CHAPTER 18

2009 Words
Hindi sya nakinig at pilit akung hinila paharap sa kanya. Yumuko ako at pumikit para itago ang mukha. I felt his hand caring my face while looking down at me. "Look at me.. " paos nyang bulong. He hold my face like I'm a thin cristal glass who needs to take care every second. "It doesn't matter if you'rE weak Gabrienna.. W-Wag ka lang aalis sa tabi ko ayos na... I can fight for us. Wag na wag mo lang ulit akung iiwan." Garagal nyang sabi. Nanginig ang labi ko at napapasinghap na hinawakan ang kamay nya sa mukha ko. I can't help but to open my eyes and staring his beautiful yet red eyes. "B-But it's not fair Theo.." Bulong ko. "Why is it not fair? Kung hindi mo kaya ako ang gagawa! If your afraid then I can be your strength! Just don't let me do the things that I can't in the past for the both of us! We love each other and I will fight for you until the end!" Gigil nyang saad at dumausdos ang kamay nya papunta sa mga braso ko. Umiling ako. "I-I can't.." Tanggi ko at kinuha ang mga braso ko bago umatras palayo sa kanya. Ang palubong ng araw ang nagsisilbing ilaw sa amin at ang pag ihip ng malakas na hangin ay nagbibigay ng ibahing lungkot at pighati sa aming dalawa. Ramdam ko ang pagtigil nya at pagtahip ng dibdib. He sigh heavily. Napapasinghap na tiningnan ko ang paglubog ng araw. Ang pagtulo ng luha ko ay kumikislap sa sikat nito. "I can't Theodore.. Feeling ko ang sama-sama natin kung susuwayin natin sila. " pigil kung emosyon na saad. At staka, hindi na tayo pwedeng dalawa.  Inakap ko ang katawan ko sa pag-ihip ng hangin. "P-Paano naman tayo?" Basag nyang boses. Paano ba? May tayo pa rin ba, Theo? Mas lalo kung inakap ang katawan ko at di masagot ang tanong nya. Huminga ako ng malalim sa mahabang katahimikan. "Let... Let's Take this slow.." Basag ko. Marahan akung humarap sa kanya at nakita ko ang malamlam nyang titig sa akin.. Ngumiti ako ng pilit and I will teach you everything to make this right for you. To find me letting go and I will teach myself not to love you more this near. "We never have a label Theo, and I always thought about you being a bestfriend and a man_' "Then I will gave you that label_" "But you have to understand that it isn't easy for the both of us because our parents against us " Sansala ko sa kanya. How can I do this too him?  Umiwas sya ng tingin at napasuklay na lang sa buhok nyang nalalaglag na sa ponytail nya. "So... I've decided." Huminga ako ng malalim at tinuyo ang natitirang luha. "Let's make it up.. Let's do our best so they can accept us Theo. Let's prove to them that we can do everything, chasing our dreams and we can be successful even though were together. I can hold your hands while prove to them and to the world that were meant_" Napatigil na lang ako sa pagsasalita at nabigla sa biglaan nyang pagyapos sa akin ng husto. "I-I can.. I can do that. I will do that.. Let's be together! I promise I will do everything just to be perfect with you." napapasinghap at malakas nyang saad. Nanginginig ang katawan nya at halatang gumaan ang pakiramdam. I heard him laugh a bit nervously. Napangiti na lang akung napapaiyak habang sinuklian ang yakap nya. Napatili ako ng bigla nya kung pinangko at pinaikot. Rinig ang buong tawa nya sa paligid kaya natawa na rin akung yumapos sa kanya. Kahit may luha sa mga mata namin ay ramdam ko ang sayang bumalik sa mga mata nya. When everything is right I want you to realize that I really love you even I let go your hands. "Such a tired day.." Napakurap ako ng biglang tumabi sa akin si Dino. My co-doctor. Napapakurap na ngumiti lang ako sa kanya at tumingin ulit sa tanawin na nasa harap namin.  