Chapter 49: Choice Krystal's POV Hindi muna ako umattend sa klase ko ngayon dahil kailangan kong pumunta sa dorm ko para alamin kung anong nangyari kagabi. At kunin ang mga gamit ko upang bumalik sa mansyon ,yun kasi ang gusto ni Christine at Reize. Kailangan ko na ring alamin kung nasan na ba si Kib.,kung ano ng kalagayan niya ngayon. Siguro ay nakanila Faye siya ngayon, yun lang ang kutob ko. Pero bakit hanggang ngayon hindi parin siya bumabalik dito? Alam kong hindi hahayaan ni Faye na masaktan ang kapatid niya. "Krystal, hinahanap ka nga pala nung clinician kanina." Salubong sakin ng kaklase ko kaya napahinto ako sa paglalakad papuntang dorm. "Bakit daw?" Humarap ako sakanya at hinintay ang sagot niya. "Hindi ko alam. Pumunta ka nalang kung gusto mo" Sambit nito at saka naglakad p

