Chapter 1: Clarise
Kakatapos lang ni Clarise ng pag aaral sa kursong Business Management sa isang pampublikong paaralan sa kanilang lugar pero makikipagsapalaran sya sa Maynila upang matupad ang pangarap nya na makapagtrabaho sa malaking kompanya at maiahon ang pamilya sa kahirapan. Nag iisa nalang ang nanay nya na tumaguyod sakanila ng kanyang ate simula ng mamatay ang kanyang itay
“Clarise! Anak okay na ba lahat ng dadalhin mo? Wala kanang nakalimutan? Yung mga requirements mo kompleto na ba lahat?” tanong ng kanyang inay habang sya ay nag aayos na ng gamit na dadalhin sa Manila
“Nako nay parang may iiyak mamaya” sagot ni Clarise sa kanyang inay at humalakhak ng malakas. “Malapit lang naman po ang Maynila dito sa Aurora Quezon halos 3 hours lang byahe, pag namiss nyo po kami pwede naman po kayo pumunta sa Maynila don po muna kayo kasama namin ni ate o kaya po don nalang din kayo tumira kasama naming.” sagot nya sa kanyang inay.
“Nako Clarise alam mo naman na hindi ko maiiwan ang bahay na ito, ito nalang ang natitirang ala-ala ng tatay mo mo naiwan saakin“. Sagot nito na naluluha na.
“Hindi naman po pwede naman po tayo umuwi dito every month”. Sagot nya
“Walang mag aasikaso ng bahay pag sumama ako sayo, lalo lang tong masisira kung walang mag lilinis araw-araw.” Sagot nito
Dahil na rin sa tagal kasi ng panahon sa kalumaan ng aming bahay ay anomang oras ay pwede na itong masira, buti nalang sa dami ng bagyong dumaan, nanatili pa rin itong nakatayo may mga tulo na din ang bubong nito, kahit papaano ay hindi naman ito nasisira ng tuluyan.
“Tatawag nalang po ako Nay sayo gabi-gabi para naman po di kayo masyado malungkot at hindi nyo mamiss ang anak nyong Maganda” sambit ni Clarise habang nakabungisngis
“Nakong bata ka manang mana ka sa tatay mo” sambit ng kanyang inay
“Nako nay miss mo na naman si tatay” sagot naman ni Clarise
Mahal na mahal talaga ng kanyang nanay ang tatay nya, napaka maasikaso naman kasi ng tatay nya sa nanay nya halos ayaw napapagod ng tatay ko ang nanay ko nung buhay p ito, sobra rin itong palabiro at mapagmahal na asawa at tatay kaya naman sobrang nahirapan ang nanay ng mamatay ang tatay halos araw-araw umiiyak ang nanay ko buti nalang makalipas ang ilang linggo kahit papano ay nabawasan ang pag kaulila nya sa tatay ko. Kaming tatlo nalang nila ate at nanay ngayon ang magkakasama sa buhay.
“Hayaan mo Nay pag ako nakahanap ng trabaho at Malaki ang sahod ko papaayos po natin tong bahay ni tatay, papagandahi natin to. At dito ko papatirahin mga apo nyo sakin.” Tawa nya ng malakas
“Ikaw na bata ka wala ka pa nga trabaho kung anoa no na naiisip mo, anak agad? Nako sa panahon ngayon dapat mag ipon muna bago mag anak, at dapat ang ate mo muna ang mag asawa dahil matanda na din sya. May boyfriend na ba yung ate mo ngayon? Tanong ng kanyang nanay sakanya
“Nay bakit ako ang tinanong nyo dyan? Tawagan natin si ate” akmang magdadial kunwari sya
“Nakong bata ka nag aalala lang naman ako sa ate mo, dapat iniisip na din nya ang sarili nya, total naka graduate ka na” sambit nito
“Hayaan nyo nay at sasabihan ko si ate pag dating ko doon sa Manila, sasabihan ko gusto mo na ng apo at ikaw ay namimiss ng mag alaga ng bata” tawang tawa na sagot nya sa nanay nya.
“Ikaw na bata ka puro kalokohan ang alam mo, paano ka makakahanap ng trabaho kung puro kalokohan ang nasa isip mo? Saad ng nanay nya
“Kasi po Nay hayaan natin si ate kung may boyfriend man sya papakilala nalang nya yun satin, ngayon po hayaan natin si ate sa mga desisyon nya rin sa buhay.” Sagot nya sa kanyang nanay
“Sigeh basta ikaw hah huwag puro kalokohan ang isasagot mo nako talagang bata ka ohh” Saad ng nanay nya
Mga 6:30 ng umaga ay natapos na sya sa pag aayos ng kanyang gamit naligo na din sya para pagkatapos ay kakain nalang din sya sakto nakaluto na din ang nanay nya para sa agahan nila
7:30 na ng umaga paalis na din sila papunta sa terminal ng bus.
“Mag iingat kayo lagi doon anak hah? Alam mo naman ang maynila dami mga manloloko don huwag agad magtitiwala sa mga taong bagong kakilala mo pa lang” sambit ng nanay nya
“Ano ba yan nay walang katapusang paalala, nako sa ganda kong to walang manloloko saakin hehe… joke lang po, opo nay lagi ko po susundin paalala nyo. Sagot nya
“yung bunganga mo ayusin mo at baka sa mga kalokohan mo Nakong bata ka mapahamak ka hah? Wag mo kakalimutan lgi ang bilin ko sayo” muling paalala ng nanay nya
“opo nay” sagot nya
Habang nasa tricycle ay nagtext ang ate nya.
“Clarise anong oras alis mo dyan satin? “ tanong nito
“alas otso ng umaga te. Susunduin mo ba ako sa terminal ng bus?” Tanong nya sa ate nya
“May pasok ako baka hindi kita masundo, pero nagtext na ako sa supervisor ko kung pwede mag excuse muna ako at susunduin kita, baka hindi mo mahanap ang tinitirhan ko. Sambit ng ate nya
“Nako te wag ka mag alala sa kapatid mo yakang yaka ko yan, ako pa. hehe” Sagot nya sa text ng kapatid nya
“Alam ko naman na ang address mo” muling pahabol nya sa kanyang text.
“Nako kahit may address ka mahirap mahanap ang lugar kung nasaan ako ngayon nakatira, baka mawala ka, sigeh na ingat sa byahe.” Sambit ng ate nya
“Sige po ate, Salamat po” sagot nya
“Ano sabi ng ate mo?” tanong ni nanay
“Nagpaalam daw po sya sa trabaho nya na mag day off sya para masundo ako sa terminal ng bus at mahirap daw po mahanap ang tinitirahan nya baka daw po mawala ang pinakamaganda nyang kapatid.” Sagot nya sa nanay nya
“ahy kung ganun dapat nga sunduin ka ng ate mo nako nakakatakot pa naman sa maynila pag nawala ka, sobrang laki ng manila.” Sambit ng kanyang nanay