More than a month ago ang nakalipas ng hinatid nila ko sa burol na yun. Nakaligtas ang bata at ang nanay nito habang naging mabuti ang kalagayan ng isang batang dinapuan ng lagnat. I heard him sigh. "Nakapag impake ka na ba Dok? mamaya na tayo aalis.." Marahan nyang saad. Tumango lang ako. Walang masabi sa kanya.. "This past few weeks nahahalata kung malalim lagi ang iniisip mo. Care to share your thoughts.. Nababahala na sila Ren sayo." Doc. Dino is 5 years older than me at sya ang head ng mession na to. His very respectful and kind. Minsan na rin syang nagpalipad ng pagkagusto sa akin ngunit parang wala lang sa akin siguro kasi may hinahanap akung di makita sa kanya. Umiling ako at ngumiti ng pilit. "Wala Dok.. Tara na. Magliligpit pa tayo." Buntong hininga kung saad sa pilit na boses bago sya tinalikuran at naglakad sa mga kabahayan. Ramdam ko ang tingin nya ngunit walang sinabing sumunod sa akin. Ngayon ang alis namin sa Sitio Puting Bato. Habang paalis kami ay madaming umakap sa aking mga bata at matatanda. Kita ko sa kanila ang lungkot at pamamaalam, hindi ko mapigilang maging emosyonal at yakapin silang lahat. Habang pababa kami ng bundok ay nagtatawanan na lang kami dahil sa mga alaalang nabuo sa sitio na yun. May mga dala pa kaming mga gulay at prutas na padala nila para sa amin. Ng nasa paanan na kami ng bundok ay humiwalay na kami ni Ren sa kanila. Didiritso na sila pa manila dahil dun sila nakatira. Gabi na rin ng makauwi ako. Pagod na pagod ako, mentally and emotionally. I need to rest. Didiritso na sana ako sa kwarto pagpasok ng bahay ng matigilan ako pagkakita ko kay Lola na nasa sala. Pulang pula lang naman sya mula ulo hanggang paa. Kahit labi nya pula. Ok lang naman sanang nag aayos sya, at ang ganda ng dress nya pero kalagitnaan na ng gabi at ang OA ng get up nya. Ganyan ba sya matulog? Hindi ako na inform. "Ohh andyan ka na pala.. Kumain ka na ba?" Napapakurap na binaba ko ang backpack ko at namamangha sa kanya. Lumabas si Amy at ngumiti agad sa akin. "Aba La.. Naging si Marian Rivera ka ata.. Marimar ikaw ba yan?" Natatawa kung saad habang humahakbang palapit sa kanya. Lihim na napahagikhik si Amy. Naapasimangot si Lola at tiningnan ako ng masama. Napapahagikhik na inakap ko sya sa bewang at humalik sa pisngi nya. "Aba.. Ang bango bango namana.. Amoy alkampor." Tudyo ko. Mabilis nya kung sinapok sa ulo. "Ikaw talagang bata ka.. Kumain ka na lang dun at magbihis." Utos nya habang tinataboy ako. "Oo nga anak.. Hihintayin ka na namin.." Anya ni Tiyo habang palabas ng kwarto nya. Napapakurap na tumingin ako sa  kanilang dalawa na pusturang pustura ang dating. Nakacoat lang naman si Tiyo at ang tikas ng dating. Makintab pa ang sapatos na suot nya na halatang bago.. "Wait.. Where are you going?" Takang tanong ko na nagpalipat lipat ang tingin sa kanila. "May a-attendan tayong Party.. So you better prepare yourself dahil mamaya lang ay andito na yung sundo natin." Saad ni Lola at tiningnan pa ang mapula nyang labi sa salamin. Ngumiti lang si Tiyo sa akin.. "Wait what? Tayo?... Lola I'm tired. Kayo na lang!" Naiinis kung sabi at aalis na sana ng kinila agad ako ni lola at tiningnan ng masama. "Kung hindi ka sasama ay magbalot balot ka na Gabrienna. Hindi kita pinalaking ganyan ang ugali mo." Tiim bagang nyang saad. Napapakunok na bumagsak ang balikat ko. Padabog na kinuha ko ang backpack ko at nakasimangot na iniwan sila. Tinawag pa ko ni Lola pero di ako nakinig. Pagpasok ko pa lang sa kwarto ko ay bumungad na agad ang isang long fitted gown na pink nude sya at simple ang cut. Habang may mahaba syang slit sa skirt sa right side. Napairap na lang ako at pumunta sa banyo para maglinis ng katawan. Buti na lang at dinalhan ako ng makakain ni