Dalawampu't pito

1300 Words
Nang magmulat ako ng mga mata kinaumagahan ay totoong katabi ko si Darius. It was at that moment that my mind started to function. Simula sa akmang pagpapakamatay hanggang sa sarap na pinagsaluhan namin kagabi. It was almost unbelievable. Muli kong pinagmasdan ang lalaki. Napakahimbing pa rin ng tulog nito. He's like an angel. Hindi ko alam kung namamalikmata na naman ba ako, eh. Nagtagal ang sumunod kong pagtitig sa kisame ng kwartong iyon. Hindi ko mapigilang maisip si Cornell. Totoo kaya ang sinabi nito? Hindi niya na ba talaga ako kailangan? Is he really happy now with Zeina? I snapped out of my reverie when I heard loud knocks. Mabilis akong napabalikwas. Mayroong ibang tao sa bahay at kumakatok ito mismo sa pinto ng kwarto kung nasaan kami ngayon. "Tulog mantika talaga, oh! Darius!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sigaw na iyon. Pilit kong pinagkukuha ang damit ko para sana isuot kaya lang ay napatigil ako. Boses iyon ng babae. Boses ng babaeng may access sa bahay niya. Shit! Is that his wife? Lintek naman, mukhang magiging kabit pa ako. Mula na nga ako sa napakagulong buhay, dadagdagan ko pa ang problema. Nanginginig na ang mga kamay ko pero pinilit kong magmadali sa pagbibihis. Hindi ko na pinansin na baka baliktad ang damit o kung ano pa man. Hindi naman ako pupwedeng tumakas dahil mukhang nasa taas na palapag ang kwartong ito. Hindi ako pwedeng tumalon sa bintana at isang pinto lang talaga ang pwede kong daanan. "Fely, you wanted this. You should face this," pagkukumbinsi ko sa sarili ko kahit parang naka-speaker na ang t***k ng puso ko. Mahina at dahan-dahan kong ibinukas ang pinto at bumungad sa akin ang gulat na mukha ng isang babae. Dumapo ang palad nito sa bibig. Sa ayos ay makikita mo ang karangyaan. Hindi ko na siya nagawang tingnan ng tuwid. For that moment, I was scared. Natatakot ako sa pupwedeng mangyari. "I'm sorry," inunahan ko na ang iniisip kong sigaw niya. "Hindi ko alam. . . Hindi ko alam kaya hindi ko napigilan. I didn't mean to destroy any other relationship–" Napadarag ang babae pero nanatili akong nakayuko. Napakarami ko ng kasalanan at nadagdagan ko pa iyon ngayon. "What?" Napasigaw na ang kaharap kaya mas lalo akong napapikit. Is she gonna hurt me too? "I didn't mean it. Hindi ko talaga alam. Hindi ko naman ginustong. . ." Doon na ako ng taas ng tingin. Her eyes were fixed at mine na parang inaantay ang susunod kong sasabihin. "Ginustong?" "Agawin ang asawa mo." There, I said it! Wala na talaga akong ginawang matino. Napapikit ako roon, inaantay ang pagdantay ng mga palad niya sa pisngi ko o hindi naman kaya kamay niya sa buhok ko pero wala akong ibang natanggap kundi napakalakas sa tawa. "What?" Naguluhan na akong agad doon. Mabuti na lang ay mabilis na nagsalita si Darius na prenteng nakahiga pa rin sa kama sa likuran ko. "She's my sister, Fely." Halos pagsakluban ako ng langit at lupa nang marinig iyon sa lalaki. "Ah. . ." Stupid, Felicity. "I am starting to like you na!" Tumawang muli nang tumawa ang babae. Ngayon ko nga talaga napansin na magkamukha nga halos ang mga ito. Mabilis niya akong hinila paalis doon. Tumatawa-tawa pa rin ito pero mas kalmado na ngayon lalo pa't lumabas na rin si Darius sa kwarto at nakasuot na ito ng pantalon. "Dal, I told you to call me Kuya." Nagbangayan pa ang magkapatid pero lumibot na ang utak ko kung saan-saan. Ni hindi na ako naging aware sa kung ano pa man ang pinag-uusapan ng mga ito. Ano kaya ang ginagawa ni Cornell? Is he really happy? Nagtatrabaho pa kaya ito? I. . . miss him. Kahit gaano ko kagusto ang magalit ay hindi ko magawa. I feel something different. Hindi ko na alam ang totoo. It feels like I am really confuses about my husband. Ano ba talaga ang totoo nitong