Chapter 4: First Meeting
Kinabukasan maagang naligo si Clarise upang makasabay sa kanyang ate papunta sa trabaho.
“Para po, baba kana Clarise yan ang building ng Del Rosario Prime Holdings Inc.” Saad ng ate nya
“Sige ate! maraming salamat ate. Ingat ka sa work mo, chat kita pagkatapos ko.”
Pagdating nya sa sakanyang pag a’applyan ay mahaba na ang pila.
Nagtanong muna sya sa information kung saan pwede magpasa ng resume.
“Good morning po! Magtanong lang po ako saan po ba dito pwede mag pasa ng resume?” tanong nya sa isang babe
Bago sya sagutin ng babae ay tinignan muna sya mula ulo hanggang paa. Kaya na conscious sa sarili sabay sabing
“May mali ba sa suot ko?” sabay tingin sa babae at Nakita nya itong umirap sakanya sabay tanong ng
“Are you sure dito ka mag a’apply?”
“yes po balita ko po kasi hiring daw po dito, saan po pwede mag pasa ng resume?” Tanong nya ulit sa babae
“Wala na tapos na ang hiring dito” sagot ng babae
Biglang sumingit ang isang poging lalaki sa usapan nila
“Hindi pa tapos ang hiring dito, nasa third floor sa may admin. Kung gusto mo sumabay kana sakin doon din ang punta ko” sagot ng lalaki
Tiningnan nya ang babae at inismiran lang sya nito, pero pagtingin sa lalaki Kala mo sinong mabait panay pa ang pacute.
"Pitikin ko nguso mo te" SA isip ni Clarise
Nagsmile sya ng bahagya sa lalaki at nagpasalamat
“Salamat hah kung hindi dahil sayo uuwi sana ako ng luhaan” saad nya sa lalaki
“Ano ba naman kasi yang suot mo pang manang panahon pa ata yan ng lolo at lola mo” sagot ng lalaki
Tiningnan nya ulit ang suot nya ok naman naka longsleeve sya na polo na medyo maluwag at slacks din na medyo maluwag mga bigay lang yun ng kanyang mama, pero ok naman nasusuot pa naman, isinuot nya rin Kasi ang kanyang reading glass.
“Okay naman ang suot ko depensa nya sa lalaki, bigay sakin to ng nanay ko pangpaswerte ko sa unang araw ng pag a’apply ko ng trabaho.” Sagot nya dito
Nagkibit balikat nalang ang lalaki at patuloy na naglakad, sinundan nya ito habang nasa elevator ay tinanong nya ito.
“Mag a’apply ka din ba dito?” tanong nya sa lalaki
Tumango lang ito sakanya, tinalikuran sya papunta sa may elevator, at humarap ulit, Sabay tanong ng
"Sasama ka ba or tutulala Ka na lang dyan?"
"Sasama ako, saglit Lang" patakbo ni Clarise na hinabol ang lalaki
“Pogi sana sungit naman” pabulong nyang saad
Pagdating nila sa may admin madami na ang nakapila. Baka abutan sya ng tanghali dito pipila na sana sya sa pinakadulo ng hilain sya ng lalaki papasok sa loob ng admin.
“Wait lang…. wait lang.. may pila sa labas bakit ka kaagad pumasok? Magagalit satin yung ibang applikante” natatarantang saad nya sa lalaki
Dahil sa lakas ng boses nya ay tumingin sa direksyon nila ang mga empleyado sa loob.
“Andito na po mga requirements ko” saad ng lalaki
“a…ahhy akin na po” saad ng babae sa admin
“Sya din po mag a’apply din daw po dito” saad ng lalaki
“Paiwan nalang po ng resume sa table” saad ng babae
Nagtataka man ay iniwan nalang din ni Clarise ang kanyang resume sa table. Habang naglalakad naisip nya paano kung hindi sya tawagan kasi hindi naman sya pumila, ang lalaking kasama nya ay requirements nalang ang sinubmit.
Pag labas nila ay ang sama Ng tingin Ng ibang aplikante sakanila, nahiya naman sya bigla Kasi nga walang kahirap hirap nakapasa agad sya ng kanyang resume.
“Teka nga kuya, babalik ako baka kakilala mo yung nasa admin at ayaw mo na may ibang mahire kaya kinausap mo sila na wag ipasa sa mag iinterview ang resume ko” saad nya na pabalik na sana sa may admin upang pumila nalang
“Aba grabe yang imagination mo miss, edi sana una pa lang hindi na kita tinulungan” saad nito
“Aba malay ko ba kung nagsasabi ka ng totoo?” sagot nya dito
“Sige may kondisyon ako sayo pag tinawagan ka for interview at nahire ka kalahati ng mga gagawin ko ikaw ang gagawa. Deal or no deal?” saad ng lalaki
“Pano nga pag hindi ako tinawagan dahil kakilala mo yung mga nasa admin?” sagot nya
“Just trust me, ok! Deal or no deal” saad ng lalaki
Dahil wala ng magawa si Clarise sinabi nalang nya na deal.
“Pero hindi kalahati ng gagawin mo, ang gagawin ko ¼ lang aba sinuswerte ka ata. Ano ka boss?” saad ni Clarise
Nagkibit ng balikat nalang ang lalaki at patuloy na naglakad papunta sa may elevator. Hinabol ito ni Clarise at may tinanong “Ano pala pangalan mo Mr.? “ tanong nya sa lalaki
“You don’t need to know, soon you will find out” pagkasabi non ay pumasok na sa elevator ang lalaki
“Pogi nga sana may topak naman. Nagtatanong lang Ng pangalan” sa isip ni Clarise
Bumaba na din si Clarise upang humanap pa ng ibang a'applyan. Nakailang kompanya din sya na sinubmittan ng kanyang resume, may iba na nainterview na sya ngunit sa kasamaang palad ay hindi naman na hire, yung iba tatawagan nalang daw sya.
Patawid na sya sa kalsada ng may biglang huminto na kotse sa harap nya.
“Hey manang saan ka pupunta? Hatid na kita.” Saad nung poging may topak
"Kanina sungit ngayon feeling close"
hindi nya pinansin ang lalaki dahil sa sobrang pagkainis dito, pogi sana may topak naman.
“hey manang! Bingi ka ba? tanong ng lalaki
“Hoy Mister hindi ako manang noh! May pangalan ako! Atsaka nakakaharang kana sa daanan pwede ba umalis ka dyan”. Saad nya sa lalaki
“Okay so what’s your name manang?” saad ng lalaki nang aasar
“Bakit ko naman sayo sasabihin aber? Sino ka ba? Kanina nagtatanong ako sayo hindi mo naman ako sinagot"sagot nya sa lalaki sabay talikod at lumakad ng mabilis.
Pupunta pa sya sa kanyang ate yun ang last na sasubmittan nya ng kanyang resume. Sana matanggap agada ko kung may bakante sakanila. Sa isip ni Clarise ang hirap pala maghanap ng trabaho akala ko mabilis lang.
Papasok na sya sa building ng makasalubong nya ang ate nya na nagmamadali
“Ate” tawag nya sakanyang ate subalit mabilis ang mga hakbang nito at tila hindi sya napansin SA kakamadali. Hahabulin nya sana ito ngunit nakapasok na ito sa isang office SA kabilang building.
Hindi na sya nakapasa ng resume sa pinagtatrabahohan Ng ate nya Kasi mag 5 na din Ng mga oras na Yun.
Maya-maya ay may kumalabit sakanya sa sobrang gulat ay napaliti sya.
“Ahy kalabaw” tili ni Clarise
Pagtingin nya ay Nakita nya yung may topak na lalaki, pinanglakihan nya ito ng mata
“Ano ba? Sinusundan mo ba ko? Bakit andito ka? Stalker ka no? Sunod sunod na tanong ni Clarise
Lalo syang naiinis sa lalaki sa isipin na sinusundan sya nito ano to stalker nya? Pano naman sya mag kakastalker?
Kaso pano sya magkakastalker sa itsura nya ngayon napagkmalan pa nga syang manang siguro nagkataon lang sa isip isip ni Clarise
“Ako mukhang stalker? Baka ikaw. Tingnan mo itsura ko sa itsura mo... ikaw ang mukhang stalker sabay tawa nito ng malakas. Ikaw ata ang sumusunod sakin, may pupuntahan lang ako dyan ohh” turo nito
“Aray ko naman ang sakit kala mo naman sinong pogi topakin naman” saad ni Clarise
“What ever” saad ng lalaki
Sabay lakad papasok sa loob. Aba abnormal yun ahh kinakausap ng maayos tatalikodan ka. Bastos! Bulong nya sa sarili
Mag 6pm na wala pa rin ang ate nya, naiinip na sya kakaantay sa may labas ng building, hindi nya din Nakita pang lumabas yung topakin. Ititext na sana nya ang ate nya na nasa labas pa din sya nag aantay, isisend nalang nya ng lumabas ang ate nya.
Kinawayan nya ang ate nya
"Ate"
Nagsmile ito sakanya,
"Kanina Ka pa ba dito nag aantay Clarise?"
"Dapat pumasok Ka nalang sa loob, nagmukha Kang rebolto Dyan" natatawang Sabi Ng ate nya
"Magandang rebolto" sagot nya sa ate nya
"Haha" tawa ng ate nya
"Nako Clarise kahit kailan talaga puro Ka kalokohan"
Nagtatawanan silang dalawa ng makita ni Clarise na lalabas ang lalaking kinaiinisan nya sa building Kung saan lumabas din ang kanyang ate, nagbago ang expression nya ng makita nya ito, may kasama ito na pogi din na sa tingin nya ay nasa 30’s na ang edad. Napatingin din ang ate nya sa tinitingnan nya.
"kilala mo ba yan ate yung nakapolo na blue?"
Hindi pa man nito nasasagot ang tanong nya hinila agad sya ng ate nya papalayo sana kaso biglang may tumawag dito.
“Celestine!” Tawag nung isang lalaki sakanyang ate. Pumunta doon ang kanyang ate at may sinabi ito sa ate nya. Tumango lang ang ate nya at mukhang napakaseryoso ng sinabi nito sakanyang ate.
Habang kausap naman ng ate ko ang lalaking kasama ng kinaiinisan nya ay lumapit kay Clarise ang topakin,
“ano manang nag antay ka dito sa labas ng matagal? Pwede ka naman sa loob mag antay sa may lobby, manang ka talaga” saad nito na humalakhak pa
"Hoy Mr. wala kang pakialam, trip ko mag antay sa labas! Gets mo?" Palusot ni Clarise
Lumapit samin sila ate kasama ang lalaki mukhang Ito ang boss nya.
"Clarise mauna ka muna may meeting kami ni Sir. Kita nalang tayo sa bahay mamaya" saad nito
"Sige po ate, ingat Ka SA pag uwi mo mamaya"
Paalis na ako Ng tawagin ako Ng topakin na lalaki
"Clarise" tawag sakin Ng topakin pero Hindi ko naman sya pinakinggan dumeretso na ako pababa Ng building binilisan ko ang paglalakad para Hindi na naabutan ng topakin na Yun