It’s already past midnight pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Amarah. Kanina pa siya pabaling-baling sa higaan niya at naka-ilang palit na rin siya ng bed sheet na iniutos niya pa sa mga kasambahay nila sa bahay ng mga magulang pero hindi talaga siya makatulog. She even asked for a few glasses of milk pero tila hindi iyon tumatalab sa kanya sa mga oras na iyon. She somehow felt lonely and cold at isa lang ang ibig sabihin niyon. She misses her husband. Huminga siya ng malalim at mariin na pinikit. Isinubsob niya ang mukha sa malambot na unan at pinilit na matulog ngunit makalipas lamang ang ilang minuto ay muli siyang napadilat kasunod ng pagbuntong hininga. Maingat siya na bumangon sa kama at kinuha ang cellphone niya mula sa bedside table. She opened her messaging app

