Chapter2SeeYou Manila

1202 Words
Chapter 2: See you Manila Hinatid na nga si Clarise ng nanay nya sa sakayan ng bus, at hind nga sya nagkamali umiyak ang nanay nya nung papasakay pa lamang sya sa bus ayaw nya man sana itong iwan ngunit kailangan Nyang magsumikap para din naman sakanila oras na makahanap sya ng Magandang kompanyang papasokan pag iigihan nya ang trabaho para lang kahit papano ay makatulong na sya sa kanyang nanay at ate na nagtaguyod ng kanyang pag aaral. Ang ate nya ay hindi na nakapagtapos ng pag aaral para tulungan nito ang nanay nya sa mga gastusin nila sa bahay at sa pagpapa aral sakanya. “Nay wag na po kayo umiyak, lagi nalang po ako dadalaw dito o kaya dalaw nalang po kayo samin ni ate sa Manila” saad nya sakanyang inay “Mamimiss kasi kita anak, wala nang mangungulit sakin” sagot nito “Haha nako nay talagang yung pagkamakulit ko ang mamimiss mo o ang kagandahan ko?” natatawa nyang sagot sa nanay nya “ikaw na bata ka kahit kailan talaga manang mana ka sa tatay mo” saad nito na nakatawa na Namana nya ang pagka palabiro sa kanyang tatay, kaya naman siguradong mamiss miss nga sya ng kanyang Inay. Maya-maya lang ay nagtawag na ang konduktor ng bus na papaalis na daw ang sasakyan nya kaya nagpaalam na sya sa kanyang inay. “sige po nay mag iingat ka po lagi, I love you nanay mwuahh” paalam nya sa kanyang inay “Ingat din anak, wag mo papabayaan sarili mo hah sabihan mo din ang ate mo ingat kayo lagi. Mahal na mahal ko kayong dalawang magkapatid” sambit nito na muling maiiyak na naman Niyakap nya ng mahigpit ang nanay nya at kiniss sa pisngi nito at nag paalam na dito. “Ingat din po kayo nay” sambit nya Mga bandang 10:30 nagtext ang ate nya sakanya “Asan kana Clarise?” tanong ng ate nya “Malapit na ate, pinayagan ka ba ate ng boss mo na mag day off muna?” Tanong nya sa ate nya “Hindi nga ehh, kaya ikaw mag iingat ka hah magtanong ka lang sa guard or mga pulis” saad nito “Ate sigurado ka hindi ako mawawala dyan?” tanong nya na medyo kinakabahan First time nya sa Maynila sobra ang pagkakaiba nito sa probinsya nila ang dami ng mga building na nag tataasan, madaming sasakyan, hindi nya man pinakita sa nanay nya na kinakabahan sya para hindi ito mag alala sakanya sya ay maiihi na ata sa kaba nalaman nya pa na hindi pala sya masusundo ng ate nya. “Hindi ka mawawala basta maganda ka. Haha” reply ng kanyang ate “Ate naman kinakabahan nan ga ako nang aasar ka pa” sagot nya sa ate nya “Wag ka kabahan matuto ka din nyan, hindi ka mawawala dito basta marunong ka magtanong.” Sambit nito “ahy kung pagtatanong expert ako dyan ate” sagot nya “ohh yun naman pala, sige ingat na tawag na ako ng boss ko, wag mo walain yung address ko aa,” Sagot ng ate nya “Sigeh po, ahy ate pano pala ako makakapasok sa bahay mo?” tanong nya sa kapatid nya “Pagpasok mo sa building may makikita mo yung unang pinto katokin mo lang sabihin mo kapatid kita, alam na nya at nahabilin ko na din.” Sagot ng ate nya “Okay po ate” sagot nya na medyo may kaba Pagtingin nya sa relo ay alas dyes na ng umaga, habang papalapit ng papalapit ang sinasakyan nya na bus ay palakas ng palakas ang kaba ng dibdib nya. Unang apak nya sa Maynila sana hindi sya mawala. Uminom muna sya ng tubig pampatanggal ng bara ng lalamunan at ng kaba. Nakarating sya sa Manila ng bandang alas onse ng umaga, pagkababa nya ay kinuha agad nya ang papel kung saan nakasulat ang complete address ng ate nya. Lalapit na sya sa may security para magtanong kung saan sya sasakay at bababa ng may nangalabit sakanya. Paglingon nya. “ohh ate akala ko may work ka?” tanong nya sa ate nya “Pinayagan ako mag day off ako para sunduin ka, baka mawala ka pa dito. hahah” sambit nito at malakas na tumawa “kala mo sakin bata? Hindi ako mawawala dito sa ganda kong to madami tutulong sakin. hahaha” sagot nya sabay malakas na tawa “Kapal talaga ng mukha mo no? nag bubuhat lagi ng sariling bangko?” tatawa tawang sagot ng ate nya “Totoo naman Maganda ako” ayaw patalo na sagot nya “Okay! Ohh di Maganda kana, tara na at mapagkamalan pa tayong mga baliw dito ng mga tao lakas mo tumawa” pahabol ng ate nya. Umakbay sya sa ate nya, mas matangkad sya sa ate nya 5”5 ang height nya ang ate naman nya ay 5”2 lamang. Mag 28 years old na ang ate nya next month sya naman ay kaka 22 lang. “Nako naglambing na naman ang bunso, tara kain muna tayo at alam ko gutom kana” sambit ng ate nya “Ay buti naman at napansin mo te, nagrarambol na ang mga bulate ko dito, sabay himas ng tyan” sagot nya “Hahaha ikaw talaga wala kang pagbabago, nagugutom na din ako hindi kasi ako nakapag almusal kakamadali dito at baka abutan ako ng traffic.”sambit ng ate nya “Lagi bang traffic dito ate?” tanong nya sa ate nya “oo lalo na kapag rush hour, minsan kailangan mo maki pag unahan dahil kung hindi pwede ka malate sa trabaho” Sagot ng ate nya Kumain sila sa malapit na karinderya, ng ate nya at pagkatapos ay umuwi na sila sa apartment ng ate nya. Nakakahilo nga hindi ko pa makuha kung saan kami dumadaan dami ng mga nilikoan namin sobrang dami din ng bahay na magkakadikit at iba ang amoy dito sa manila kaysa don saaming probinsya. “Ate musta naman ang buhay dito sa Maynila?” tanong nya sakanyang ate “Noong unang mga buwan ko dito sa maynila sobrang hirap, wala akong kakilala at madalas maloko din ako ng mga taong manloloko, pero sa katagalan ko dito alam ko na rin ang kalakaran dito sa maynila. Kung hindi ka madiskarte walang mangyayari sayo dito” Mhabang paliwanag ng ate nya “Buti natiis mo ang mga unang buwan mo kahit nahihirapan kana?” tanong ulit ni Clarise “Oo kasi gausto ko na din matulungan si inay ng mga panahon nay un dahil nakikita ko na nahihirapan na din sya itaguyod tayong dalawa.” Sagot ng ate nya “Salamat ate sa sakripisyo mo saamin ni nanay, lalo na saakin” sambit ni Clarise “Ate alam na po ba ng landlady nyo na dito na ako titira sayo?, Nadagdagan po ba yung renta sa bahay?” tanong ni Clarise sa kanyang ate “Nakapag paalam na ako saaming landlady, ok naman dawn a dito ka tumira wala naman mababago sa renta kasi minimum of two naman daw talaga ang bahay na to kaya okay lang.” Sambit ng kanyang ate
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD