MARGA's P O V
" Ang bata- bata mo pa anak para pumasok ng kasambahay! Baka hindi mo kayanin ang mabibigat na trabaho sa mansyon!? " nag- aalalang wika ni Mama sa akin habang nag- uusap kaming tatlo nila Papa ko.
Nasambit kasi nitong hindi niya kaya na pag- aralin ang kapatid kong sumunod sa akin na kaka- graduate lamang ng Senior High school no'ng isang araw. At ilang linggo mula ngayon ay enrollment naman sa kolehiyo. Kaya naman nag prisinta akong sabihin sa kanilang mamamasukan nga akong kasambahay sa mansyon.
Sa nag- iisang hasyenda rito sa aming lugar, kung hindi kasi pamamasukan bilang kasambahay ang trabaho mo rito ay pag tatanim naman sa bukid ang iyong magiging hanapbuhay. Kagaya ng aking ama na tauhan din sa hasyenda, kung ano- ano ang kanilang tinatanim depende kasi sa panahon. Pero kadalasan ay puro palay, mais at iba't ibang klase ng gulay ang mga tinatanim nila. Kung ayaw mo naman sa trabaho sa bukid at sa pagiging kasambahay ay kailangan mo pang lumipat sa ibang bayan para mamasukan sa mall o iba't ibang establishment.
" Kayang- kaya ko ho iyon, Mama! Ako pa! " pagmamalaki ko pa at itinaas ko pa ang isang braso ko ipinakita ang aking muscle na puro buto lang yata at balat na may kaunting laman dahil sa balingkinitan kong katawan.
" Naku! Kapag nagkasakit ka roon ay kahit ayaw ninyo ng Papa mo ay iuuwi kita rito! " bulalas pang wika ni Mama na ikinatawa lang naman namin ni Papa
" Opo! H'wag po kayong mag- alala sa akin, mababait naman po ang mag- asawang Senyor at Senyora, 'di ba!? " pagbibigay ko naman ng assurance sa aking Ina.
" Kahit na! Iyong trabaho nga kasi mismo ang baka hindi mo kayanin! Ang nipis- nipis pa naman ng katawan mo! " pangungulit pa ni Mama
" Oo! H'wag kang mag- alala sa anak natin! Kahit ako mismo, kapag nakita kong nahihirapan doon ang ating panganay ay ako na ang kusang mag- uuwi sa kanya rito. " pangako naman ni Papa, para lamang siguro mag lubay na si Mama sa kaka- reklamo.
Kaya naman hindi na nakakibo ang aking Ina, na tila ba iyon lamang ipinangako ng aking ama ang kanyang hinihintay para siya ay huminto na sa pag pipigil sa akin.
Sandali pa kaming nag- usap dito sa labas ng aming bahay para hindi marinig ng iba ko pang nakakabatang kapatid ang sitwasyon ng aming pamilya. Ayaw kasing iparinig ni Papa sa kanila na hindi nila kakayanin ang pag- aaral ng mga ito. Katwiran pa kasi ng aking Ama na baka raw tamarin ang mga ito at pabayaan na lamang ang pag- aaral at hindi na mangarap na makapag tapos.
Matatalino naman kasi kami, kaya lamang ako napilitang tumigil sa pag- aaral dahil wala ngang susuporta sa akin na mag- aral. Naka- graduate naman ako ng Senior High School. Kaya nga nangako rin ako sa sarili kong itataguyod ko ang pag- aaral ng mga kapatid ko para maiba naman ang aming buhay. At nangako sa aking nga magulang na ipag papatuloy ko ang aking pag- aaral kapag naka luwag- luwag na kami.
Makatikim din naman ng ginhawa ang aming mga magulang kapag nakatapos ang apat kong mga kapatid at makahanap ng magandang trabaho.