Chapter3With AteCelestine

1056 Words
Chapter 3: With Ate Celestine Agad na humiga si Clarise sa kama ng kapatid nya pagkadating sa kwarto nila. Ito ay maliit lamang na kwarto yung magkakasya lang silang dalawa at mga gamit nila, mayroon na din itong maliit na lutuan at may banyo na din naman. Saktong sakto ang laki para sakanilang dalawa. “Hay salamat at makakahiga ako dito sa yayamanin at malambot na kama ng aking ate” nang aasar nyang sambit “Anong yayamanin tag 500 lang yan aa secondhand pa” sagot ng ate nya “Ows? Talaga ba ate parang bago pa to ahh, bigay ata to ng boyfriend mo” Nang aasar na sambit ni Clarise “Wag mo nga ako pinag aasar Clarise at baka sa tanda mo na yan ay mapalo pa kita ng tambo” natatawang sambit ng ate nya “Di nga ate? Secondhand ba talaga to?” makulit na tanong ni Clarise “Hay nako ikaw talaga bakit ba ayaw mo maniwala? Magpahinga kana at bukas mag hahanap ka pa ng trabaho mo. Mayroon kana bang resume na printed?” “Wala pa, magpapaprint pa lang, mayron ba dito mapagpapaprintan na malapit na paprintan?” tanong nya sa ate nya. “Oo mayron dyan lang sa may kanto, Samahan nalang kita madami na ipaprint mo para madami kang copy” saad ng ate nya “Sige ate, tara na paprint muna tayo” sambit ni Clarise “Saglit lang mamaya ng hapon ang init pa sa labas pahinga ka muna, ako na mag aayos ng mga gamit mo sa damitan.” Sambit ng ate nya “Okay lang ate ako na ang mag aayos nyan mamaya tulog muna ako kasi nagising ako ng sobrang aga kanina para magprepare ng mga damit ko.” Sambit nya sakanyang kapatid “Ay ate natawagan mo na ba si inay na nakarating na ako? Nakalimutan ko kasi sabihin sakanya.” Muling sambit ni Clarise “Hindi ko pa natawagan si inay, ikaw na ang tumawag miss kana non” sagot ng ate nya “Okay po. Nagtatanong pala si nanay kung kumusta kana? Magboyfriend kana daw at miss na nya mag alaga ng bata.” Natatawang sambit ni Clarise “Nako po, wala pa sa isip ko ang pagboboyfriend dami pa ako pangarap sa buhay tsaka bata pa ako no… 28 pa lang ako.” Sagot ng ate nya “tumatanda kana daw te sabi ni mama” tatawa tawang sagot ni Clarise “Tigilan mo ko dyan, tawagan mo nalang si inay” Naasar na sagot ng kanyang ate “hahahah” tawang tawa nalang si Clarise sakanyang kapatid Habang nagda’dial sya sa cellphone nya ay sinabihan nya ang ate nya “sasabihin ko kay inay may boyfriend kana para pumumnta dito.” Natatawang sambit ni Clarise “Pag talaga yan sinabi mo kay inay patay ka saakin”. Sagot ng ate nya “Hello Nay! Musta po? Namiss nyo na po ba ang pinakamaganda at pinakamamahal nyong anak?” tanong ni Clarise sa kanyang inay “Nako parehas naman kayo ng ate mo Maganda at mapagmahal ikaw lang ang sadyang binubuhat ang sariling bangko.: sagot ng nanay nya “kumusta pala byahe mo nak? Kumusta kayo ng ate mo dyan? Kumain na ba kayo?” sunod sunod na tanong ng nanay nya “okay naman po nay ang byahe ko. Tapos na din po kaming kumain. Si ate daw po ay may boyfriend na”. sagot nya na tatawa tawa Sabay bato ng ate nya sakanya ng hawak nitong unan “Nako nay wag kayo naninniwala kay Clarise scam po yan.” Sigaw ng kanyang kapatid na matalim ng nakatingin sakanya “Kayong dalawa hah wag kayo dyan nag aaway.” Sambit ng nanay nya “Si ate po nay lagging pikon sakin” tatawa tawang sagot ni Clarice “Pano mahilig ka mamikon” sagot din ng kapatid nya “ohh tumigil na kayo. Sigeh na at may ginagawa pa ako mamaya nalang kayo tumawag” sambit ng nanay nila “Sige po na I love you “sabay na sambit ng dalawa Pagkatapos nilang makapag pahinga ay papunta na sila sa may computer shop para magpaprint. Habang naglalakad papunta sa may computer shop ay nagtanong si Clarice sakanyang ate “Ate saan po ba ko pwedeng mag apply dito sa manila? Ano ba Magandang mga kompanya dito?” tanong nya sakanyang ate “Sa Del Rosario Prime Holdings Inc isa yun sa pinakamalaking company dito sa Pilipinas ang may ari non isang kilalang business tycoon sa loob at labas ng bansa. Ang alam ko hiring sila try mo mag apply doon bukas.” Sagot ng ate nya “Sige ate, malapit lang ba yun sa work mo?” tanong ni Clarise “Medyo malayo na, pero madadaanan ko kaya sumabay kana sakin bukas.” Sagot ng ate nya “Okay salamat ate” sagot nya sakanyang ate Pagkatapos magpaprint ay dumaan sila sa palengke para bumili ng panghapunan “Ate an oba mga tanong pag nag aapply ng trabaho?” tanong ni Clarise sakanyang ate “Mabilis lang naman yun yung mga all about yourself, ano maitutulong mo sa company basta diskartehan mo nalang iba iba kasi minsan ang pag iinterviewnaka depende sa applyan mong position.” Sagot ng ate nya “Ikaw ate ano work mo? Tagal mo na nagtatrabaho hindi ko pa alam kung ano work mo.” Saad ni Clarise “Isa akong secretary ng hindi pa masyado nakikilalang kompanya” sagot ng ate nya “wow ate secretary ka pala, bakit hindi mo naman sinasabi saamin yan ni nanay” saad ni Clarise “Hindi naman kayo nagtatanong” natatawang saad ni Clarise “Malaki sahod ate?” Tanong agad ni clarise “Hindi naman ganun katas sahod ko kasi maliit pa lang na kompanya yun, buti nga natanggap ako don kahit hindi ako tapos ng College, kahit dalawang taon lang natapos ko natanggap ako.” Saad ng ate nya “baka type ka ng boss mo ate” sambit ni Clarise “ayan na naman bumanat na naman ang magaling kong kapatid, may girlfriend yun noh model at sobrang ganda” sagot ng ate nya “ohh Maganda ka naman din ate ahh sexy din, bawasan lang ng kaunti ang rice.” Halakhak na sambit ni Clarise
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD