
Ilang beses kong narinig ang malalim an hininga ni Paige na hindi kaagad nakasagot. "Paige, answer me. Where are you?" mariin ang boses na tanong ko sa kaniya.
"Hospital. I-I'm at the hospital."
"Alright. I want you to hide and calm down, okay? Papunta na ako!"
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad nang umalis. I didn't even bothered to change my clothes at basta na lang lumabas ng bahay dala ang susi ng sasakyan ko. Habang nasa daan ay tumawag na ako ng pulis. Nanlalamig ang mga daliri ko sa kaba pero kinalma ko lang ang sarili ko. I am scared of what I am about to see pero kailangan ko munang maging kalmado.
Una akong nakarating sa hospital at nakita na nakapatay ang ilang mga ilaw, lalong-lalo na sa floor namin. Imbis na pumasok mag-isa ay pinili kong hinatyin ang mga pulis na dumating naman pagkatapos ng ilang minuto. I immediately went to one of the police car.
"Hi! I'm the one who called! I am Krystina Vera. My friend is still up there! S-She just called me and said that there's a lot of blood and dead bodies everywhere! I-I"
Natigilan ako nang hawakan ng babaeng pulis ang balikat ko. "Ma'am, calm down. Kami na po ang bahala dito. Dito ka lang po sa labas," bilin nito sa akin. They all prepared to come inside the building. I was so anxious na pakiramdam ko ay hindi ako makahinga ng maayos habang hinihinatay sila na makalabas.
Umupo ako sa gilid ng daan at niyakap ang sarili ko. Para akong maiiyak sa sobrang kaba habang hinihintay na may lumabas na pulis.
After what seems like forever ay may nakita akong isang pulis na naglalakad palabas. Napatayo ako nang wala sa oras nang makita ko si Paige na nakasunod sa kaniya. Paige doesn't look like her usual self. Tulala lang siya habang naglalakad.
"Paige!" I called her out. She immediately looked at my direction. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya when she saw me.
"Krystina!" she ran towards me and I spread my arms to welcome her. Mariing niyakap ako ni Paige nang tuluyan na siyang makalapit and burst out crying.
"Shh. I am here," pagpapakalma ko sa kaniya at hinimas ang likod niya. I can even feel her body shaking.
"I-I was so afraid, Krystina. So afraid that I would die. I saw them, everyone is dead except me. There's a pool of blood and ead bodies everywhere!" nagtagis ang bagang ko nang mapansin ko na nagkakaroon ng panic attack si Paige.
"Paige, calm down," inakay ko siya paupo sa loob ng sasakyan ko at hinayaan lang na nakabukas ang pinto. "Breathe with me, alright? breathe in, breathe out." I helped her perform deep breathing exercises to calm her down and clear her mind pero tila hindi iyon epektibo sa kaniya na nagsimula nang hikain. She is panting and her nailbeds started to turn bluish which means she is lacking an oxygen from her circulation.
Nasa ganoon kaming sitwasyon nang marinig ko ang tunog ng ambulansya. "Wait here, okay? I'll get a help." dali-dali akong lumapit sa mga tao na kakalabas lang na ambulansya at humingi ng tulong.
"Please help my friend! She's having a panic attack and is experiencing difficulty of breathing. She's over there," turo ko sa pwesto ni Paige. Nakahinga ako ng maluwag nang lingunin ko siya at nakita na nandoon pa rin siya sa pinagiwanan ko sa kaniya.
"Sige po, Ma'am. Susunod lang po ako," sabi ng babae. Agad na akong bumalik kay Paige na tulala.
"Paige, help is here," I said to her pero hindi manlang niya ako nilingon. I noticed that she looks like she is about to cry so I followed where she is looking at. Pati ako ay biglang nanlamig nang makita ang ilang stretcher na sunod-sunod na lumabas at may takip iyon na puti, which means patay na ang nakalagay doon.
"Oh god," napatakip ako ng bibig when I realized how many they are at kung gaano kadaming dugo ang nandoon.
'Did Adrian escape?' No, Adrian couldn't do this. I am 100% sure that it is Felix who's responsible for this. But how?
Tears started to form in my eyes when I realized how many people died. I don't even want to know kung sino ang laman ng stretcher na may takip na puting tela. I am afraid to know the truth. It's a m******e.
"H-He killed everyone. I saw him kill them mercilessly and enjoyed hearing their pain and screams. He killed them while they are pleading for their dear life. H-He," I hugged Paige who's now sobbing. "H-He's a demon! He's a demon!" Paulit-ulit na sabi niya habang iyak ng iyak.
I don't know why pero bigla na lang akong napalingon sa kadiliman sa harap namin. I feel like someone is watching us. Kahit na hindi ko makita ay ramdam ko ang pares ng mata na nandoon sa kadiliman at sinusubaybayan kami.
-
Mula sa kabilang dako ay napangiti si Felix habang pinapanood si Krystina na umiiyak habang yakap ang kaibigan nito. He really did intend to leave his friend alone to send his message to her. "See you soon, friend." Mas lalong lumapad ang ngiti ni Felix nang mapansin niya na tumingin si Krystina sa direksyon niya. He is standing in the darkness and no one would know that he is there. Felix said and turned his back from that place.