Ilang buwan na ang nakalipas simula nang mangyari ang mga trahedya sa buhay nina Amarah at RJ. Pinilit nila na magpatuloy sa buhay kahit na mahirap, lalo na para kay Amarah. “It’s not your fault,” dinig na wika ni Mira kay Amarah, isang gabi nang mapadaan sila sa tulay kung saan winakasan ni Luna at Xavier ang buhay nila. Amarah and Amirah are on their way sa hospital para sa monthly checkup ng huli. Kabuwanan na ni Amarah kaya doble na ang pag-iingat niya, ilang linggo na lang din ang hihintayin ay makikita na niya ang anak nila ni RJ. “Pero hindi ko pa rin maiwasan na ma-guilty,” sagot naman ni Amarah sa kapatid kasunod ang pamumuo ng luha sa mga mata nito. Huminga siya ng malalim at hinarap ang kapatid na kasalukuyang nagda-drive. “Ikaw ba ang tumulak sa kanila? Ikaw

