Note: Stimulants are a class of drugs that speed up the messages between the brain and the body. They can make a person feel more awake, alert, confident or energetic. (But) Large doses of stimulants can cause over-stimulation, causing anxiety, panic, seizures, headaches, stomach cramps, aggression and paranoia. (ADF, Alcohol Drug Foundation, 2020)
Maraming uri ng stimulant drugs pero hindi ko na gagawing specific dahil sensitibong bagay ito. Sa kaso ni Felicity, kay Zeina mismo galing ang gamot. It was intentional para madali nilang ma-manipulate ang feelings at utak ni Fely using large doses of Stimulants.
'Yun lang naman. Happy reading!
***
"That drug is very risky. Ilang araw pa lang niya 'yang tine-take pero naging malaki na rin ang epekto sakanya. If ever man na maging okay na siya today, kailangang pa ring i-monitor ang kaibigan mo, Tina."
Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko ang pagtango ng kaibigan. Hindi ko mapigilang malungkot at mas lalong masaktan. Dahil sa kagagawan ko pati tuloy kaibigan ko ay mamomroblema.
I still can't get enough of the fact na nagawa iyon ni Cornell. If that doctor thought about this idea? I can't believe na pumayag doon ang asawa ko. As if he really drugged me but indirectly.
How can he do that?
Kaya ko pang tanggapin iyong hahanap siya iba dahil may kulang sa akin — kahit pa sobrang imposible. Pero iyong gawin ito? It was just too much. I've known this drug even before kahit pa hindi ko alam ang totoong itsura dahil sa mga buybust o raid na kino-cover namin sa media and large doses of this in the long run can cause death!
Paano kung hindi namin nalaman? Paano kung patuloy lang ako sa pag-inom dahil ang laki ng tiwala ko sa asawa?
Now, I have all the reason to be mad.
But. . . No, I just can't.
"Tina, let's go home." Pinilit kong umupo. Huli na para maalalayan ng kaibigan pero mabilis ako nitong niyakap.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong naiyak sa yakap na 'yun. Nitong mga nakaraang araw, wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak at kwestyunin ang sarili ko kung bakit nangyari iyon.
"Tahan na, Fely. We will make a way out of all of these. You will file an annulment–"
"Tina, no." Napabitaw sa pagkakakayakap ang kaibigan pagkatapos ay marahas akong hinarap. "Everyone can have their own mistakes. Tina, hindi rin perpekto si Cornell kahit pa naisip kong oo. Nagkakamali rin siya. Sooner or later marerealize niya rin ang ginagawa niya. He knows what's wrong and what's right. I just needed to give him another chance."
Humalakhak ng mapait si Tina bago nagsalita, "Give him a chance? Fely, nakikita mo ba 'yung ginawa niyang mali? He put a risk on your life! Naagapan pa natin ngayon pero paano kung sa susunod hindi na? You'll welcome the death with open arms dahil lang sa pagmamahal na sinasabi mo dyan sa asawa mo?"
Inabot ko ang kamay niya pagkatapos ay marahang hinaplos-haplos iyon. "You need to trust me one more, Tina. Kaya ko pa. Kapag dumating ang oras na hindi na, I'll hurriedly leave." Pinalis ko ang luhang nakatakas sa mata ko. "Pero ngayon, Tina, nangako ako. I vowed to love and understand him. Kung bibitaw na ako agad ngayon, ano pang pinagkaiba ko sakanya?"
Mukha namang kumalma na ang sistema ng kaibigan. Alam ko namang maiintindihan niya ako. "Kaonti pa, Tina. Kaonti na lang."
Ilang oras pa ay tuluyan na kaming nakalabas ng ospital. Nakakahiyang plinano ko pa naman pumasok ngayon pero nakagawa pa ako ng eskandalo sa loob. Ang pagkawala ng malay raw kasi ay isa sa mga epekto ng isang stimulant lalo na sa mataas na dose.
Ilang beses akong bumuntong-hininga bago magsalitang muli sa loob ng sasakyan ni Tina. Prente na itong nagmamaneho at nagbabalak na iuwi ako.
"Tin, pwede bang sa opisina ni Cornell mo ako ihatid?" Ilang segundo lang matapos kong makapagsalita ay mabilis na naipreno ngnkaibigan ang sasakyan dahilan para halos masubsob kami sa harapan nito.