ugali? Alin ba sa mga ipinakita at trato niya sa akin ang totoo at ano ang peke? Did he really loved me? Ano ba talaga ako para sa lalaki? "– I'll court her first, Dal." Nagpakurap-kurap ako sa narinig. Hindi ko alam ang naunang sinabi nito pero sapat nang maghuramentado ang sistema ko roon. Her sister, Dal, let out a small squeak. "Kinilkilig na ako, sainyo!" Doon pa lang ako tuluyang nagpakita ng reaksyon. Umiling-iling ako habang kinakampay ang kamay. "You must be mistaken. Hindi naman ako–" Pinigil ni Darius ang mga kamay ko at ipinatong iyon sa mga hita niya. Hinarap ako nito gamit ang masusuyong mga mata. "Hindi ko pa siya natatanong, Dal, actually." As if it was a secret sign to her sister dahil nagmamadali itong umalis doon ay dumeretso sa isa pang kwarto roon. Nagpaalam ito na may kukunin but I really doubt it. Sa ganoong nasa isip, I immediately felt nervous. Ang totoo, hindi ko alam ang pupwedeng sabihin. Kung totoo man ang sinasabi ni Darius tungkol sa nararamdaman nito, hindi ko pa rin siya hahayaang pumasok sa buhay ko. Napakagulo pa noon at hindi ko hahayaang madamay ang lalaki. Napakabuti nito kaya ilalayo ko siya sa pahirap ng sariling buhay. "Fely. . ." Natigil siya sa pag-iling ko. Gusto ko na siyang unahan. Gusto kong hindi na niya ipagpatuloy ang lahat ngayon pa lang. "Darius, you don't need to. Hindi mo kailangang gawin 'yun. Kung iniisip mo man 'yung nangyari kagabi, you don't need to do that." Siya naman ang umiling sa sinabi ko sa pagkakataong ito. Tinitigan niya ako gamit ang malulungkot nang mga mata. "Felicity, sinabi ko na sa'yo. Even without that bed part, gusto kita. Malinaw 'yun." Gusto kong matawa sa narinig. In what way does the richest bachelor in the Philippines will end up liking me? "You don't deserve me. Darius, marami pa r'yang iba. Those girls, nagkakandarapa sila makakuha lang ng atensyon mo. Those are the girls you deserve." Kitang-kita ko na ang pagkislot ng mga mata niya. Maaaring naiinis na ito dahil kapansin-pansin na rin ang mga ugat sa bandang leeg ng lalaki. "Then, why? I don't deserve you? Why? Dahil may asawa ka? But your husband is treating you like a trash! Iyon ba ang deserve mo?" Parang may napakakapal na punyal ang tumusok sa may likuran ko. He's right. Yes, Cornell is treating me like a trash. And no, I don't deserve it. "May asawa ako. Pagbali-baliktarin man natin ang mundo, Darius, I have a husband. Malaki na ang problema ko sa asawa at ayokong madamay ka pa roon. Habang nasa ganitong sitwasyon pa lang tayo, I am telling you na. Napakarami pang ibang babae–" "But it is you that I want." "–na pwedeng-pwede mong makasama. Woman who can give you everything. Darius naman, hear me out. Kayang-kaya ka nilang pasayahin, they are free. . ." "Kung hindi ikaw, no." Awtomatikong napakagat ako sa labi. Ramdam na ramdam ko rin ang biglaang pag-init ng pisngi. "Darius. . . hindi mo naiintindihan." Talagang tyinaga kong magsalita agad para hindi nito mahalatang natigilan ako dahil sa sinabi niya. "Make me understand, then." Huminga ako nang malalim. Actually, I was scared to tell the truth. Natatakot akong baka pati siya ay talikuran at ayawin din ako. But he deserves to know. "Darius, hindi na ako mabubuntis." Bahagya bumalatay ang gulat sa mukha niya kaya hindi ito agad nakapagsalita. "Alam kong 'yan ang rason ni Cornell kung bakit siya umalis. Kung bakit naghanap siya ng iba." Matagal ako nitong tinitigan kaya wala naman akong ibang ginawa kundi timbangin ang ekspresyon nito. "Felicity. It is you that I want. f**k him for not giving what you deserve. f**k your husband for being so stupid! But this is different, Fely. I am not like your husband. I want you. . . with me. You and you alone."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD