Taas kilay kong tinititigan ang dalawang makisig na lalaki na nasa aking harapan. Kapwang seryoso ang mga ito at taimtim na nakatitig sa akin kaya naman ako ay napanguso. "Stop staring at me Kuya's!" singhal ko sa mga ito. "We can't help it Carol, mukha ka kasing prinsesa ngayon. Napakaganda mo," seryosong saad ni Kuya Fintan dahilan para mamula ang magkabilaang pisngi ko. "H-hindi naman Kuya," wika ko naman. "Anong hindi? Nakita mo ba ang sarili mo sa salamin kanina Wiatt Carol? Mas mukha ka pang maharlika kaysa sa nga tunay na maharlika samantalang kami ngayon ni Kuya Fintan ay mukhang palace guard lang. Matagal na naming alam na maganda ka, pero mas maganda ka pa pala talaga pagnaka-ayos na isang prinsesa," eksaheradang wika ni Kuya Charles dahilan para mas lalo akong mamula. "Kuy

