Hindi nasabi ni Kendall sa akin ang pangyayaring iyon tungkol sa mga magulang nila. Hindi ko rin inasahan na ganoon kalala ang nangyari. Pakiramdam ko tuloy, tuluyang nawala sa mood si Darius dahil sa naalala. Hindi ko naman siya masisisi. Hindi ko man naranasan na makasama ang tunay na mga magulang ay kahit papaano, naiintindihan ko pa rin ang sakit niya. I almost died when my lola and lolo passed away. Dahil iyon sa sakit at katandaan pero hindi ko pa rin halos kayanin at hindi ko kaagad natanggap. Darius and Kendall lost their parents in just one night. Para bang natulog lang sila at kinabukasan wala ng aantaying mga magulang. Hindi ko ma-imagine kung gaano kalala ang sakit. "Come on! Sumama na kayo! Wala akong kakwentuhan," nagdadabog na sabi ni Kendall. Kunot na kunot na ang noo