Amy bago pa ko nakapagbihis. Kumain muna ko bago ko minadali ang pag aayos. Binaba ko na lang ang buhok ko dahil wala naman na kung magagawa dyan. Sa mukha na lang ako nagfocus. Ng susuutin ko na ang gown ay nabigla ako ng backless ang likod nito and shows too much skin. May cord lang na pa X sa likod. Napapikit na lang ako sa inis. Sino ba ang pumili nito? Huminga na lang ako ng malalim at sinuot na lang na hindi tumitingin sa salamin. Dala ang pouch na may lamang pera at cellphone ay walang kangiti ngiting lumabas ako ng kwarto. Napangiti agad sila Tiyo at Lola ng makita ako. Napirap na lang ako sa hangin. "Your so Beautiful Anak.." Natutuwang saad ni Tiyo.. Napangiti na lang ako. "You too Tiyo.. Ang gwapo mo." ngiti kung saad.. Natawa lang sya. Nauna silang bumaba kaya tamad na sumunod ako. Nakita ko ang isang magarang BMW na puti na nakaparada sa harap ng bahay namin habang pababa kami. Pinagbuksan agad ni Tiyo si Lola at pinapasok sa loob. Napapakunot noong huminto ako sa harap nya. "Bumili ka ng sasakyan Tiyo?" Taka kung tanong habang tinataas ang skirt ko para pumasok. Ngumiti lang sya sa akin at iginaya ako papasok. Nalilito man ay pumasok ako sa loob at inayos ang laylayan ng gown ko.. Tsaka lang ako nag angat ng tingin ng sumara ang pinto. Nanlaki ang mata ko at napaawang ang labi ng makita ang familiar na mukha ng nakangiti sa aking lalaki. "Kumusta ka na Isang? Sobrang ganda muna lalo ahh." Nag init ang mga mata ko at hindi mapigilang mapangiti ng tudo.. "Mang Ben! Oh my gosh!" nabibigla kung saad at inabot ang kamay sa kanya. Mabilis nya tong hinawakan at magiliw akung tinitigan. "Kumusta ho kayo? Ang tagal na rin ho tayong di nagkita!" Sabik kung tanong. Natawa sya. "Ayos lamang ako Isang.. Matagal na kung nakabalik sa mga Del Castillo. Lahat ng anak ko ay nakapag tapos na." Natutuwa nyang saad. Natigilan ako sa binanggit nya. Tumingin ako kay Lola Adele na inaayos ang bulaklak nya sa ulo. "D-Del Castillo ho? Driver pa rin ho nila kayo?" Pilit na nangingiti kung tanong. "Aba'y Oo.. Kinuha ulit ako ni Theo ng mag colehiyo sya noon. Ito nga'y driver ako ni Señora. Baka nga ay nagsisimula na ang party ngayon pa lang.." Ngiti nyang sabi. "Ahhh ganu po ba.. Mabuti naman ho at ganun ang nangyari." Masaya kung pahayag at umayos na ng upo. Ramdam ko ang titig ni Lola at pagsulyap sa akin ni Tiyo ngunit di ko na lang pinansin. So a party huh? In Del Castillo's Mansion. "Kailan kayo huling nagkita ni Gin?" Basag ni Lola sa katahimikan. "La.. Please." Naiinis kung saway sa kanya. Kung driver nga si Mang Ben ni Mrs Del Castillo lagot na pag may nalaman nya. Sumulyap ako kay Mang Ben na nasa harap lang ang tingin. "Nakausap ko sya kahapon.. Matagal na daw kayong di nagkikita. Namimiss ka na daw nya.." "Lola Adele.." Saway ko at huminga ng malalim. "Ano? Sinasabi ko lamang ang totoo apo.. Aba'y sinumbong pa nga kitang naaksidente nung nakaraang buwan.. Kung andun lamang sya sa hacienda ay mas mag aalala yun sayo.. Dadalo tayo ngayon sa party na sya ang nagdaos. Thanks giving nya" Giit pa niya. Kunot noong tiningnan ko sya at sumulyap kay Mang Ben na napapatingin sa rearview mirror. "Lola.. Keep it. 6 months pa lang nung huli naming pagkikita. I will talk to her." Pabulong kung saad. "Aba'y dapat lang apo.. " sagot pa nya. Napapairap na lang akung tumingin sa labas ng bintana. Kuyom ang kamao sa gilid habang pilit na pinapakalma ang pusong mabilis ang t***k at ang takot at kabang umuusbong habang lumiliit ang distansya sa pagitan naming dalawa. It's been years since then, but I felt like he always running to me, surround me with the other presence that involves him. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD