Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula. Yun ako ng mawala si Mom. Wala akung maisip na iba at mag kulong sa kwarto, tapos na ang isang linggong excuse letter ko pero nasa kwarto lang ako nun at nakakulong. Hinahatiran lang ako nila Lola ng pagkain parati, even Ysmael didn't force me to go out kahit na sinusundo nya na ko pa manila. Nakatulala lang ako sa taas ng kisame ng biglang may mga maliit na kamay na lumitaw sa gilid at inaabot ang kumot ko. Bukas ang pinto ng kwarto ko at nakasilip dun si Lola at Ma'am Gin. Pinapanood nila ko at ang batang nasa ibaba ng kama ko. Napapakurap na bumangon ako at tumunghay sa ibaba ng kama ko. Una kung nakita ang itim na itim nyang mga mata habang pilit syang umaakyat sa kama ko. Siguro iniisip nya kung sino itong walang buhay at magulo ang mga buh

