Chapter 33:First Warning Krystal POV "Daddy?"bulong ko sa sarili ng makita na kasama siya sa mga estudyante sa class picture. Kilala ko ang itsura ni Daddy noong bata pa siya dahil laging pinapakita ni lola ang mga pictures niya nung kabataan pa niya. Paano napunta ang picture niya dito? Bakit nakaipit pa ito sa libro na toh? Mga tanong na bumabagabag sa akin. Tinignan ko ng maigi ang nakasulat sa likod nito. "G-grade 10 A-archim-medes? M.A. ?"pagbasa ko sa mga nakasulat sa likod nito. Sulat kamay lang siya kaya mahirap basahin lalo na kung dikit dikit pa. Hindi ko naalala na may binanggit na ganitong school si Lola. "What's that?" halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Kib. Kaya agad kong inipit ang picture sa libro. Ayokong may ibang makaalam ng picture na toh dahil may

