"Ma'am Felicity, eto na po 'yung lahat." Madali kong binalingan ang empleyadong kakabukas lang ng pinto ng opisina ko. Dala-dala nito ang sandamakmak na reports na kailangang i-finalize. A month after all the crying, I feel that I am used to it.
Hindi ako umalis sa bahay kahit pa iyon ang palaging sinasabi sa akin ni Tina. 'Wag raw akong maging masokista at umalis na ako.
I can't.
Kahit alam ko sa sarili kong hindi ko kaya ay sumubok naman ako. Wala lang akong magawa dahil nagagawa akong pigilan ni Cornell.
Tama naman siya. Kailangan ko lang tatagan ang loob. Pagkatapos manganak ni Zeina, babalik din kami sa dati. Pero kapag nagpagapi ako sa mga iniisip ay mawawala lahat ng pinaghirapan namin.
"Tell them to be early next week. Ako na lang palagi ang nag-aantay na magsubmit kayo," sabi ko sa babae. Humingi lang itong muli ng pasensya bago lumabas.
Ibinalik ko ang sarili ko sa trabaho. Swerte ko na lang ngayon ay madalas nakakalimutan ko ang mga problema. Sa dami ba naman ng reports na kailangang ilabas ay paniguradong hindi ko na magagawang mag-isip ng kung ano-ano.
Magpapasko na kasi. Malapit na namang matapos ang taon.
I deserve an applause for reaching this far. One month ago, akala ko hindi ko na kakayanin. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, walang humpay ang pag-iyak ko.
But you'll understand my situation. I know you will. Ikaw ba naman tumira sa bahay kasama ang babaeng gabi-gabing natitikman ang asawa mo. Ikaw ba naman umaasa ng anak na hindi naman manggagaling sa'yo.
Pero katulad nga ng sinabi ko noon, I'll accept anything that can make Cornell happy.
Sa sunod namang pagkatok ay si Tina na ang bumungad sakin, telling me na sabay na raw kaming umuwi at samahan ko siya sa labas.
She's been doing that for about a month now. Hindi ko mga maiwasang isipin na baka ginagawa niya na lang 'yan para hindi ako kaagad makauwi sa bahay at magmukmok.
But then, I must thank her. That's very effective.
"Saan naman tayo ngayon, aber?" entrada ko na. Alam ko na kasi ang ibubungad niya.
Humalakhak ang kaibigan saka tumingin sa oras. Eksakto alas singko na at uwian na.
"I've been thinking, wala na pala akong medyas. Naubos na–"
Humagalpak ako ng tawa. Today, I feel so light. At isa pa, hindi ko pa nagagawang umiyak ngayon. I couldn't be more proud of myself today.
"Pwede ba umisip ka naman ng mas kapani-paniwalang plano? Kunwari hahanap ka ng jowa, matanda ka na hindi ka pa kumikilos." Madramang humawak si Tina sa dibdib niya, as if she was stab on the chest.
"Napakasakit mo naman magsalita!" Tinapos namin ang usapan sa tawanan. Mabilis kong iniligpit ang mga gamit saka bumaba kasama niya.
Nagmamadali kaming magpunta sa kalapit na mall. Seriously, I am used to this. Dito na rin kami halos nagdidinner.
Tungkol naman sa kaibigan, alam na nito ang totoo. Ilang beses na rin nitong nakita si Zeina at kahit papaano ay natanggap na niya. Hindi ko na nga lang ikwinento ang nagawang pagkahuli ko rito pati na ang pagbibigay nito ng gamot sa akin.
Kilala ko ang kaibigan. Paniguradong magwawala at mag-eeskandalo iyan ng sobra.
Halos hindi ako makahinga sa kakatawa noong talagang bumili kami ng medyas. And Tina being Tina, binilhan niya rin ako ng kaparehong medyas. Twinnie raw.
"How about mag-overnight ako sainyo? Promise I'll be good." Napalingon ako sa biglaan niyang pagsasalita. "I don't have some clothes, but duh, I can obviously wear your bra!"
I always have fun when I'm with Tina. Maloko kasi ito, parang kahit anong oras ata kaya niya akong patawanin kung gugustuhin niya.
"I like that idea. But how about we eat first? Gutom na gutom na ako," natatawang sabi ko. Actually, hindi naman masama kung doon siya natutulog. Matagal ko ng kaibigan si Tina kaya kahit magtabi pa kami nito sa kama at maghiraman ng gamit ay mas gugustuhin pa namin.
Excited na excited ang bruha nang maghanap kami ng kakainin. Ngayon pa lang marami na siyang kwento. Eto nga ata ang unang beses sa isang buwan na hindi ako iiyak bago matulog dahil may kasama ako.
Akmang o-order na kami ng makakain nang biglang bumungkaras ang cellphone ko. Bago ko sagutin ay nagkatinginan muna kami ni Tina. It was Cornell.
"Cornell," sagot ko. Gone are those endearments na nagpapaganda ng umaga ko parati. The way he call me honey before seems so comforting.
"Where are you? Please be home now." Naalarma ako sa boses niyang parang nagmamadali. Kaagad ko iyong ni-loud speaker para marinig ni Tina.
"Uuwi ako? Bakit may problema ba?"
Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya. "Cornell?"
"Fely, you need to be home now. We need to tell you something." Nang maibaba nito ang tawag, hindi na kami tumuloy sa pagkain at nagmamadali na ring nagpunta roon.
"I swear to God if this is a joke, I will eat them alive. Gutom na gutom na ako, mga istorbo!" Natawa akong muli sa sinabi ni Tina. Paano kaya iyong mga ganon, ano?
May mga tao talagang kayang-kaya pagaanin ang sitwasyon and I admire them. Sana kaya ko rin. Sana kaya ko ring tawanan ang buhay kahit paulit-ulit ako nitong ginagago.
At 7:30 pm, binagtas na naming dalawa ang daan papasok sa bahay. Kumakalam na rin ng sobra ang tyan ko, nakakainis lang at kailangan naming madaliin ang sariling magpunta rito.
"Tin, you okay?" Binalingan ko ang kaibigang nakabusangot na ang mukha. Panigurado gutom na talaga ang babaeng 'to.
"Yes. Just promise me na magpapadeliver tayo," natatawang sabi niya. Hindi na rin nagtagal ay narating namin ang loob. I hurriedly find my husband. Blanko ang living room kaya mabilis kaming dumeretso sa dining area.
Doon ay naabutan kaming nagsusubuan ng pagkain ang dalawa. Nasakto pang nakaupo si Zeina sa hita ng asawa ko. Nasiko ko bigla ang kaibigan nang umarte itong naduduwal dahil sa nakita.
As for me, sa isang buwan, parang nasanay na rin ako. Ang kakapal ng mga mukha nila. But sometimes, I need to close my eyes. Ako na lang ang mag-a-adjust dahil ako lang naman ang mabait sa bahay na ito. Natawa na lang ako sa naiisip.
"Fely, you need to know this." Prente lang akong tumayo sa harap ng dalawa habang nakaalalay sa likod ko ang kaibigan.
Mayamaya ay itinaas ni Cornell ang maliit at puting bagay. Hindi ko na kailangang lapitan pa iyon para malaman pero hindi doon nagtagal ang tingin ko.
Mariin kong pinagmasdan ang ngiti ng asawa. He looks so happy. I. . . never saw him this happy simula noong nalaman niya ring buntis ako.
May kung anong tumurok sa loob ko pero tinanggap ko iyon ng buong puso. This is the thing that he really wants. This can make him happy.
"Zeina is six weeks pregnant!"