"Alam mo, ikaw? Hindi mo pa sinasabi sa akin ang problema. Fely, you should tell me para naman maintindihan ko kung bakit hindi ka sa bahay niyo dederetso, bakit sa opisina ka ni Cornell magpapahatid? Bakit ka niya binigyan ng gano'ng gamot? Are you–"
"We found her." Nayukom ko nang mahigpit ang kamao ko. "We found a surrogate mother."
Nang mag-angat ako ng tingin sa kaibigan, nakatingin lang ito sa akin nang mayroong purong kaguluhan sa mga mata. I should've let her understand but it is not the right time for that.
"I'll explain everything, I promise." Hinawakan ko ulit ang kamay niya.
"Pero hindi ngayon, right?" Tumango-tango ako. I mouthed the word, "Sorry" to her.
"I promise, Tin. I just need more time. I appreciate all your efforts and acceptance. Sobrang swerte akong may isang tao pang nakakaintindi sa akin. Hindi ko lang talaga alam kung saan ko sisimulan ang pag-iisip. Tina, maski ako naguguluhan din." I said all that will all honesty. Para saan pa ba kung magsisinungaling ako sa iisang taong nandyan para sa akin.
"I know. Basta, nandito lang ako. I am not like your husband. You know my flaws as well pointing out that I am not perfect but at least, I am true." Napapikit ako sa sinabi niyang iyon pagkatapos ay saka nagpigil ng luha. I've cried enough today.
"Ihahatid na kita sa opisina ni Cornell. Please, be okay. Hold yourself together."
Nang tuluyan akong makababa at makarating sa building, nagtagal pa kami ni Tina sa pagpapaalam sa isa't isa. Napakarami niya pang bilin at nakakataba ng puso iyon.
Sa pag-alis niya ay agad akong pumasok. Sa lobby pa lang ay marami nang bumati sa akin. Noon kasi ay madalas ako ritong magpunta para magdala ng pagkain sa asawa at madalas ko silang isinasabay. They've treated me very well at sa kilos nila ngayon ay nasisiguro kong hindi nagdadala o nagpapapunta si Cornell ng babae sa opisina niya.
Hindi ako nahirapan sa paghahanap sa sekretarya ni Cornell. Agad niya akong nilapitan, pagkatapos ay iginiya sa lugar ni Cornell habang sinasabing wala itong meeting. Kanina pa raw ito nakakulong sa opisina nito at hindi nag-uutos ng kung ano.
Humapyaw pa siya ng tanong kung may problema raw ba kami pero nakangiti ko lang itong sinagot ng 'hindi'.
Sa daan ay napakarami pa ring bumati sa akin, karamihan nangangamusta at ang iba ay nagsasabing hindi na raw ako bumibisita. Ginawa ko rin namang sagutin ang mga iyon pero hindi pa rin maalis sa akin ang panginginig.
Kung totoong walang kasamang iba si Cornell, makakausap ko siya nang maayos ngayon.
"Pasok ka na, ma'am. Hindi ko na sinabihan si Sir kasi kayo naman po 'yan. Babalik na po ako sa pwesto ko," malugod na sabi ng sekretarya niya — si Alice.
Bago ako pumasok ay hinawakan ko ang braso ng babae dahilan para magulat ito. I just smiled. Napakalaki rin ng utang na loob ko sa babaeng ito. "Alice, thank you so much. I am glad that I met you."
Madaling naguluhan ang babae sa sinabi ko pero nakuha nitong ngumiti ng taos-puso. "Mabait po talaga kayo, Ma'am. I am wishing you happiness."
Madali ko siyang niyakap. Paunti-onti parang nararamdaman kong parati kong kailangan ng yakap. It was as if that can ease my pain. Ilang segundo lang ang nakalipas noong maramdaman ko ang marahang paghagod niya sa likod ko. Doon pa lang ramdam ko na naman ang mga luha kaya mabilis na akong humiwalay.
"Mauuna na ako, Ma'am. Enjoy po kayo ni Sir," humahalakhak na sabi nito bago nagtuloy sa pag-alis.
Nang ako na lang mag-isa, ilang beses akong bumuntong-hininga. Hinahalukay ko na sa isip ko kung ano ang mga sasabihin ko kay Cornell.
Pipihitin ko pa lang door knob noon nang mabilis itong nagbukas. Iniluwa noon ang gulat na si Cornell.
Iba ang itsura ng asawa ko ngayon. In fact, he looks normal. Iyon bang katulad ng araw-araw kong nakikita. Hindi siya mukhang galit o may madilim na awra.
"Cornell–"
"Anong ginagawa mo rito, Felicity?"