Simula
Looking at the aisle, picturing myself walking wearing a black toga with flying colors and full of confidence. Cheering myself that, finally, I did it!
But that is far from where I am right now. I was just imagining myself here at the auditorium, where the seniors graduated.
Today is the first day being a first-year college student, currently taking education.
To be honest, Education is not the course I want. My heart belongs to culinary arts, but due to a lack of financial support, I need to adjust and embrace this course.
"Welcome, Freshmens and Freshwomens!" Panimula ng Speaker.
Nandito ako sa pinakadulo ng auditorium nang magsalita ang speaker.
Nahihiya akong pumunta sa mga bakanteng upuan dahil wala naman akong kakilala rito. Hindi ko rin alam kung nasaan nakapwesto ang mga magiging kaklase ko.
Sobrang dami kasing estudyante rito at nahihiya akong magtanong! Kahit sa mga teachers ay nahihiya rin ako!
Aantayin ko na lang siguro na tawagin ng speaker ang bawat kurso para malaman ko kung saan ba dapat ako uupo.
"Nasaan naman dito ang mga college of education?" Tanong ng speaker.
Nagtilian at nagsigawan naman ang mga estudyanteng mga nakaupo sa harapan ko.
Ang dami nila. Hindi ko alam kung ilang section meron sa education. Ang nakalagay kasi sa aking Certificate of Registration ay BSEd TLE 1-A.
Saan ko ba dapat hagilapin ang mga kaklase ko?
"I hope lahat kayong nandito sa auditorium ay makita ko pa rin kayo na naglalakad suot ang inyong mga toga." Sabi ng Principal.
Natapos ang orientation ng hindi man lamang ako sumubok na magtanong sa mga estudyanteng nandito. Hahanapin ko na lang siguro ang room ko.
Sinabi naman din ng speaker na paglabas namin dito ay nakapaskil na kung saang building at room ang bawat kurso.
Inantay ko munang kumonti ang tao bago ako naglakad papunta sa bulletin board kung saan nakalagay ang schedule at room number. Pinicturan ko na lang ito at nagsimula ng maghanap.
Hindi naman siguro ako mahihirapan maghanap dahil may kanya kanyang building ang bawat course.
"College of Education" Basa ko sa nakasulat sa building. Wow! Ang laki pala. Saan at paano ako mag-uumpisang hanapin ang room ko?
Maguumpisa na sana akong maglakad papasok sa loob ng may nakabangga sa aking tumatakbo na tila nagmamadali.
"Sorry, pasensiya na!" Paghingi niya ng paumanhin bago tumakbo ulit paalis.
Hinayaan ko na lang iyon at hindi na pinansin. Nagtuloy-tuloy na lang ako sa pagpasok sa loob ng building.
Ang ibang mga estudyante ay sama-samang naghahanap kung saang room sila habang ako mag-isa na tinitignan ang room number ng bawat kwartong madadaanan ko.
"Room 304. Saan ba kasi ito?" Tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang schedule sa cellphone.
Unang subject ay Room 304, sa susunod na subject ay iba naman. Paiba-iba pala ng kwarto kapag nagcollege na. Hindi katulad ng high school, iisang room lang.
"Room 304, Third floor sa pang apat na room." Napatingin ako sa taong biglang nagsalita. Siya pala iyong lalaking nakabangga sa akin.
"Tara sabay na tayo, magkaklase pala tayo." Nakangiting sabi niya sa akin.
Gusto ko man tumaggi ay hindi ko magawa kasi ilang minuto na lang ay maguumpisa na ang klase.
Nauna siyang naglakad papunta sa elevator habang tahimik lang akong nakasunod sa kanya sa likod.
Ang daming nag-aantay sa may elevator, pero 'yung iba ay pinili na lang sa hagdanan dumaan.
Gusto ko sanang doon na lang din dumaan dahil hindi rin naman ako sanay na sumakay ng elevator dahil nahihilo ako. Kaso nahihiya lang akong sabihin sa lalaking nag-aya sa akin na sabay na raw kami dahil magkaklase naman daw kami.
Habang inaantay namin na bumukas ang elevator, iniisip ko kung kakausapin ko ba siya o hahayaan ko na lang. Ayoko kasi talagang sumakay diyan.
Nilakasan ko na lang ang loob ko at hinila ang dulo ng suot niyang puting t-shirt.
Agad naman siyang napatingin sa akin pati na rin sa kamay kong nasa kanyang damit.
"Uh.. Ano kasi..." Hindi ako makatingin sa kanya ng diretcho dahil nahihiya ako. Lakasan mo ang loob mo, Zephanie, habang hindi pa bumubukas ang pinto ng elevator.
"Ano... Maghahagdanan na lang ako paayak. Bye!" Hindi pa rin ako nakatingin dito kaya hindi ko alam kung ano ba ang reaksyon niya.
Aalis na sana ako nang hinawakan niya ang kaliwang braso ko para pigilan.
