Isang malakas na tikhim ang bumungad sa akin paglabas ko ng kwarto ko. Nakita ko si Zach na nakatayo sa harap ng pinto niya habang tila hinihintay ako. "You left me." aniya. I sighed. "I'm sorry." Natahimik kaming dalawa at nagsukatan ng tingin. Parang pinipiga niya ako. Binabasa niya ang iniisip ko. Ano bang tingin niya? Na tinakasan ko siya? Kailangan ko lang talagang makabalik nun dito sa hotel. "Kumain ka na?" tanong niya pagkuway. Umiling ako. "Lalabas pa lang para kumain." He snapped. "Good. Sabay na tayo." Lumapit siya sa akin. Nilagay niya ang kamay ko sa braso niya habang ngiting ngiti siya. Napayuko ako. Damn it. Bakit ba ang gwapo niya kahit mukhang hindi pa siya naliligo? Sabay na kaming naglakad pababa. Panay ang dikit niya sa akin at mukhang wala siyang balak na bitiw

