"Ihahatid na kita sa inyo." aniya. I looked at him. Ngayong sinabi niya yan, narealize ko na wala akong matutuyan. Hindi ako tatanggapin ni mommy pag umuwi ako sa bahay. Ayoko pang makausap si daddy ngayon. Kung sa condo naman ni Ken... Idk. Okey lang naman siguro kay Ken kung doon muna ako tutuloy? "I-I'm fine. Thanks anyway." "Hindi ko hahayaang mawalan ka na naman ng malay sa daan. Sige na. Gabi na rin. Buntis ka. Baka ano pang mangyari sayo." I sighed. Mabait naman siya. Mukhang magpagkakatiwalaan. Baka matagal bago ako makasakay. Rush hour ngayon. "Ang laki na talaga ng utang ko sayo. Pangako, babayaran talaga kita." He chuckled. "I told you, hindi mo ako kailangang bayaran. Nagmamagandang loob lang ako." "Oo na po. Salamat po ulit." Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan n