"Mabilis tayong makakarating sa room kapag nagelevator tayo." Paliwanag niya kaya siguro niya ako pinigilan.
"Ano kasi..." Dapat ko bang sabihin sa kanya na nahihilo ako kapag nakakasakay sa elevator? Pero hindi naman kami close, kaklase ko lang siya.
"Hi-hindi na... Ma-s g-gusto ko maghagdanan..."
"Then, lets go." Nauna na siyang maglakad. Hindi ba siya mageelevator?
Nahihiya 'man sumabay ay wala na akong magagawa dahil malalate kami kung sakaling pagunahan ako ng kahihiyan.
Nakarating kami sa Room 304 nang tahimik at hindi nagkikibuan sa isa't isa.
Nauna siyang pumasok at binati agad siya ng iba naming kaklase na kilala siya.
Nagtungo siya sa pwesto ng mga lalaki. Barkada niya siguro dahil nagbatian sila.
Ako naman, hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi dahil pinapangunahan ako ng hiya at kaba.
Imbis na sa harap ako dumaan ay sa likod ako dumiretcho at umupo na agad sa pinakamalapit at bakanteng upuan sa tabi ng pintuan. Tahimik lang ako habang ang iba ay naguusap-usap na parang akala mo ay matagal ng magkakilala.
Paano ako makikisabay sa kanila kung isa lang akong simpleng babae na mahiyain at hindi mahilig makisalamuha sa ibang tao?
"Hey!"
"Hey!" Ulit ng tumawag pero hindi ko ito nilingon. Hindi kasi ako sigurado kung ako ba ang tinatawag. Baka mapahiya lang ako.
Naramdaman kong may lumapit sa akin. Paglingon ko ay iyong lalaking nakasabay ko.
"Kanina pa kita tinatawag hindi mo ako nililingon." Sabi niya.
"Uh... Ano kasi..." Walang kahit anong lumabas sa bibig ko na salita dahil sa hiya.
"Hey! Transferee ka lang ba dito?" Tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot. "Kaya pala." Dugtong niya.
"Most of us here are classmates during senior high kaya halos lahat ay magkakakilala na." Paliwanag niya.
"Tara doon. Pakilala kita sa barkada ko." Sabi niya at tinuro iyong pwesto niya kung nasaan siya kanina.
"H-hin-di na!" Nauutal kong sabi.
"C'mon! Kung iniisip mong puro lalaki sila, 'wag mo isipin 'yon, may mga babae din sa barkada namin, mga girlfriend nila." Paliwanag niya kahit hindi ko naman iniisip iyon.
"Bago pala kita ipakilala sa kanila, ano ba munang pangalan mo?"
"Ano... Zaphanie Klaire..." mahinang bangit ko rito.
"I'm Brian Jarius. You can call me BJ since karamihan dito na kilala ako ay iyon ang tawag." Inilahad niya ang kamay niya upang mikapagshake hands.
Mabilis akong tumangi dito dahil sa hiya.
"Lets go!" Walang pag-aalinlagang kinuha niya ang kaliwang kamay ko kaya napatayo ako at sumabay na sa kanya papunta sa barkada niya.
"Uy, Si bro may kasamang babae!" Pang-aasar ng barkada niyang lalaki ng makarating kami.
"Girlfriend mo, pre?" Tanong naman ng isang lalaki.
"Gago! Transferee, nagkasabay kami kanina." Sabi ni Brian Jarius.
Hindi na ako nagulat ng marinig siyang magmura. Alam ko naman na lahat ng lalaki ay nagmumura eh.
"Akala namin may ipapakilala ka ng girlfriend, pre. Para kompleto na ang barkada." Pang-aasar nung isa pang lalaki.
Sinenyasan niya akong maupo muna sa bakanteng upuan katabi sa kanya.
"Pagpasensiyahan mo na 'tong mga barkada ko. Mga pasaway kasi nadadamay lang ako." Sabi niya sa akin. Nag-aalangang ngumiti lang ako.
"Ikaw kaya pasimuno kung bakit tayo laging nasa OSA! Buti na nga lang kapatid mo yung president ng student council!" Sabi ng barkada niya.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Mga pasaway pala sila noong senior high dahil palagi silang napupunta sa OSA.
"Zephanie, pakilala nga pala kita sa kanila, siya nga pala si Prince pero hindi mukhang prinsipe, Si Julius na pinaghalong july at genius, at si Mark na tahimik lang." Mahina akong natawa sa mga pinagsasabi ni Brian Jarius. Ang kulit nila.
"Yung mga girlfriend ng mga 'yan nasa college of tourism. Pakilala na lang kita kapag same sched ng lunch break." Dagdag niya.
"Gago ka talaga pre, pwede naman ipakilala ng maayos, nilagyan mo na naman ng kalokohan ang pangalan namin!" Sabi nung Prince.
Nagtawanan naman silang tatlo habang ako nahihiyang makipagsabayan sa kanila.
♡
05-27-25